CHAPTER 13

84 5 0
                                    

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto. Baka kasi magising si mama eh tanungin pa ko nun bakit ngayon lang ako matutulog :3 Haaay. Tagal din ng paguusap namin eh.

Kaya pagkahiga na pagkahiga ko. Tumingin ako sa kisame at nagbuntong hininga.

Niyakap ko si spongebobmylove :''> imbis na yung bigay niya kanina na malaking bear na talagang halos 2ft yung laki eh mas pinili kong itabi muna.

Haay. Di naman kasi ako ready sa mga nangyayare ngayon.

Ang landi landi ko kasi. Bata palang ako may lovelife na kaya eto parusa! Saket sa bangs teh!!!

Alam naman ng sarili ko at alam kong alam niyo din naman na mahal ko na si carl dba? Pero bakit parang... Parang kinikilig ako sakanya? Haaay. Yung totoo normal bang magkagusto ng ganitong age? Ewan!

Teka.. Kanina ko pa yun kasama pero di ko mabanggit bangit pangalan niya no? Eh kasi!!! Di ko tanggap na nandito na siya ulet :((( Di ako ready!! Haaay.

Siya nga pala si MACK QUES! Maarte na marcos :D MACK QUES! XD Hahaha. Tawa kayo dali tawa! :D

Itulog ko nalang to.. Alam kong puyat lang to XD Hahahaha.

"Celine! Bakit may cake ka? Bumangon ka na nga dyan! Anong oras ka natulog? Hoy celine!!"

Narinig ko yun ng paulit ulit tapos may kasama pang kalabit sa tiyan ko..

"E..eto na poooo." Nag-inat ako tapos sinabe ko yan.

"Anong oras ka natulog? At sino kausap mo sa phone?" Sunod na sunod na tanong ni mama.

Haynakooo :3 Ang hirap talagang maging unica hija :| Tanong dito, tanong doon.

"Tulog muna ko ma please? Mamaya ko ikkwento :3" tapos sabay pikit ko ulit.

"Hindi anak. Ngayon na! Anong oras ka natulog?"

Haay. Di ako dumidilat pero sinagot ko si mama ng 2am. Sobrang antok pa ko eh. Alam niyo ba kung anong oras palang? 7am palang po! Kaasar. Ang aga aga pa!

"Kanino galing yang bear, flower, cake pati yang si spongebob? Aba aba naman anak. Dumadami ata manliligaw mo na di namin nalalaman ha? Asan sila? Papuntahin mo dito at ng makilala namin."

Ang daming satsat ni mama. Ts. Bumaba ako ng kama ng di ko pinapansin si mama tapos sinundan ako.

"Ano ma? Sama ka sa cr? Pati sa pagcr dapat inform kayo? OA na ma. Tsk." inis kong sabi.

Kaasar eh. Kaasar talaga. Ganyan ba magulang niyo? Nakoo talaga. Di talaga ako nakakapagtago ng sikreto dito eh.

Lumabas ako ng cr then diretso na sa kainan. Kasi nandun na sila. Hay. Nasaken ang ilaw haha. Imbis na spotlight eh ilaw XD Nakakasilaw yung spotlight eh :D

"Ayan na ang ating prinsesa." sabi ni papa.

"Haba ng buhok mo gurl! Dami mong cake ha?" asar ni cen.

"Oo nga may flowers at bear pa. Imba ka tlaga cel." Dugtong ni kuya car.

"Ewan ko sainyo!" irap tapos umupo nako.

"Anak! Kanino ba galing lahat yan? Bakit ang dami mong ganyan?" tanong ni papa.

Dahil sa antok pa ko..

"Kay mack po." dirediretsong kong sagot.

"MACK?!!" Sigaw nilang apat.

"Opo si mack." sinabi ko yan ng walang kabuhay buhay.

Inaantok pa kasi ako eh. Bakit ba ko ginising ng mga to? Haay.

"Mack Quez?! Dumating na sila?" Sigaw ni tanong ni mama.

"O..opo." sagot ko sakanila.

Pagsubo ko ng cake.. Naalala ko si mack..

Naalala ko yung sinabe niya na..

*flashback*

"Bakit ayaw mong malaman ni mama na nandito ka na?"

"Di pa ako handa."

"Bakit? Eh matutuwa nga yun pag nalaman niyang nandito ka na e."

"Hindi siguro basta wag muna."

*End of flashback*

Hala nasabi ko :3 Pano to? Amp.

Isip celine.. Isip!

"Hoy celine! Dumating naba si mack?!"

"Hu..huh? Si..sinong ma..mack?" tanong ko kunwari.

Haynakoo. Sana umeffective :3

"Sabi mo yung nagbigay ng lahat ng to?"

"Hu..huh? May sinabi ba kong mack?"

"Oo teh! Nakoo!"

"Haynakoo! Di yun mack! Ma...mark ro...rodri...quez! Yun! Si mark rodriquez!" pagsisinungaling ko.

Kill me now Lord! Sorry! Gumagaling nako sa pagsisinungaling :3

Siguro ilang minuto muna bago may nagsalita..

"Aahhh. Kala namin si mack quez! Kaklase mo ba yun si mark?" tanong ni papa at nakita ko na tinignan ni mama ng masama si papa sabay ng pagbuntong hininga nilang apat.

Anong meron? Bakit parang kinabahan sila nung nabanggit ko si mack?

Tsaka bakit nga ba ayaw pang malaman ni mack na nandito na sila?

May hindi ba ko alam?

Ewan basta alam ko MACKgulo!!! Haaaaay. Odiba? Pati joke ko MACKorni :3 EWAN! Letseng mack yan!! SaMACKin ko na kaya? Tse! Ewww celine!! Ewww celine!! Kadiri yung mga joke mo ha gabi pa yan!XD Awat na :D

"Mack mack mack mack?! Sino ba yung mack na yan? Eh diba december palang ngayon hindi MACKch?" Sabi ko kay cen.

"Joke yun ate? AMBAHO!"

"Tse! Letse ka! Hahahahaha. Nakakatawa nga yun eh :p"

"Gusto mo ng mack?" tanong ni kuya car.

"Oo gusto ko ng big MACK! XD" sabi ko ng tumatawa.

"Oh eto liMACK piso! Pambili mo ng MACK candy!"

"Kuya! ANG KORNI! SOBRANG KORNI! XD" sinabi ko yan sabay tawa ng malakas.

"Korni daw pero tawa ng tawa? Nakoo! Panis kalang saken :p" pagmamayabang ni kuya car.

Ayun nagasaran lang kami ng nagasaran. Bigla akong napaisip..

Bakit parang may kulang?

Meron dapat akong ginagawa ngayon pero ang naisip ko ngayon ay si mack...

Puro MACK MACK MACK!!

Ano yung nakakalimutang kong gawin?

Bakit ba si mack ang naiisip ko ngayon?

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon