Ang batas ay siyang magtatanggol sa mga taong inaapi. Ang batas ay nilikha para sa taong walang kaya at hindi kayang depensahan ang sarili sa kasalanang hindi nila ginawa. Magulo, nakakasulasok ang mundo, mayaman at mahirap ay hindi pantay. Desisyon ng korte ay hindi pa rin malinaw. Walang hustisya na nakakamit kung walang kapalit. Sa henerasyon ngayon, bago mo makuha ang hustisya, kailangan mong bigyan ng piring ang batas para ibigay ang iyong nais na kalayaan.
Isang nakakatakot na mundo ang ginagalawan ni Ethan. Sa likod ng malalamig na rehas, nagtatago ang katotohan. Pilit kinukubli ng hukom ang ebidensya para lang pagtakpan ang ginagawa ng mga may sala.
Sampong taon, nakulong siya dahil sa krimen na hindi niya ginawa. Bintang nang nakararami sa may sala ay dumako sa kaniya.
"I sentenced the accused guilty. He will be sentence with 10 years imprisonment for a grave offense of rape." sambit ng Judge na siyang nagtatapos sa hearing.
Natulala si Ethan, napaluha. "H-Hindi... wala akong kasalanan," usal niya sa kaniyang abogado. "Bakit nila kinukubli ang katotohanan, kung ang may sala ay nasa paligid lang?" tanong nito kay Attorney Martinez.
Tinapik lang ng abogado nito ang kaniyang balikat. "Hayaan mo, Ethan. Paghihirapan kong ilabas ang tunay na ebidensya sa kasong hindi mo ginawa. Mabigat ang kasong ipinataw sa iyo, ngunit kinakailangan nating kumalap pa ng mas matibay na ebidensya na magtuturo sa tunay na may sala," pahayag nito sa kliyente.
Lumuluha si Ethan habang iginagaya siya ng mga Pulis palabas ng korte. Muli siyang lumingon sa pwesto ng Hukom kasabay ng kaniyang pagbulong.
"Kasalanan ay hindi ko ginawa, balang araw, ang ebidensyang ikinubli ay kusang lalabas at magbabayad ang tunay na may sala."
BINABASA MO ANG
Cruelty of Justice (COMPLETED)
General FictionKatarungan ay kapalit ng pera. Paano kaya makakalaya sa kasalanang hindi mo ginawa? Batas ay nagbubulag-bulagan, Hukom ay kailangan pang bayaran. Hustisya'y tinatakpan ng pera, Ang pahiwatig ay hindi na mabubura Kabayaran ay walang hanggan sa loob...