SMITH LAVIGNE 18

679 54 4
                                    

Chapter 18

Lumuluha na nakatingin si Smith sa litrato ng kanyang magulang. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin dahil sa mga Tiyo at Tiya niyang pilit kinakamkam ang pinamana ng kanyang ama. Aminado ang binata na kahit gaano siya kagaling sa paaralan, hindi pa rin sapat ang kaalaman niya pagdating sa tunay na negosyo. 

 Ang pinaka iniingatan niyang

Brewery ay nasa bingit ng pagkalugi dahil sa kanyang Tiyo na ninakaw ang  pinagkatiwala niyang pera para sa pagpapalawak ng kanilang negosyo.

    “How can I do this alone? Pinagtutulungan pa rin ang ng mga taong ito? Mom, Dad, I need you to give me light. I can't do this alone. Palagi na lang na le-left behind ang kaligayahan ko sa paaralan at  manatili sa bahay para sa negosyo, para lamang mapangalagaan ang inyong mga pinamana.”

   

    Lumipas ang isang linggo at natahimik ang buhay ni Efinia, walang nambubulabog sa kanya sa library at sa corridor ng paaralan. Hindi pa rin pumapasok si Smith at buong subject nila ay hindi niya nakuhang magkaroon ng examination.

    Sa paglabas ng paaralan ni Efinia, laking gulat niyang may humawak sa kanyang kamay.

    “Hoy Smith!”

    “Can you go with me?”

    “Hindi! Bitawan mo ako at marami pa akong kailangan gawin.”

    “Give me your one hour, wala naman akong gagawin sa iyo na masama.”

    “Ano ba ang kailangan mo?”

    “I don’t have enough lectures, kokopyahin ko sana ang sa iyo para sa ibang subject na kaklase kita.”

    “Ibibigay ko na lang ang notebook ko pero hindi ako sasama.”

    “Just go with me.”

    “Ayoko nga sabi.”

    Bumuntong-hininga si Smith at nagpamulsa. “I don't get it, bakit ayaw mong sumama sa akin? Wala naman akong gagawin na masama sa iyo? Kapag si Liandro agad kang sumasama. Halos sabay lang naman kaming nakilala mo?"

    “Because first impression last!”

    “Ah, o-okay. Hindi na kita pipilitin,” he cleared his throat before he walked away from Efinia.

    “Teka!”

    Hindi tumigil si Smith sa paglalakad hanggang sa hinampas ni Efinia ang braso niya. “Aray! Ang bigat ng kamay mo! Lalaki ka ba?!”

    “Bakit ka naninigaw?! Tinatawag na nga kita ayaw mo pa?!”

    “You hurt me,” seryoso niyang sinabi habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. “You hurt my arm, I mean.”

    “Sasama ako pero one hour lang. Hindi ako pwedeng gabihin sa dorm dahil nakabantay ang mga madre.”

    Nawala ang galit sa mukha ng binata at biglang ngumiti. Agad naman inalis ni Efinia ang mga mata kay Smith dahil sa ngiti nito.

    Kalaunan, narating nila ang isang malaking bahay. Napanganga si Efinia dahil triple nito ang bahay nila lalong napakaraming punong mangga ang nakapaligid.

    “Ang daming mangga!”

    “Gusto mo?”

    “Sige! Doon ka na rin mangopya ng note ko sa ilalim ng puno!”

    Parang bata na tumakbo ang dalaga at nakatingin sa mga mangga. Tuwang-tuwa at para bang na miss niya ang lugar nila sa probinsya.

    “Kumusta na kaya si Papa?” bulong niya.

    “Anong gusto mong pagkain?”

    “May chicharon ka pa ba?” 

    Bahagyang natawa si Smith at tumango. Napanganga si Efinia dahil nakita niya ang dalawang gwardya ni Smith. Inutusan lang ito ng binata at agad dumating ang hiling ni Efinia.

    “Bahay mo ito?” biglang tanong ni Efinia habang kumakain.

            “Oo, gusto mo bang pumasok?”

    “Hindi na.”

    “After this, I will tour you.”

    Habang nagsusulat o nangongopya si Smith, napansin na lang niya na nakapikit si Efinia habang nakakalumbaba. Binitawan ni Smith ang lapis at inalalayan ang ulo ni Efinia upang ilapag sa lamesa. 

    Sa pagbalik ni Smith sa kanyang upuan, hindi niya tinuloy ang pagsusulat at unti-unting ginuhit ang mukha ng dalaga.

    “I actually don’t need your notes for me to pass the exam. I need your presence in order to ease my loneliness at home. I can’t go out, I can’t make friends because I am scared that people will hurt me again. But you are something special, and I want to be with you always. I want to put my trust in you, Efinia.”

    Bahagyang umangat si Smith mula sa kanyang kinauupuan at nilapit ang mukha sa dalaga. He left a peck of kiss on her nose down to her lips. 

    “Ay butiki!” bulalas ni Efinia at kamuntik ng nalaglag si Smith sa upuan. “Oh my gosh! Nakatulog pala ako! Dumidilim na pala! Kailangan ko nang umuwi, tapos ka na ba?” 

    Halos mamutla si Smith dahil buong akala niyang nahuli siya ni Efinia sa pagnanakaw niya ng halik. 

    “Smith tapos ka na? Uuwi na ako, sabi mo ihahatid mo ako ha!”

    “Teka, you like mangoes diba? Kukuha kita!”

    “Hindi na, pagdala mo na lang ako next time!”

    “No aakyat ako, kukuha kita,” he insisted.

    Walang nagawa si Efinia kung ‘di tumalanga at tinitingnan ang pag-akyat ni Smith sa punong mangga.   

    “Careful! Baka malaglag ka!”

    “No, this just basic,” mayabang niyang tugon.

    Ilang sandali at nakaipon ng apat na mangga si Smith sa kanyang t-shirt. Tuwang-tuwa ang binata dahil tatanggapin ni Efinia ang kanyang ibibigay.

    “Smith, wait!” tili ni Efinia at nagkamali ng tapak ang binata. 

Smith's left foot slipped on a branch and fell on the pavement. Agad tumakbo si Efinia upang saklolohan ang binata.

    “Oh my gulay, nagalusan ka pa!”

    “Ah-I-I’m okay, nakuha kita ng pabirito mo oh?”

    Hindi natuwa si Efinia at nag-iwan ng malakas na batok sa ulo ni Smith. “Aray! Para saan iyon?!”

    “Para ka kasing tanga! Hindi ka dahan-dahan! Paborito ko nga ‘yan nabalian ka naman! Halika na nga!” 

    Para bang amazona na inalalayan ni Efinia ang binata. Ika-ika siyang naglalakad habang nakaalalay ang dalaga sa kanya.

    “I thank this mango tree, nahahagkan ko ngayon ang babaeng gusto ko.”

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now