SMITH LAVIGNE 9

758 49 4
                                    

Chapter 9

Mula sa loob kwarto, payapa na naghihintay si Smith sa pagdating ni Herminio. Na iwan mag-isa sa bahay ang bata habang nakatitig lamang sa litrato ng kanyang ina.

"Mama, kumusta ka na? Bakit hindi po tayo pinagtagpo? Hindi ko man lang nahawakan ang mukha mo. Ma, kapag ako ang nagkapamilya. Hinding-hindi ko sasaktan ang asawa ko. Ipaglalaban ko siya, I will win her heart over these problems. Ma, sana kumpleto tayo. Mahal na mahal po namin kayo ni Dad."

Lumuha si Smith at sinimulan niyang kunin ang lapis at papel. Unti-unti niyang ginuhit ang mukha ni Ada. Pagkatapos ay ang mukha ni Herminio.

"Kahit dito man lang at makita kong kumpleto tayong tatlo."

Mula sa loob ng opisina, nagpumilit na pumasok si Teresa upang magmakaawa kay Herminio. Kaharap ni Herminio ang Attorney upang maging lehitimo ang mga dokumento sa paglipat ng pangalan kay Smith.

"Pinaghirapan ko ang Furniture natin! Bakit ibibigay mo sa batang iyan!" Sigaw ni Teresa at akmang pupunitin ang papel.

"No! You have no rights! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong ipakulong kita!"

"Ipapakulong mo ako pagkatapos kitang tulungan sa negosyo?! Dapat lang na namatay si Ada dahil kung buhay pa siya siguradong wala ka sa kinatutungtungan mo ngayon!" 

Tila tumaas ang prisyon ni Herminio at napahawak sa kanyang dibdib. "Lumayas ka at ni isang kusing, walang mapupunta sa iyo! Asawa lang kita, at kahit kailan walang Lavigne na nananalaytay sa iyo!"

Tinawag ng Attorney ang mga gwardya at pinalabas si Teresa. Nagsisigaw pa rin ito at walang pakialam kung gumawa ng eksena sa  labas ng kumpanya. 

"When he turned eighteen, he will enter the world of busine--," napahawak si Herminio sa kanyang dibdib at hindi makahinga ng maayos.

"Mr. Lavigne? Tubig po."

Kinabig ni Herminio ang inabot na tubig at unti-unting nagsisikip ang kanyang paghing. 

"Somebody help us! Tulong!"  magkakasunod na sinigaw ng Attorney at tuluyang bumagsak sa sahig si Herminio.

Nagkagulo sa loob ng opisina at pilit nilang tinakbo sa ospital si  Herminio.

Naiinip at inabot na ng gabi ang paghihintay ni Smith sa kanyang Ama. Sa paglabas niya ng pintuan mukha ni Teresa ang sumalubong sa kanya. Magulo ang buhok nito at kalat ang kolorete sa mukha.

"Ikaw, bastardo!"

"Layuan mo ako! Isusumbong kita kay Dad!"

"Dad?! Patay na ang Tatay mo!"

"Mamamatay tao ka!" sigaw ni Smith.

Sinugod ni Teresa ang bata at  walang habas na pinagsasampal. "Ikaw ang pumatay sa kanya! Dahil sa'yo inatake sa puso si Herminio! Sana hindi ka na lang dumating!"

"Dad!" Nanlaban si Smith at tinulak si Teresa. "Ikaw ang may kasalanan! Nakakaintindi ako at narinig ko lahat ng punagtalunan niyo ni Dad! Wala kang puso! Anong kasalanan ko sa iyo?!" Tumakbo si Smith upang puntahan ang kanyang driver.

"Huwag niyong isakay ang bata na iyan! Sasakyan ko iyan!" Hinatak niya si Smith at napaupo ang bata habang umiiyak.

"Pasensya  na po Ma'am. Habilin ni Sir Herminio na lahat ng gamit dito ay pagmamay-ari ni Sir Smith.

"Ako ang asawa! Bitawan niyo ako! Ako ang may-ari ng bahay na ito!"

Kinaladkad palabas ng bahay si Teresa kasabay ng sasakyan ni Smith. Umiiyak ang bata hanggang sa makarating sila ng ospital. Hindi niya halos akalain na aabutan niya na lang patay ang ama.

"Bakit iniwan niyo rin po ako? Saan po ako pupulutin? Bakit agad-agad, Dad?! Gumising po kayo!" Naglupasay sa sobrang hinagpis ang bata habang pinagpapalo ang simento.

Walang laban at bubot pa lamang siya sa ganitong problema. Laking pasasalamat ng mga gwardya at katulong sa bahay ng Lavigne na naiwan kay Smith ang lahat ng ari-arian. Kilala nila si Teresa  dahil patago itong sugarol sa tuwing wala si Herminio.

Habang lumilipas ang panahon, nagkaroon na ng kaalaman si Smith upang ipahanap kung saan nakalibing ang kanyang Ina na si Ada. Sa murang edad, namulat sa kasakitan si Smith. Ito ang aral sa buhay  na hindi niya kailanman kalilimutan.  Ipinalipat niya ang mga labi ni Ada kasama ng kanyang ama. Gulat ang mga kamag anak ni Herminio dahil sa isang bata ipinamana ang kanilang pinaghirapan.

Kinaiingitan at kinamumuhian ng ibang angkan ng Lavigne si Smith. Para bang singaw sa kanilang angkan ang bata na biglang nabigyan ng mabuting buhay. 

"Sir Smith, na sa labas po ng bahay si Ma'am Teresa."

"Paalisin niyo."

"Pilit po siyang nambabato at may hawak na patalim."

Binitiwan ni Smith ang kanyang libro at siya mismo ang lumabas ng bakuran.

"Smith, patawarin mo ako. Parang awa mo na, Hijo. Mahal na mahal ko ang Tatay mo. Nabulag lang ako sa labis na pagmamahal sa kanya. Parang awa mo na at tanggapin mo akong muli."

Hindi kumikibo ang bata at nakatingin lamang kay Teresa. Halatang wala itong tulog at tila nangulubot ang maganda nitong kutis. 

"Tama na po," maikling sagot ni Smith at tumalikod.

"Hayaan mo akong bumawi sa iyo, hijo. Papatayin ako ng konsensya kung hindi kita magagabayan habang wala na ang iyong mga magulang. I will be your guardian, pupunan ko ang pangangailangan mo."

Pumatak ang luha sa magkabilang pisngi ni Smith. Tiningnan niya ang gwardya at sinenyasan ito. "Alisin niyo po ang patalim, pakibihisan at pakainin niyo po si Mama Teresa."

Laking gulat ng mga gwardya at mga kasambahay sa ginawa ni Smith. Tutol sila sa desisyon ng bata ngunit kailangan nila itong sundin dahil ito mismo ang nagpapasahod sa kanila.

Kalaunan, nakasilip lamang si Smith sa pintuan habang pinagmamasdan na tulog si Teresa. "Gusto ko po kayong ituring na Ina. Gusto kitang patawarin, ayokong magalit sa'yo dahil hindi ko gusto na mabalot ng poot ang puso ko. Bata pa ho ako, hindi ko alam kung tama na ba ang mga desisyon ko sa buhay. Kinakailangan ko ng magulang upang gabayan ako." 

Unti-unting sinara ni Smith ang pintuan at tuluyang nilisan ang silid ni Teresa.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now