CHAPTER 26

49 3 0
                                    

Lumipas ang isang buwan at 5th Monthsary na namin. Sobrang saya ko lang kasi never pa kaming nagaway sa limang buwan namin. Astig no?

Well we love each other and we trust each other. Ganyan kasi dapat ang isang relasyon. Para iwas away diba? :)

Ayun kumain lang kami sa mcdo kasi wala ding budget plus may pasok kami.

About naman kay arvin. Palagi kaming nagkakatext. Pero di ko sinasabi kay carl. Pag magkikita kami lagi kong sinasabi kay arvin na wag magtext.

Alam niya naman na may boyfriend ako kaso ewan ko ba. Ang kulet kulet. Minsan nga niloadan niya ko kasi di ako nagrereply. Haaay. Feeling ko tuloy nagtataksil ako kay carl -_-

Sinabi ko kay israel tska abby na nagkakatext kami ni arvin. Kaya pag wala kaming teacher niyaya ako ni abby sa upuan niya para di kami makapagkwentuhan ni arvin. Pano ba naman simula 1st subj hanggang last subj siya katabi ko dahil alphabetical -_-

Kaso dumating yung araw na kinakatakutan ko.
"Ano lagi mo ba yang katext na arvin na yan? Kaylan pa ha?!" sigaw sakin ni carl.

Sabado ngayon.. Nandito kami sa parkingan malapit sa sakayan ko.. Pauwi na sana kami.. Galing kami kala alice.. Kaso bigla kasing tumawag si arvin.. Kaya nung tinignan ko nakita ni carl..

Tinanong niya sakin kung sino daw yun.. Kinuha niya phone ko.. Nakita niya yung mga text ni arvin.. At ang matindi pa dyan eh yung gm niya na ako yung footnote..

Kaasar naman kasi si arvin eh! Tinext ko siya at naggm din ako kanina na kasama ko tropa at si carl.. Ewan ko ba at nagtext pa siya -_- Nananadya ata. Badtrip!

"Pwede bang wag kang sumigaw? Nakakahiya eh." sagot ko sakanya.

"Nililigawan ka ba niyang arvin na yan ha?!!" sigaw niya ulet.

Nakakainis! Hindi nga ko sinisigawan ng nanay ko tas siya sisigawan ako? Aba di na ata tama yang ginagawa niya -_-

"Ano? SUMIGAW KA PA!! Hindi ako bingi carl! Pwede mo kong tanungin ng hindi pasigaw!"

"Sa tingin mo paano ko hindi hihinahon? Yung gf ko nagpapaligaw sa iba!!"

"Ligaw? Pano mo nasabi na nililigawan ako ni arvin ha?!"

"Yung pagfofootnote niya sayo? Anong ibig sabihin nun? Ha?"

Nakakasar kasi si arvin eh! Badtrip!! Nagaaway tuloy kami ni carl -_- Hindi ko talaga siya itetext mamaya, bukas at sa isang araw.

Lumapit ako saknya tapos niyakap ko siya. "Sorry na mahal. Nakakatext ko lang siya pero hanggang dun lang."

Hindi siya agad nagsalita. Niyakap niya muna ako tapos tska siya nagsalita.

"Ako lang naman mahal mo diba? Please mahal. Ako lang dapat."

Niyakap niya ko ng mahigpit tapos ganon din ako.. Yiiiee! Grabe! Sobrang sweet namin magaway. Haha. Kahit na sinigawan niya ko konting lambing lang naman pala okay na ;)

Bumitaw na ko sakanya tska ko siya niyaya na umuwi. Hinawakan niya yung kamay ko tska niya hinalikan sabay sabi na..

"Sorry mahal. Sorry kung nasigawan kita. Natatakot lang ako na baka may iba ka na."

Nakakaspeechless kaya wala akong ibang ginawa kundi ang halikan siya sa kanyang pisngi. First time na kiss namin sa cheeks.

"Tara na mahal. Tandaan mo lang lagi na ikaw at ikaw lang mamahalin ko."

Ang sarap talaga mainlove! Haha. Grabe kami no? Naglakad kami na magkahawak kamay papunta sa sakayan ko..

Walang umiimik.. Dinadamdam lang namin yung lambot ng mga kamay ng isat-isa.. Hanggang sa may dumating na jeep..

"Sakay ka na." mahinahon niyang sabi.

"Sige mahal. Ingat ka pauwi." sagot ko naman.

"Sige. Sorry ulit mahal. ILoveyou. Ingat ka." sabay halik sa noo ko.

Lumipas ang linggo.. At ngayon paakyat na kami sa room. Masyado kaming maaga. Kaya bago kami maghiwalay ni carl sinabihan ko sila na puntahan kami sa room pag wala silang gagawing assignment..

Pagpasok ko sa room.. May nakita agad akong isang bouquet na rose at isang sulat sa ibabaw ng lamesa ko.. Ayoko sanang basahin yung sulat kaso nacurious din ako kung kanino galing..

Pagkabukas ko..
"Celine, sorry. Peace offering ko yang bulaklak na yan. Alam kong mahilig ka sa bulaklak kahit alam kong saglit lang siya mabubuhay pero dahil masaya ka dyan. Ayan na. Sorry kasi nagaway kayo dahil sakin. Nalaman ko kasi kinulit ko si abby. Tinanong ko kung baket di ka nagrereply. Sorry talaga celine.. pero mahal na talaga kita. Kahit ilang beses ko pinigilan pero wala eh.. Sorry and i love you.. -rvn

Galing nga sakanya..

Lumingon ako sa labas.. Nakita ko si carl na nakatingin sakin.. Nilapag ko sa lamesa ko yung bulaklak at sulat.. Tska ko lumabas..

"Kanino galing yung bulaklak ha?" tanong niya saken.

"Wa... wala yun.. peace offering niya lang sakin.."

"Baket nagaway ba kayo at may papeace offering pa siyang nalalaman ha?!"

"Nagsosorry siya dahil nagaway tayo dahil saknya.. Yun lang!"

Nagulat ako nung pumasok siya sa room namin at kinuha yung bulaklak at sulat.. Wala pang masyadong tao pero nakakahiya sa mga nakakita -_-

Dire-diretso siyang bumaba papunta dun sa may likod ng canteen.. Kami naman ni badong at abby eh sumunod lang..

"Ano bang gusto mangyare niyang arvin na yan ha?!" sigaw niya.

Nakita ko na nasa basurahan na yung bulaklak tapos yung sulat hawak niya..

"Mahal naman! Wala siyang gustong mangyare!"

"Wala? Talaga lang ha? Bakit niya sinabe na mahal ka niya ha?!"

"Hindi ko kasalanan na mahal niya ko!"

Naiinis nako.. Napakababaw niya! Hindi ko ginusto na bigyan niya ko ng ganyan diba? Ano gusto niyang palabasin na gusto ko?! Kaasar!

"Pinagbibigyan na nga kita na ilabas ni mack ano gusto mo rin na makipagdate kay arvin ha?!"

"May boyfriend ka na celine! Ayaw kitang pagbawalan na lumapit at makisama sa mga lalaki kasi hindi mo ginagawa sakin yan pero kung ganyan lang parang pinipilit mo ko na gawin na yan!"

Hindi ko na alam sasabihin ko.. Si badong at abby nakabantay lang sa may daanan baka kasi biglang may pumasok.. Para kasi siyang private room na open area. Basta ang hirap iexplain eh..

"Masama bang matakot na maagaw ka nila sakin? Masyado lang kitang mahal celine!" sabay alis niya.

Hindi ako makatayo at makapagsalita sa sinabe niya.. Nakakaguilt kasi.. Para kasi talagang niloloko ko siya sa tuwing katext ko at kausap ko si arvin tapos sa tuwing lumalabas kami ni mack..

Masyado na nga ata akong malaya.. Ako tong nangangarap na maging kami ni carl pero ngayong kami na parang niloloko ko pa siya..

"Sige na celine.. Umakyat na kayo.. Ako na kakausap muna kay carl.. Magiging maayos din kayo.. Nagselos lang yun." sabi ni badong tska siya umalis.

"Akyat na tayo celine.." yaya sakin ni abby.

"Ayoko muna.. pwede bang pakitawag si arvin? Gusto ko siyang kausapin.."

"Okay sige. Hintayin mo kami."

Siguro panahon na para magbago.. Kahit na pangalawang beses palang namin na pagaaway to pero malala eh.. Kaya gusto kong iwasan yung dahilan ng pagaaway namin..

"Celine.."

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon