Chapter 42

21 0 0
                                    

1pm.. Sakto ako umalis.. Okay lang naman ata malate ako..

30 mins.. Nakarating nako sa circle mall.. At bumaba ako sa food court.. Nakita ko na siya..

Yung puso ko nagwawala hindi dahil sa excitement kundi dahil sa kaba..

Kaba dahil alam kong may pwedeng mangyare..

Dahil alam ko any words na sabihin niya sakin eh puro kasinungalingan nalang...

At alam ko parang hindi na kaya pang tanggapin ng puso ko..

Kaya yung luha ko kanina pa naguunahan na tumulo pero pinigilan ko.. Sinabi ko sa sarili ko na...

Hindi ako iiyak sa harap niya.. HINDI!

"Hi!" bati niya sakin.

Yung boses niya.. Namiss ko ng sobra..

"Tara sa WOF?" sabi niya at sabay kuha sa kamay ko.

Tugsss.... Tugss... Tugs..

Kaba.. At sakit ang nararamdaman ko.. Hindi ko alam bakit.. Pero sana.. Mali lahat ng iniisip ko...

Habang naglalakad kami.. Hindi niya binibitawan yung kamay ko.. Kahit na may dumadaan sa harap namin di niya ko binibitiwan..

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita...

"Mahal, naalala mo yung araw na naging tayo?"

Umoo agad ako sakanya.. At inalala ko lahat.. Lahat-lahat.. Yung unang araw naming magkakilala.. Yung unang araw na tinawag niya kong kapatid.. Lahat.. Lahat ng masasayang araw namin..

Hindi ko napansin na nandito na kami sa WOF.. Bumili kami ng tokens at tickets.. Kahit nakapila na kami hindi niya padin binitiwan kamay ko.. Binitiwan niya lang nung kami na yung maglalaro sa bump car..

Nakita ko siyang ngumiti sakin na parang walang nangyayari...

Siguro.. Wala nga.. Baka mali lang ako ng iniisip.. Baka na misunderstood lang namin nila abby at israel yung mga gm's nila at pagiging close nila.. Baka nga wala..

Kasi imposible din eh.. Imposible din na magawa nila sakin yun..

Inumpisahan ko ng ngumiti.. Kinalimutan ko muna lahat ng nangyari.. Nagpakasaya ako ngayon.. Namiss ko siya at mahal na mahal ko siya...

Naglaro kami kung saan-saan at sumakay kami sa kung saan-saan.. Hindi niya nakakalimutan na hawakan yung kamay ko sa tuwing may pagkakataon.. Kumain kami sa mang-inasal.. Tapos 5:30 na.. Niyaya niya ko sa tambayan namin..

Nagtawanan kaming dalawa.. Ang sarap marinig nung mga tawa niya..

"Okay lang naman na sa tambayan natin tayo diba?"

Pagkasabi niya nun.. Biglang bumalik yung totoo.. Para akong nagising sa panaginip na meron nga palang problema..

"Ba.. bakit? Ma.. may problema ba?"

Nagpanggap ako na walang problema.. Ilang araw narin kasi nung umuwi kami galing sa cavite... Pero hindi kami nagkita.. Dahil sa mga kasinungalingan niya...

Kasinungalingan niya na hinayaan ko lang..

At inipon..

"Wa..wala lang.. Sobrang namiss lang kita.. Gusto lang kita yakapin ng sobrang higpit.."

Sumakay kami ng jeep... Wala nanamang imikan.. Pero hawak padin niya yung kamay ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon