Kabanata 1: Kulungan

373 16 6
                                    

Nasa kulungan ako, kasama nang mga kriminal. Ako si Ethan Saavedra, inakusahan sa kasong panggagahasa. Wala akong kasalanan, pero ako ang itinuturo ng mga ebidensya ng kabilang panig. Naroon lang ako sa pinangyarihan ng krimen na gawa ng mga hangal na politiko sa aming bayan.

"Bata, mukhang wala ka namang kasalanan pero bakit narito ka?" tanong ng isang lalaki na maraming tattoo.

Obvious ba? Gusto kong isagot 'yan. "Wala nga akong kasalanan, pero itinuro nila ako sa krimen na ginawa ng mga putanginang politiko!" inis kong sagot.

Tinapik nito ang aking balikat, "ayos lang 'yan, bata. Teka, ilang taon ka na ba?"

"Nineteen," maikling sambit ko.

Lumabi ito. "Ang bata mo pa para danasin ang hirap sa loob ng kulungan," saad niya.

Natahimik ako. Hindi naman siguro obvious na mararanasan ko ang hirap dito sa kulungan. Naupo na lamang ako sa dulo nitong apat na sulok ng kulungan. Napahilamos ako sa aking mukha.

"Bakit? Tanginang batas 'yan," mahinang usal ko.

Inalala ko ang bawat pangyayari, ang ginawang kabababuyan ni Vice Mayor Concepcion sa isang dalagita sa aming bayan. Kitang kita ng mga mata ko kung paano niya hubaran ang babaeng iyon, kung paano niya halikan at kung paano niya lasapin ang sarap habang naglalabas-pasok sa bukana ng babae hanggang sa tutukan niya ito nang baril para patahimikin.

Nang makaalis siya at ng kaniyang mga tauhan ay nilapitan ko ang babaeng iyon, eksakto naman na pagdating ng mga Pulis. Lahat ng bintang ay sa akin napunta. Tangina, wala akong magawa nang dinampot nila ako.

Sinubukan kong makiusap pero kapalit lang niyon ay pananakit. Bugbog ang aking katawan noong ikinulong ako sa presinto. Ang babaeng iyon ay walang ginawa, hindi siya nagsalita.

Ang hukom ay hindi ako pinakinggan. Wala akong laban sa kanila, lahat ng ebidensya ay sa akin nakaturo. Alam ng Diyos na wala akong ginawa pero tangina, umabot pa sa punto na humarap kami sa korte.

"Putangina ka, Vice Mayor. Nasa loob lang pala ang kulo mo pero sa akin mo pa itinuro ang mga kasalanan mo!" naiinis kong bulong sa tabi.

"Hoy, bata! Anong ibinubulong-bulong mo diyan?" tanong ng isang pandak na lalaki at natitiyak kong kasamahan ito ng lalaking maraming tattoo sa katawan.

"Wala, may narinig ka bang ibinulong ko?" angil ko. Nainis yata ito sa akin kaya lumapit siya sa aking pwesto at kwinelyuhan ako.

"Matapang ka? Matapang ka, bata?" pagdidiin niya sa akin sa pader.

Napaubo ako sa higpit ng pagkaka-kwelyu nito sa akin. "H-Hindi na ako bata!" inis kong usal. "Matapang ako... hindi katulad mo!"

"Ah, ganoon!" saad niya at sinuntok ang mukha ko.

Napahawak ako roon sa kaniyang sinuntok. I realized that even in prison, you always had to experience hell. You always dealt with a criminal and Satan. You need to be bet your life to be able to live in this reality.

"Iyan lang ba ang kaya mo, tanda?" natatawang tanong ko sa kaniya.

Aamba pa sana siya nang suntok nang humarang ang lalaking maraming tattoo kanina. Pasalamat na lang siya at hindi ko siya binigyan ng isang malupit na suntok sa mukha niya.

"Tama na 'yan, Dodong! Ang tanda mo na, pumapatol ka pa sa mas bata sa iyo!" singhal nito sa lalaking nagngangalang Dodong. "At ikaw, hindi basta basta ang mundong ginagalawan mo. Pare-pareho tayong preso rito, inosente ka man o hindi." baling niya sa akin.

"Ah, reality sucks! Laws are enforce just to be a display." saad ko na siyang ikinagulo nila. "You need to pay them big just to get your fucking freedom." 

Cruelty of Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon