Claude Fernandez POV
Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang inutusan ni Attorney Martiniez para mag-handle sa kaso ng kaniyang kliyente na si Ethan Saavedra. Ang bata pa nito para maranasan ang karahasan ng batas sa kulungan.
Narito ako ngayon sa BJMP jail at hinihintay ko ang magiging bagong kliyente ko. Oo, ako na ngayon ang bagong abogado ng menor de edad na iyon. Habang inaayos ko ang aking papeles ay naramdaman ko na may tila naghahanap sa akin. Inangat ko ang aking tingin at nahagip ng aking mata ang isang lalaki na wari ko ay napagbintangan lamang sa kasong rape.
Wala naman kasi sa mukha ng taong ito ang isang mabigat na kasalanan. Maaliwalas ang mukha nito ngunit kapansin-pansin ang kaniyang mga pasa sa mukha at paika-ikang paglalakad.
"Good morning, Mr. Saavedra." bati ko sa kaniya nang makarating siya sa kinauupuan ko.
Nagtataka ang kaniyang mukha, pansin ko lang.
"S-Sino ka po, Miss?" tanong niya.
Napairap ako, hindi pa ba obvious ang suot ko. "Hindi ako sinuka, in-ire ako, bata." angil ko sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Sinabi ko ba na isinuka ka sa bibig ng nanay mo, Miss?" ganti niya. "Tsaka, ikaw ba ang bago kong abogado? Kaya mo ba akong ipaglaban?" sunod-sunod na tanong niya.
Umismid ako. "Anong akala mo sa akin? Propesyon ko ang ipaglaban ang mga taong naaapi," giit ko sa kaniya.
"So, kailan ako maaaring lumaya? Ayoko na rito sa loob, Attorney." sambit niya. Itinuro nito ang pasa sa mukha niya, "See this? Daig ko pa ang nasa impyerno sa pambubogbog sa akin kahapon..." dugtong niya.
Napakunot ang aking noo. Paano nagagawa ng mga bilanggo ang paggawa pa ng kasalanan sa loob ng kulungan?
"Akala ko ba maayos ka rito sa kulungan katulad ng sabi ni Attorney Martinez?" kunot-noong tanong ko, "Sino ang nambugbog sa iyo? Wala man lang warning mula sa mga gwardya?" sunod sunod kong tanong.
Umiling siya at napangisi. "Sa loob ng kulungan, kahit inosente ka Attorney, maging ang gwardya hindi ka papanigan," sagot nito. "Tsaka, pwede ba na mag-proceed na sa kaso ko? Nakakaumay na magsagot sa tanong mo."
Inirapan ko siya. "Okay..." buntong-hininga ko, "mabigat ang kasong naipataw sa iyo," panimula ko. "Ang kailangan ko lang malaman ngayon para pagtagpi-tagpiin ang ibang ebidensya na ibinigay sa akin ni Attorney Martinez ay kung mayroon bang CCTV sa bandang pinangyarihan ng krimen..."
Napalunok siya bago bumuntong-hininga. "Tago ang lugar na iyon, hindi gaanong napupuntahan ng mga tao..." sambit niya. "Lugar iyon para sa gawaing ilegal at sa paggawa ng karahasan sa kung ano man ang matipuhan nila." banggit niya. Isinusulat ko naman iyon. Hindi man lang siya nauutal habang isinisiwalat ang lahat.
"Tapos? Anong klaseng ilegal?"
"Syempre, ang pagpapalitan ng droga sa ibang malalaking sindikato. Gawain ni Mayor Concepcion ang manggahasa dahil hindi na niya magawang parausan ang matanda niya asawa..." siwalat niya. "Gusto niya ng mas bata, lalo na kapag makinis at maganda ang isang babae," dugtong niya.
"Okay, paano ka napadpad sa lugar na iyon?" tanong kong muli.
Sumandal na siya sa kaniyang kinauupuan. "Ang pasikot-sikot sa lugar na iyon ay kabisado ko, Miss. Napadpad ako doon dahil may sinusundan akong tao at dahil sa pagkapadpad ko doon nasaksihan ko ang ginagawang paggahasa ng Alkalde sa isang dalagita." mahabang litanya nito.
"Hindi kaya ay nagustuhan nang babae iyon? Lumalabas kasi sa resulta noong huling trial ay nagustuhan ng babae ang ginawa ng Alkalde at trabaho lang iyon."
Pinaglaruan nito ang kaniyang labi at natatawa. "Kasi binayaran nila ng isang milyon ang babae, Attorney. Can't you see? The case is closed suddenly without further investigation. Sa tingin mo, nagkaroon ng fair judgement ang korte?"
Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Tama siya, walang naging fair judgement ang korte. Basta na lang nila isinara ang kaso at nagbigay na lamang ang Pulis ng resulta kahit walang imbestigasyon na naganap.
"Ibig sabihin, binayaran nila ang hukom para idiin ang pangalan mo sa kasong hindi mo naman ginawa. Bulag ang hukom, maging hustisya ay pinagtataksilan nila." pahayag ko.
Tumango siya.
"Exactly, buti naman at nakuha mo ang ibig kong sabihin, Attorney!" natutuwang usal niya. "They are blinded by millions and laws that was established is just a part of the accused aftermath to hide the truth."
He's indeed correct! Kaya hindi ako naniniwala na kaya niyang gumahasa sa isang tao. I can picture out the evidence he had said. It was just an acting, to cover up someone's crime.
BINABASA MO ANG
Cruelty of Justice (COMPLETED)
General FictionKatarungan ay kapalit ng pera. Paano kaya makakalaya sa kasalanang hindi mo ginawa? Batas ay nagbubulag-bulagan, Hukom ay kailangan pang bayaran. Hustisya'y tinatakpan ng pera, Ang pahiwatig ay hindi na mabubura Kabayaran ay walang hanggan sa loob...