SMITH LAVIGNE 45

754 66 15
                                    

Chapter 45

Nanatiling tahimik ang buhay ni Efinia magmula humiwalay siya kay Liandro. Walang alam ang mga anak sa nangyayari sa kanya. Nalaman nila ang biglang cancel na kasal pero hanggang ngayon, walang mapala na sagot ang magkakapatid dahil tikhom ang bibig ni Efinia. Tanging misyon niya ngayon ay hanapin si Smith. Paulit-ulit siyang bumabalik sa fountain at nagbabaka sakali na muli silang pagtagpuin dito.

"Manang," tawag niya.

"Ano po, Ma'am?"

"Ikaw na muna ang bahala sa bahay ko. Aalis lang ako."

"Eh paano po pala ang mga anak niyo Ma'am?" 

"Matatanda na sila at alam na nila ang dapat gawin. Sige na."

Sa pagsakay ni Efinia ng sasakyan, sinabit niya ang locket at tinitigan ang mukha ni Smith. Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan at tinahak ang daan kung saan man siya mapunta. Tuluyang tinalikuran ni Efinia ang nakatakdang kasal nila ni Liandro. Alam niyang napaka sakit ng ginawa niya kay Liandro kaya mabuti na rin na hindi sila naitali sa isa't isa.

******

Months ago

"Talo ka Smith!" Bulalas ni Manong Pitong.

"Ang daya! Bente na lang ang pera ko!" Bulalas niya.

"Ikaw bente? Baka bilyon na bente!" Pagtawa ng mga kasamahan niya.

From scratch, Smith became a billionaire. Now,  he has left his luxurious life and lives like an ordinary man. Hindi makapaniwala ang mga taong nakakakilala sa kanya sa Ilocos nang tuluyan na niyang iwan ang business suit at magpalit ng simpleng shorts pati na t-shirt. Hanggang ngayon na pinagtitripan si Smith dahil pumasok ito bilang isang member ng Toda. 

He became a tricycle driver at pumapasada mula alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

"Walang hiya! Ang hina ng pasada ngayon! Pautang naman, Smith!" Reklamo ng kanyang kasamahan.

"Wala na akong pera. Binenta ko na rin ang sasakyan ko kapalit ng tricycle ko."

"Bakit iniwan mo ang buhay mayaman? Kami nga nangangarap maging mayaman, tapos ikaw iiwan mo lang ng basta."

"Hindi ibig sabihin na mayaman ka, masaya ka na. Gusto ko lang mamuhay ng simple. Gumising sa umaga nang walang iniisip na meeting at  rushed hour reports. Ngayon, mas masasabi kong masayang mamuhay ng simple. Tahimik at walang iniindang problema."

"Eh baka broken-hearted ka lang dahil ikakasal na ang ex mo?"

"Hindi naman. I want to live my life with my own decisions tulad ng mga anak ko. Noon kasi, nabuhay ako sa desisyon ng magulang at pamilya."

"Eh hindi rin pala maganda ang sobrang yaman. Tama lang iyong saktuhan lang, balanse ang pera at pamilya."

Sumang ayon si Smith at nauna ng umalis ng Toda. Ilang sandali at tumigil siya sa gasoline station at binilang ang kinita 

"Bente, unang sahod ko noong kargador pa ako ng soft drinks. At ngayon, huling sahod ko pa rin," bumuntong-hininga si Smith at pinunasan ang pawis.  Bumalik siya sa pagmamaneho pauwi sa bahay ng mga Lopez.  Ito na lamang ang natitirang mamahalin sa kanya. From his jewelries na binenta  para ipaayos ang bahay na ito, upang magbigay respeto sa Ama ni Efinia.

Habang tinatahak ni Smith ang kalsada, hindi niya inaasahan na halos kitilin ang  kanyang buhay dahil sa sasakyan na napaka bilis.

"Punyeta," bulong niya at binusinahan ng matagal ang nakasakay sa kotse. Dahil bahagya ng malabo ang mga mata ni Smith hindi niya maaninag kung sino ang nagmamaneho rito.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now