CHAPTER 27

49 3 1
                                    

Lumipas ang ilang linggo..

Magkasama kaming lahat sa bahay naman ni marie..

Grabe ang laki-laki ng bahay nila.. Rich kid talaga tong si marie..

Birthday niya kasi.. Ang sweet niya nga kasi kami lang ininvite niya..

Okay na ulit kami ni carl.. Although palagi na talaga kami nagaaway dahil sa mga ilang bagay.. Like ng matagal daw ako magtext tapos natutulugan ko siya.. pero isang lambing lang ayos na kami..

Si arvin namin hindi na kami nagkatext.. Naguusap nalang din kami pag may kailangan.. Sabi ko kasi sakanya kung pagpapatuloy pa namin yung pagtetext eh lalo lang siya mafafall at lalo lang din kami magaaway.. Tama lang na itigil na..

Kahit naman alam kong nasaktan siya eh yun ang mas maganda naming gawin.. Hindi ko siya pinapaiwas kasi mahirap.. Magkaklase kami at magkatabi ng upuan..

"Marie, para sayo oh?" sabi ni israel kay marie sabay abot nung gift niya.

Lalaki pala talaga si israel haha. Kasi nililigawan na niya si marie nung pasukan palang.. Nilihim lang samin netong dalawang to kaya sobra akong nagtampo kay israel..

"Teka may kukunin lang ako sa taas ah? Kaen na kayo dyan." sabi ni marie.

Kumuha na kami ng pagkaen tapos umupo sa sala nila.. Magmomovie marathon daw kasi kami..

Nung pagbaba ni marie.. Makikita mo saknya yung ngiti na inlove.. Siguro mahal niya na si israel no? Kaso nagdadalawang isip pa siya baka bakla talaga si israel XD Hahahaha. Sama ko no?

Habang kumakaen kami may sinaksak na usb si marie sa tv nila.. Siguro mga movie yun..

"Final destination nalang!" sigaw ni carl.

"Kadiri ka carl! Kumakaen tayo eh!" sabi naman ni abby.

"The notebook nalang!" sigaw ni alice.

"Oo tama yan nalang! Di ko pa yan napapanuod pero sabi nila sobrang ganda daw niyan." sabi ni abby.

Oh diba? Sabi ko sainyo mga movie yun eh.. Ang dami nga eh mga 30 copies ng mga movies..

"Sus! Love story nanaman? Horror nalang!" sabi naman ni badong.

"Wow ha! Nanaman? Baka nanunuod tayo ng love story!" sagot ni abby.

"Jusko! Araw-araw nga tayo nanunuod ng love story nila marie eh pero wala pading ganap.. Haha." sabi ni badong.

Lumapit si marie tapos binatukan niya si badong.. Haha.

"Sige dahil birthday ko eh the notebook nalang. Di ko padin yan napapanuod eh.."

"Sundin naten ang birthday girl." pacute na sabi ni israel.

"Yuck israel! Di bagay sayo magpacute!" sigaw ni carl.

"Hahaha! Tama!" sang-ayon ko naman.

"Magbreak na sana kayo!" sabi niya sabay dirty finger.

Tapos binatukan siya ni marie..

Buti nga sayo haha..

Nung nagstart na yung movie.. Yung tatlong lalaki namin eh puro reklamo..

"Ang korni naman!"

"Ang boring!"

"Horror nalang talaga dali na!"

Kaya kaming mga girlfriends eh pinagbabatukan namin sila..

"Pwede bang manuod nalang kayo!" sigaw ni marie.

"Yes boss!" sabi ni badong tska siya umayos ng upo.

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon