Kabanata 5:

202 13 5
                                    

Ethan's POV

"Putanginang batas, Attorney!" I shouted towards her as I burst out my anger.

"Watch your words, Saavedra. Wala ka sa labas ng kulungan," madiin na pahayag nito sa akin.

Napaupo ako, napahilamos sa aking mukha. Ano ba ang kasalanan ko para idiin pa ako sa kasong hindi ko ginawa? Ganito na ba karahas ang mundo? Kinalikot ni Attorney Claude ang laman sa kaniyang suitcase. Inilabas niya roon ang isang papel at ini-abot sa akin.

Nagtataka kong inabot iyon. Binasa ko ang laman niyon, wari ko ay ebidensya iyon.

"Alkalde Concepcion?" sambit ko. Inangat ko nang tingin si Attorney. "Ebidensya ba ito?" tanong ko.

Tumango lamang siya. "Yes! Exactly, nakuha ko lang ang statement na 'yan dahil may inutusan akong tao na magbantay sa bawat kilos ng Alkalde. Mayroon rin mga kuhang litrato sa pakikipag-deal niya sa isang Chinese citizen pagkatapos ay pinatay niya iyon agad," mahabang pahayag niya.

I smirked. Magaling at mautak siyang abogado, huh. Akala ko wala siyang ibubuga katulad ni Attorney Martinez. Pero sa loob ng tatlong araw, mayroon na agad siyang nahanap na ebidensya. Mas lalo akong napangisi nang makita ang mga litrato na kuha mismo ng kaniyang inutusan.

"Malamang ginawa niya iyon para lamang hindi siya malugi," saad ko. Pinakatitigan kong mabuti ang anggulo ng litrato, ramdam ko ang titig sa akin ni Attorney. Inangat ko ang aking tingin sa kaniya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Base sa anggulo ng litrato, may nakaabang na sniper sa lugar na pinangyarihan ng krimen..." pahayag ko.

Tumango-tango naman ito. "Lahat ng ebidensya ay naka-compile na. Tanging gagawin ko na lang ay mag-request na mabuksan muli ang kaso," usal niya.

Nakikinig ako sa bawat eksplanasyon niya.

"Kailangan kong mag-file ng Motion of Reconsideration to re-open the case," She informed me. "As for now, huwag ka na lang muna gagawa ng ikakasira mo rito sa loob ng kulungan. Kung gusto mong makakuha ng parol, magpakabait ka."

"Mabait naman ako, ah." angil ko. "I'm just rude, Attorney pero hindi ako basag ulo." giit ko pa.

Tinaasan niya ako ng kilay na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Really?" nanghahamon niyang tanong.

"Hindi naman ako katulad ng mga kriminal riyan na basag ulo ang laging ginagawa," ani ko. "Kung makikipag-basag ulo man ako..." I paused, smirking. "don't worry, ikaw ang unang makakaalam," dugtong ko sabay kindat at umalis na roon.

Kung ang kriminal ay mayroon nang hatol, guilty and sentenced, kailangan lumapit sa pinakamataas na hukom para pagbigyan na muling buksan ang kasong mabilisan na isinara.

"Kung ang batas ay nagbubulagbulagan, paano pa kaya uunlad ang bansang Pilipinas?" napailing ako sa aking sinabi.

Ang mahirap na bansa ay walang maayos na sistema sa batas. Wala rin maayos na pagkakaroon ng magandang kinabukasan ang ibang mga kabataan na naniniwala sa batas na iprinoklama ng taong nakaupo sa trono.

Kung purong palitan lamang ng pera sa hustisyang nararapat para sa taong api, talo na agad ang nakararami at naghihirap sa buhay. Paano kaya mabibigyang pansin ang mga hinaing ng tao kung ang karahasan ng tao sa bansa ay ukol sa isyung politika.

Bulag at pipi ang tao, kung hawak ng hukom ang katarungan, bakit mayroon pa rin pagala-galang kriminal sa lipunan? Mulat ang kabataan sa karahasan ng mundo, katulad ko. Kung talagang isa ka sa naglilingkod sa bayan, isyung politikal at krimen ay dapat puksain.

"Hawak niyo lamang ang batas... pero bilang nagbibigay serbisyo sa tao, dapat pantay-pantay ang pagkakakilanlan. Walang mahirap at walang mayaman..." tanging bulong ko na lamang sa hangin. 

Cruelty of Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon