Epilogue

323 12 12
                                    

Ang mundo ay magulo, maraming daing ang mga tao ngunit walang napapakinggan na kahit isa. Ang politikong ibino-boto nila ay sila mismo ang makakalutas ng problema sa bansa ngunit marami pa rin tumatahol sa paligid, pilit nagiging bulag sa tuwid na daan patungo sa kinabukasan, kapayapaan at katarungan. Lingid sa kaalaman nila'y, ang politikong iyon pa ang sisira sa tiwalang ipinagkaloob ng tao.

Naupo sa mataas na posisyon sa trono ng politika ngunit hindi marunong tumingin sa kalagayan ng tao sa bansa. Prenteng nakaupo, naghihintay ng maaaring lutasin na problema kahit maraming nakapalibot na sitwasyon sa paligid nila.

Ako si Ethan Saavedra, nakalaya sa krimen na hindi ko nagawa. Dalawang taon na akong nakikihalubilo sa ibang tao at nagbibigay opinyon patungkol sa pangyayari sa bansa. Nagpursige akong mag-aral at hindi lingid sa aking kaalaman na palaging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko.

Sa lugar kung saan ako lumaki, mainit ang tingin sa akin ng mga tao. Wala naman silang alam patungkol sa buhay ko ngunit ganito ang tao sa syudad, kahit gaano ka maging malinis sa harap nila, magkakaroon pa rin ng pagkadisgusto at maling akala sa tunay mong pagkatao.

Dalawang taon na ang nakakaraan, palagi kong napapansin na may sumusunod sa akin. Ramdam kong may nakatingin sa akin mula sa malayo. Katulad ngayon, habang naglalakad sa isang maliit na iskinita pauwi, ramdam ko ang matalim na tingin kahit madilim ang paligid.

Pasado alas onse na rin kasi dahil nanggaling pa ako sa aking trabaho. Kinakabahan at natatakot ako para sa sarili ko. Mukhang ipinahanap ako nang pamilya ni Mayor Concepcion para paslangin.

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ngunit napahinto ako nang may humarang sa akin. Panginoon, ito na ba ang magiging kamatayan ko? Tanong ko sa aking isipan.

"Kumusta, Ethan Saavedra?" tanong ng isang lalaki na naka-itim, may suot itong maskara at baril.

Nanginig ako. I'm rude but I can't be rude right now.

"S-Sino kayo?" nauutal na tanong ko. Paatras ako nang paatras ngunit wala akong naatrasan dahil napalibutan ako ng mga lalaking naka-itim.

Tinutukan nila ako ng baril. Ito ba ang magiging kamatayan ko?

"Kumusta ang paglaya sa kulungan? May atraso ka pa sa amo namin... kaya humanda ka bata," sambit ng isang lalaki na nasa aking gilid.

"M-Malaya ako dahil malinis ang pangalan ko!" angil ko. "At wala akong pakialam kung patayin niyo ako dahil alam kong kayo ang tauhan ni Mayor Concepcion... alam kong matagal niyo na akong sinusubaybayan," sambit ko.

Tumawa sila. "Hindi lang namin ikaw papatayin kung hindi ililibing ka na rin namin, bata... wala ka ng takas!"

Lumaban ako sa kanilang ginagawa sa akin. Pilit akong nagpupumiglas kahit nahihirapan na ang katawan kong labanan sila. They punched and even stabbed me. Hindi na ako makahinga ng maayos.

"Tama na 'yan! Mukhang mamamatay na, kita niyong lantang gulay na ang katawan," bulalas ng isang lalaki. "Tara na at baka maabutan pa tayo ng mga parak."

Umalis na sila, nanghihina ako. Nakahandusay ako sa maliit at madilim na iskinita, napatingala na lang ako. Nakita ko ang bituin at ang buwan, humiling na sana sa susunod kong buhay ay kapiling ko na ang aking mga magulang.

"Ito na ang kamatayan ko, tama na siguro ang pagiging malaya ko sa higit na dalawang taon..." nahihirapan kong usal sa sarili ko. "Mamamatay akong may dignidad at prinsipyo... balang araw, d-diyos na ang bahala sa halang ang kaluluwa sa mundo." muling usal ko.

Ipinikit ko na ang aking mata, pagod na rin akong mabuhay. Kung ito na ang huli, sana sa susunod kong buhay magkaroon ako ng payapa at maayos na kinabukasan. I closed my eyes, I didn't bother to open it as I can feel my body aches because of gunshot and stabbed at my back and stomach... it will really my death.



-End

Cruelty of Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon