Ethan's POV
Nasa labas kami ng kulungan ngayon. Naglilinis habang ang iba ay nagku-kwentuhan lamang sa gilid. Tumingala ako sa kalangitan, tirik ang araw sa kulay asul na langit.
Naupo ako sa gilid, nakita ko ang lalaking may tattoo na lumapit sa aking gawi. Hindi ako nakaramdam ng takot bagkus ngumiti lang ako sa kaniya nang maupo ito sa aking tabi.
"Kumusta bata? Narinig ko na magbubukas muli ang kaso mo, ah." saad niya.
"Oo nga, e. Kailangan kong harapin kung ano man ang nakaabang sa aking tadhana," sagot ko sa kaniya na hindi siya nililingon.
Tinapik nito ang aking balikat. "Mag-ingat ka na lang kapag nakalabas ka, Ethan. Maraming masasama ang loob ngayon sa loob at labas ng politika," paalala niya. "Bigatin pa man din ang idinidiin mong politiko sa korte, mahirap kalaban 'yan." dugtong niya.
Napailing ako. "Totoo naman ang pagdiin ko sa politikong iyon. Hindi siya nararapat maupo sa trono dahil marami siyang nagawa na kawalang-hiyaan," giit ko sa seryosong tono. "He raped someone, blamed all to me the crime he did. He's a dealer of drug in the country, his evil-doing should subside."
"Buhay mo ang nakataya, nakabaon sa hukay ang kalahati ng buhay mo dahil hinaharap mo ang demonyo ng sarili nating lipunan."
I smirked and looked at him. "Kahit itaya ko ang buhay ko, basta mabigyan ko ng hustisya ang bawat taong umaasa sa batas. Nais kong imulat sila sa karahasan ng mundo at sa baluktot na sistema. Gusto ko rin na mamulat sila sa isyung politikal para alam nila kung sino ang nararapat magsilbi sa bayan." sinsero at mahabang litanya ko.
Bumuntong hininga lamang siya.
"Tandaan mo na lamang na may limitasyon ang lahat ng ginagawa mo, Ethan. Batas ay hindi matatakasan, inosente ka man o hindi. Mali man ang sistema sa batas na kinamulatan ng tao, Diyos ang huhusga at bahala sa kanila." seryosong sambit niya.
"Tama lang na maputol ang sungay ng isang demonyo. Ang mga taong nakaupo sa pwesto lahat naman sila ay walang malinis na katauhan, maraming sekreto na nakatago sa suot nilang maskara." giit ko pa rin dahil iyon ang alam kong tama. "Kahit pa sinong nakatataas 'yan, alukin mo lang ng malaking halaga, gagawa at gagawa ang mga 'yan ng kasamaan," dugtong kong muli.
"Sabagay may punto ka," pagsang-ayon niya. "Ikaw ang bahala, hindi na ako sasalungat sa opinyon mo dahil alam kong mulat ka na sa karahasan ng mundo."
"Yeah, reality sucks. When it comes to politics and justice system, kaya hindi umuunlad ang bansang Pilipinas." I uttered, "kailan kaya magkakaroon ng maayos na pamumuno?" tanong ko.
"Kung kailan hindi na baluktot ang utak ng mga tao, Ethan. Kapag hindi na sila nabubulag at nasisilaw sa pera, kapag mayroon na silang disiplina para lumikha ng malinis na konsensya," sagot nito sa akin na walang alinlangan.
Pagkatapos ng sinabi niya ay wala na akong narinig mula sa kaniya. Pumasok ako sa loob at malapit na ako sa aking selda nang magawi ako sa isang maliit na TV sa kabilang silid.
Isang lalaki ang natagpuang patay malapit sa isang warehouse sa purok 9 Tondo, Manila. Ayon sa mga residente ay pasikot-sikot ang daan patungo roon. Mahirap pumasok dahil mahigpit ang seguridad at walang ibang makakapasok kung hindi ang mayroong pass slip lang. Ayon sa isang residente, may narinig silang putukan nang baril marahil ito ay engkwentro....
Hindi ko na ipinagpatuloy na pakinggan ang balita dahil ang lugar na iyon ay ang kuta ng Alkalde Concepcion. Alam kong hindi engkwentro ang naganap, kusa nilang pinatay iyon. I'm sure that the man they killed knows about their illegal doing.
Unti-unting natutuklasan ang gawain ng Alkalde, hindi na ako magtataka kung isang araw, Warrant of Arrest na ang darating sa harap ng kaniyang bahay.
"You can't run away dahil unti-unting ibubunyag ng ibang tao ang maruming pamamalakad mo. Ang imyerno ay handa kang salubungin nang masigabong pagliliyab ng apoy para sunugin ang kasamaan na nananalaytay sa dugo mo..." bulong ko.
BINABASA MO ANG
Cruelty of Justice (COMPLETED)
General FictionKatarungan ay kapalit ng pera. Paano kaya makakalaya sa kasalanang hindi mo ginawa? Batas ay nagbubulag-bulagan, Hukom ay kailangan pang bayaran. Hustisya'y tinatakpan ng pera, Ang pahiwatig ay hindi na mabubura Kabayaran ay walang hanggan sa loob...