Kabanata 6: Re-opened case

188 12 1
                                    

Claude Fernandez POV

Sumapit ang isang buwan na pag-aasikaso sa muling pagbubukas ng kaso ni Ethan nasaksihan ko ang kaharasan ng mundo. Sa unang paglapit ko sa korte para humingi ng appeal ang kaso ay natakot ako. Iyon ang unang beses akong natakot para sa kakayahan ko bilang abogado. Pero dahil mayroon akong paninindigan at prinsipyo, nagpursige akong makuha ang appeal agad.

Ngayon, nabigay ko na ang mga ebidensya sa hukom. Puspusan kong ipinakita sa Judge at maging sa prosecutor ang aking nakalap na ebidensya sa kasong kinasasangkutan ni Ethan na wala namang katotohanan.

Nakita ko ang pagbabago sa mukha ng Judge. Tila hindi makapaniwala sa pagkakaroon ng ganoong ebidensya at tiyak kong mali ang kaniyang pagpataw ng parusa.

I smirked. As a Judge, you should be fair in judging the accused. You should treat them fair. At sa nakikita ko ngayon sa mukha ng Judge ay puno ng pagsisisi.

"I guess, bulag lang talaga ang batas para pagtakpan ang kasalanan na ginawa ng may sala," usal ko.

Bumuntong hininga ang Judge maging ang prosecutor. Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa sa aking puso na baka ikonsidera nila ang kasong hawak ko.

"Alright, Attorney Fernandez. We will open the case but we need to provide more evidence na makakapagturo sa tunay na may sala," sambit ni Prosecutor Harold.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Mapapawalang sala rin si Ethan, sa ngalan ng batas at mata ng Diyos. Bulong ko sa aking isipan.

"Maraming salamat, Prosecutor. Magkaroon po sana ng pantay na panghuhusga sa hukuman," ngiting sambit ko bago bumaling sa Judge. "Nasa desisyon na po ang hustisya, Judge. I rest my case, now."

Nakipag-kamay lang ako at nakangiting umalis sa chamber ng Judge. Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso ako sa firm. Naabutan ko roon si Attorney Martinez, nagliligpit ng kaniyang lamesa dahil ang kalat niyon.

"Attorney Martinez?" tawag ko sa atensyon niya.

Ngumiti ito sa akin. "O, kumusta ang proseso sa pagbubukas ng kaso?" tanong niya agad sa akin.

"Maayos naman po, Attorney. Sa susunod po na buwan ay magkakaroon ng trial para mapatunayan na walang sala si Ethan Saavedra." sagot ko sa kaniya.

"Hindi talaga ako nagkamali na ipahawak sa iyo ang kaso," komento nito. "I know you can give justice to people who's in need. And I know, mulat ka na sa katotohanan para sa prinsipyo't dignidad mo," dugtong nito.

Ngumiti lang ako sa kaniya. "Nais ko lang magkaroon ng malinis at pantay na panghuhusga ang korte laban sa mga naaapi, Attorney," saad ko. "O siya, Attorney, kailangan ko pa po magtungo sa kulungan para ibalita kay Ethan ang tungkol sa kaso niya," paalam ko.

"Mag-iingat ka, hija. Marami pa naman masasamang loob ngayon na nautusan para pagtakpan ang kasong gawa ng kriminal na politiko," pagpapaalala niya.

Nagtaka ako, kinilabutan na halos nagtaasan ang buhok sa aking braso. "Mag-iingat po ako, Attorney." sagot ko na lang at lumabas na.

Hindi ako dapat matakot sa tao. Mas kakatakutan ko ang impyerno, isusugal ko pa rin ang prinsipyong inaalagaan ko bilang abogado. Hindi ko kayang magkaroon ng maruming dayaan sa pagkuha ng hustisya sa korte.

Nakarating ako sa kulungan. Himala at walang masyadong bantay sa kulungan. Nagtungo ako sa selda kung nasaan naroon si Ethan. Nakita ko siyang nakaupo sa dulo. Nakatungo at tila malalim ang iniisip. Naawa ako sa kaniya sa murang edad na disi-nwebe ay naakusahan siya sa kasalanang hindi niya ginawa.

"Ethan..." tawag ko sa atensyon niya.

Nag-angat ito nang tingin dahilan para makita ko ang namamagang mata niya. Kumunot ang aking noo, pansin ko ang pasa roon sa kaniyang mukha.

"What the hell happened to you?" tanong ko. "Binugbog ka na naman ba?"

"I'm good, Attorney!" angil niya. "What's the progress?" He asked, calmly.

Napakuyom ang aking kamao. Sumenyas ako sa kaniya na lumapit siya sa akin. Lumapit naman ito. Nakangisi pa siya kahit pansin naman ang pamamaga ng kaniyang mata.

"Umamin ka nga sa akin, pinagbabantaan ka ba ng mga kriminal rito sa loob?" madiin kong tanong sa kaniya.

Bumaling siya sa gilid, namulsa. Kalmado lang siya sa lagay na ito, hindi man lang natakot na mamatay siya rito sa loob.

"Nope, it's fine, Attorney. How's the progress sa pagbubukas ng kaso ko?" He asked, again.

Bumuntong hininga ako. "Next month, magsisimula ang trial kaya ihanda mo ang sarili mo na humarap sa korte," saad ko.

Pinalobo niya ang kaniyang pisngi. "Handa akong humarap sa korte, Attorney. Gusto ko lang makalaya sa impyernong buhay rito sa loob ng kulungan..." He uttered, seriously.

"Soon, Ethan. You're freedom will be given," saad ko sa kaniya.

Ngumiti pa ito sa akin. "Ang may sala, mananatiling lumalakad at nakikipaghalubilo sa labas ngunit ang sungay naman ay unti-unting puputulin ng batas." 

Cruelty of Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon