SMITH LAVIGNE 2

1K 70 4
                                    

Chapter 2

"Bagsak? Ano ito? Hindi ako makapaniwala na ito ang makukuha ko! I did everything Dad!" sigaw ni Herminio at hindi pa rin naniniwala sa resulta ng Bar Exam.

"I told you, you should focus on business. Hindi para sa iyo ang Law!"

"I will retake this Bar."

"Huwag mo nang ipilit anak kung hindi mo kaya. You can try another field."

"But this is my dream."

Bigla na lamang tumalikod si Herminio at pumasok sa loob ng kanyang kwarto. 

Pinagsisihan niyang wala siya sa pokus noong siya ay nasa kalagitnaan ng page-exam. Lahat ng inaral niya ay hindi sumagi sa isip niya dahil pilit binabato sa kanyang utak ang sulat ni Ada. 

Hindi niya matanggap na ang ka isa-isang babae na kanyang minahal ay nagpabuntis lamang sa ibang lalaki.  Umupo siya sa harapanan ng bintana at kinuha ang inipon na liham mula kay Ada at ang huling sulat na kanyang sinira na muling idinikit. 

Inaalala niya ang mga panahon na napakasaya pa nilang dalawa. Their love story was like a fairytale. Herminio is from a rich family, habang si Ada na isang tindera lamang. Dahil sa Fabric Factory ng Lavigne, isa sa mga bagay na kailangan pag-aralan ni Herminio ang pagtuklas o pag-aaral sa iba't- ibang klase ng tela. Until he bumped Ada in a narrow street of Manila. Hindi maikakaila at naniniwala siya sa mga salitang 'love at first sight'. 

He falls in love with just a blink of an eye. Her grayish brown eye with a look of half Filipina and Spanish blood.  Magmula ang araw na nagkabungguan sila, nagsimula na ang pabalik-balik ni Herminio sa  bangketa.

With his romantic eyes, romantic moves mabilis lang niyang nabihag ang puso ng dalaga. Walang nakakaalam sa kanilang pamilya na halos mabaliw siya sa dalaga.  Ada was like a one of a kind perfume that Herminio's addicted to.  

Tago at hindi ito pwedeng malaman ng kanyang Ama hangga’t hindi siya nakakapagtapos sa pag-aaral. Fernando is very strict when it comes to money, business and education. Ayaw din niyang ilabas ang yaman ng pamilya sa kung sino man makikilala ng kanyang  anak, that's why Herminio was promised to marry Teresa. 

Nagtatago ang buong kaanyuan ni Herminio sa pagkatao ng kanyang ama. Bawat kilos ay maraming bawal, kinakailangan na pino at malinis. 

Lumuluha na nakatingin si Herminio sa  kanilang litrato. Hindi niya magawang magalit kay Ada dahil nagagalit siya sa mismong sarili, kung bakit si Ada pa ang kanyang minahal.

Herminio stood up and played a song with his console Phonograph  It's been a long, long time  by Bing Crosby, pagkatapos ay bumalik si Herminio sa kanyang kinauupuan.

Sinimulan niyang tangkapin ang mga sulat at inipon sa isang kahon. Hindi niya ito itinapon at tinago lamang sa loob ng kanyang cabinet lalo na ang litrato nilang dalawa. 

"You are the first and last woman in my heart. I will not fall in love anymore. I will never forget you, Ada."

Lumipas ang ilang buwan, tinanggap ni Herminio ang buhay na wala na si Ada. Nakuha niyang magsimula sa trabaho mula sa kanilang kumpanya at kahit hindi bukal sa loob niya na pakasalan si Teresa ay kanyang ginawa. He tried to forget Ada, pero laging ito lamang ang sumasagi sa isip niya. Hindi niya magawang sulatan si Ada dahil tuluyan itong naglaho na parang bula. 

"Herminio, kumain ka na. Nagluto ako ng hapunan," masayang gunita ni Teresa.

"I am full and I am tired, I need to rest," walang gana na tugon ni Herminio.

Nanatiling nakatayo sa hapagkainan si Teresa habang pinagmamasdan ang pagkain. Araw-araw, gabi-gabi  na ganito ang sinasagot sa kanya ni Herminio. Hindi siya makapag reklamo dahil noon pa man ay may pagtingin na siya rito. Ngunit ni isang porsyento ng pagmamahal ay wala siyang mapala kay Herminio.

"I am sorry that I can't give you a child. Kulang na kulang ako bilang babae, hindi ko magawang maging Ina. Hindi ko matawag na pamilya  ang nakatira sa tahanan na ito. Gusto kita, mahal kita pero ang hirap makipag paligsahan sa babaeng kinababaliwan mo," pinunasan ni Teresa ang luha at niligpit na lamang ang pagkain.

Wala siyang ideya kung sino at ano ang itsura ng babaeng mahal ni Herminio. Alam lang niya na Ada ang pangalan nito. 

Mula sa loob ng kwarto, tahimik at nakatingin lang sa harap ng bintana si Herminio. Iniisip niya pa rin kung paano niya hahanapin si Ada. Hindi siya kuntento sa sinulat nito, gusto niyang sumagot at alamin kung kumusta na ang lagay ng dating nobya.

"Someday we will meet again, Ada."

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now