SMITH LAVIGNE 16

709 51 2
                                    

Chapter 16

"Just keep an eye with the landlord papasok ako sa loob," utos ni Smith sa dalawang gwardya.

"Sir, bawal po ang lalaki rito. Baka po ma-kickout ka."

"Just stay here, may pupuntahan lang ako."

Lakas loob na naglakad si Smith papunta sa kaisa-isang kwarto sa dulo. Alam ni Smith ang pasikot-sikot sa dorm na ito dahil dito ang dating Boy's Dormitory na kanyang tinirahan.

Basa ang buhok at takip lamang ng manipis na tuwalya ang katawan ni Efinia. Katatapos lamang niyang maligo pagkatapos ng mahabang araw. Habang na sa harapan ng salamin ang dalaga, halos mapabalikwas siya dahil sa pagkakagulat.

"Sino naman kaya ito?"

Hindi lamang tatlo o apat na beses ang katok mula sa labas ng kanyang pintuan. "Sandali!" sigaw niya at binuksan ang pintuan.

"Manyak--"

Hindi hinayaan ni Smith na sumigaw si Efinia at agad niyang tinakpan ang bibig nito hanggang sa makapasok sila sa loob ng kwarto.

"Aray! Ano ba?!" halos magising ang diwa ni Smith dahil sa talim ng ngipin ni Efinia.

"Manyak! Anong ginagawa mo rito! Stalker ka! Tulong!"

"Teka! Huwag kang sumigaw!"

"Tulo--"

"Hahalikan kita!" bulalas ni Smith at lumapit kay Efinia. Nawala sa tamang balanse si Efinia at napaupo sa kanyang kama.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ako ang pinuntahan mo?! Manyakis ka! Tingnan mo at wala akong matinong damit! Hindi ka maginoo!"

"Let me stay here for a while."

"Anong pakay mo?!"

Napapikit na lamang ang binata nang makita niyang lumantad ng konti ang dibdib ni Efinia. "Dress up, hindi ako maninilip."

"Lumayas ka rito! Sisigaw ako kapag hindi ka umalis! Ano ba ang kailangan mo sa akin ha? Hindi ka pa ba masaya na nasugatan mo na ako kapalit ng nabukol mong noo?!"

"Gusto ko lang magpakilala ng maayos."

"Maayos? Gago ka ba? Maayos ba ang pumasok ang isang lalaki sa girl's dorm pagkatapos amoy alak?!"

Hindi nakakibo si Smith dahil may kumatok sa pintuan ni Efinia. "Ms. Lopez, may problema ba?"

Namilog ang mga mata ni Efinia at hindi niya alam kung saan itatago si Smith.

"Magtago ka! Dalian mo siguradong bubuksan ni Sister ang pintuan," hinatak lamang ni Efinia ang kamay ni Smith at pinadapa sa ilalim ng kama. Hindi maiwasan ng binata na ngumiti dahil hinawakan ni Efinia ang kamay niya.

"Ms. Lopez, hating gabi na at bakit may naririnig pa akong ingay."

Dumungaw lamang si Efinia sa pintuan bukod sa wala pa siyang matinong damit. "Eh pasensya na po, kakatapos ko lang maligo at nag practice lang po ako mag drama."

"Drama? Para saan?"

"Ah ito po, nagsusulat kasi ako ng istorya."

Tiningnan lamang ng Madre si Efinia at mukha naman itong naniwala. "Ipagpabukas mo na lang at baka maka-istorbo ka sa ibang natutulog. Pagbutihan mo, hija."

Sa pagsara ng pintuan ni Efinia napasandal siya sa kanyang pintuan at nakahinga ng maayos. Sa paglapit niya sa ilalim ng kama, natagpuan niya si Smith na na sa kabilang pwesto sa lapag.

"Talaga naman? Nakitulog pa rito? Hoy, gumising ka."

Pinag aalog niya ang braso nito hanggang sa wala siyang napala. Mahimbing ang tulog ni Smith at nakuha pa nitong maghilik.

Dinamitan ni Efinia ng maayos ang kanyang sarili at muling sinilip ang binata. Hindi pa rin ito nagigising at mukhang masarap na ang tulog. Dinampot ni Efinia ang isa kumot at initsa sa mukha ni Smith.

Kinabukasan, para bang nagulat si Efinia at napabalikwas mula sa kanyang kama. Sinilip niya ang pwesto ni Smith ngunit wala na rito ang binata.

"Saan na siya? Oh my gosh oras na!" Tili niya at nagmadaling pumasok sa banyo.

Panay ang pagtakbo ni Efinia hanggang sa makalabas siya ng dormitoryo, tinungo niya ang locker at sa kanyang pagbukas napakaraming pagkain ang laman nito.

"Wow! May suitor ka na?!" bulalas ni Kara at kumukha ng tsokolate. "Ang yaman naman yata ng suitor mo! Mga imported goods ito ha!"

"Baliw! Ayan at kumuha ka!"

Kumuha lamang ng ilang piraso si Efinia pagkatapos ay binigay niya sa mga kaklase ang ibang tsokolate.

"Galing kaya ito sa hunghang na lalaking iyon?" Pagtukoy niya kay Smith. Biglang na pa ngiti si Efinia dahil sa imposibleng nangyaring pagpasok ni Smith sa dormitoryo niya.

Nagpatuloy ang kanilang klase hanggang sa lumipat na ng kabilang silid aralan si Efinia. Ngayon ang klase niya para sa Taxation, umupo siya sa dulo at nakita niyang pumasok din ng silid aralan si Smith. Tiningnan lamang siya nito ngunit hindi nagpapansin.

"Aba, masungit. Paano naman kaya siya nakatakas kagabi? Parang nagsisi yata siya sa ginagawa niya kagabi?"

Habang nagtuturo ang kanilang guro, wala rin humpay si Smith sa pagsagot sa mga katanungan. Napapatingin na lamang si Efinia sa kanya at napansin din niyang kapirasong papel at ballpen lang ang dala nito.

"Other students? Palagi na lang ba si Mr. Lavigne ang tatawagin ko?"

Hindi nag dalawang isip si Efinia na magtaas ng kamay upang pumunta sa blackboard. Taas noo siyang naglakad at sumulyap sa binata. Wala itong reaksyon sa kanya kaya inirapan lamang siya ni Efinia.

"May sayad ba ito o binabae si Smith?"

Habang nakayuko si Efinia, napansin ni Smith ang dalawang kalalakihan na kaklase ang nakatitig at para bang sinisilipan ang bawat pagyuko ni Efinia. Hindi napigilan ni Smith na damputin ang notebook ng kaklase at binato sa dalawang lalaki.

"Smith! Ano ba ang problema mo?! Bakit ka nambabato?!" pagbabawal ng guro.

Hindi siya umimik at tiningnan lamang si Efinia. Magkasalubong din ang kilay nito at mukhang nagtatanong sa kanyang ginawa.

"Get out of my class now!"

Walang pagdadalawang isip at lumabas ng silid aralan si Smith. Nangamot lamang ng ulo ang binata habang pangiti-ngiti na naglalakad. "Why did I do that? Kaya naman niya ang sarili niya na ipagtanggol sa mga bastos. At saka may nanliligaw sa kanya. Isa pa, wala dapat akong pakialam. Aasarin ko lang naman siya, nothing else," bulong niya sa sarili at tuluyang pumunta ng library para matulog.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now