Kabanata 3: Karahasan sa loob ng selda

238 13 2
                                    

Ethan's POV

Nakahiga ako, takip ng mata ay ang aking braso. Maiingay ang mga kasama ko, nakakatakot ang mundong ginagalawan ko. I can't adjust into this new environment of my life, it was like a hell.

Someone kicked me, I didn't respond. Nang umulit ay napabangon na ako at ginamit ko ang aking kamay para hilain ang kaniyang paa dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin pero wala akong pakialam kahit may takot na lumukob sa aking dibdib.

"Ano ba ang problema mo at sinisipa mo ako, tarantado?!" singhal ko sa kaniya.

Tinaasan ako nito ng kilay, "aba! Lumalaban ka na ngayon bubwit!" umamba siyang susuntukin ako pero naunahan ko na siya.

This prison cell is hell. Putangina, ninais kong didiretso ako sa purgatoryo pero hindi ko alam na nasa proseso na ako nang paghihirap ngayon sa likod ng malalamig na rehas na ito.

"Anong akala mo sa akin, tanda? Hindi ako lalaban?" hamon ko sa kaniya. "Tsaka, hindi na ako paslit! Naakusahan nga akong ginahasa ang isang babae sa amin tapos tingin mo paslit ako?" sarkastikong saad ko.

Sinubukan niya akong suntukin pero nakaiwas lang ako sa suntok niya. Akmang gaganti ako pero nahawakan na nang kaniyang kasamahan ang magkabilaan kong braso.

Tumawa lang ito at maging ang mga kasama niya. "Matapang ka, ah. Tignan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo!" galit na singhal niya sa akin.

Napadaing ako sa biglaan niyang pagsuntok sa aking sikmura. Halos masuka na ako nang ulit-ulitin niyang gawin iyon sa akin habang pinagtatawanan ako nang mga kasama niya.

Wala akong nagawa, ginawa niya akong punching bag. Ramdam ko na ang sakit sa aking pisngi maging ang dugo sa aking labi ay nalalasahan ko na rin.

"Ano? Huwag kang masyadong mayabang bata, naiintindihan mo?!" singhal niya sa akin habang hawak hawak niya ang aking ulo.

"Kulas, kapag nagyabang pa 'yan bakit hindi mo na lang gripuhan sa kaniyang tagiliran?" rinig kong tanong sa kaniya ng kasama niya.

Ang dugyot ng pangalan niya, putangina! Kulas? Kulasin ko mga buto niya kapag nakabawi ako nang lakas, e. Tangina, sobrang nanghihina talaga ako. Sobrang sakit ng sikmura ko. Binitawan niya ako dahilan para sumalampak ako sa sahig.

Malamig ko siyang tinignan. Nakangisi lamang ang hayop. Pinahid ko ang dugong dumadaloy sa aking labi bago tumayo at bumalik sa aking kinahihigaan. Naupo ako at sumandal sa malamig na pader.

Anong nagawa ko at bakit parang ang laki ng kasalanan ko? Tangina, nasa mundong ibabaw pa lang ako ngunit daig ko na ang nasa impyerno. Napaisip ako, kailangan kong malipat sa dati kong selda, kung saan naroon ang lalaking mayroong tattoo dahil natitiyak ko ang kaligtasan ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Ethan, kailangan mong magpakabait kung gusto mong lumaya sa impyernong kinaroroonan mo ngayon..." bulong ko sa aking sarili.

Ininda ko ang sakit ng aking katawan, nahiga ako at ipinikit ang aking mata. Rinig ko ang mga bulungan ng isang grupo habang ang iba naman ay dumadaing sa kabilang selda. Hindi ko alam pero sa mundong ginagalawan ko ngayon, nais ko na lamang lumaya.

Ang paligid ay puno ng hinaing, na kahit isang tao lang ang dumaing ay wala pa rin papakinggan. Mas pipiliin pa rin na parusahan ang taong wala naman kasalanan. Ang batas na isinulong ng mga otoridad ay pawang walang katotohanan sa kapakanan ng isang inosenteng tao. Batas nila'y baliko at mayaman lang ang natatanging may hawak sa hustisya.

Dito sa mundong mapanghusga at puno ng karahasan, kailangan mong maging matapang para sa sarili mong kalayaan.

Cruelty of Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon