Chapter 37

45 1 4
                                    

Nagpaalam nako kay marie at israel..

Naglakad nako kahit ayaw pumayag ni badong at abby..

Pero mayamaya sumunod narin si abby kahit tinatawag siya ni badong..

"Bi okay lang kahit mag-isa lang ako." sabi ko kay abby.

"Baliw ka! Pano kung marape ka dyan? Ang ganda ganda mo pa naman!"

Natawa nalang ako.. Alam ko naman na pinapagaan niya lang loob ko dahil alam niyang nasasaktan ako..

"Di mo naman kailangang gawin to." sabi niya.

"Ang alin?" tanong ko.

"Etong pagmumukmok mo."

"Lagi mong tatandaan na hinding-hindi kita iiwan."

Napatingin ako kay abby..

Naalala ko tuloy yung una naming paguusap...

*Flashback*

(First Day of School)

Ring... Ring... Ring...

Palabas ako ng room ng narinig ko yung pangalan ko...

"Celine??"

Lumingon ako at hinanap...

"Hi ako nga pala si abby!" sabay abot nung kamay niya.

Nahihiya pa ko nun pero inabot ko yung kamay niya at nagshakehands kami...

"Hi abby! Ako nga pala si ..."

"Celine? Oo kilala na kita."

Nagulat ako nun kaya tinanong ko siya agad...

"Bakit moko kilala?"

"Ediba nagpakilala kanina?" sabay tawa siya.

"Ay oo nga. Sorry di ko natandaan name mo." sabi ko.

"Okay lang naman no. Sayong name lang naman natandaan ko."

"Wow nakakatouch naman. Bakit?"

"Ang ganda mo lang talaga.. bagay na bagay sa name mo."

Nagulat ako.. Minsan lang may magsabi sakin niyan dahil si israel lagi akong sinasabihan na ang panget ko daw..

"Thank youu! Nakakaflattered naman yan." tapos binigyan ko siya ng ngiti.

"Sabay tayo magbreak? Okay lang ba?"

"Ay oo naman no. Kaso hihintayin ko pa bestfriend ko okay lang ba?" sabi ko.

"Oo sige celine. Friends na ba tayo? Tabi tayo ah. Wala ka namang katabi diba?"

Tapos ayun na nga.. Nagrecess kami tapos naging magkaibigan na kami..

*End of flashback*

Feeling ko.. pag kayo talaga ang nakatadhana eh gagawa ng paraan yung tadhana kahit sa simpleng paraan lang...

Eh nakatadhana ata kaming magbestfriend ni abby.. Kaya dahil lang sa unique ko daw na pangalan eto...

"Hoyyyyyy!"

Nagulat ako sa sigaw...

Lumingon kami sa likod... At nakita naming tumatakbo si badong papalapit samin...

"Haaay. Grabe kayo. Ang bilis niyo maglakad." sabi niya habang hingal na hingal

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon