SMITH LAVIGNE 47

738 60 8
                                    

Chapter 47

"Smith! Smith!"

"Ah–ah, Efinia."

"Smith! Hoy bano, gumising ka!" Hindi napigilan ni Efinia na sampalin si Smith dahil kanina pa ito umuungol habang tulog.

"Shit!" Napabalikwas si Smith nang mapagtanto niyang panaginip lang ang lahat.

"Okay ka lang? Masakit ba ang ulo mo? Kanina ka pa umuungol, binabangungot ka ba?"

"Bakit nandito ka—"

She cut Smith with a kiss. Mabilis at ngumiti si Efinia.

"Good morning, kumain ka na nagluto ako baka mahuli ka na sa pamamasada mo. Sayang naman ang kita," giit ni Efinia at naghapag ng pinggan.

Yumuko si Smith at bahagyang ngumiti. "I love this. I miss her, baliw nga talaga ako sa babaeng ito."

Sabay silang kumain ngunit wala pa rin kumikibo hanggang sa  binasag na ni Efinia ang katahimikan.

"Kailan magagawa ang general switch mo?"

"Baka sa susunod na araw pa."

"Eh paano ka makakapakinig ng radyo wala kang power."

"Okay lang."

"May mekaniko ba rito? Para makauwi na sana ako bukas. Wala na kasi si Manong Domeng dito," wika ni Efinia at hinihintay niyang magsalita si Smith na huwag siyang umuwi.

"Ah malayo pa. Isabay mo na lang sa gumagawa ng kuryente ko mekaniko rin iyon," tugon ni Smith.

Tuwang-tuwa si Efinia dahil matatagalan pa siya na kasama si Smith. Pabor kung hindi na magawa ang kanyang sasakyan.

Mula sa kaloob-looban ni Smith, tunay na gumagana ang plano niya. He did it on purpose mula sa nasirang general switch at sasakyan ni Efinia. "I want to challenge you. Alam kong wala kang pasyensya, pero sa nakikita ko hindi mo talaga ako sinusukuan. Don't worry, mahal pa rin kita. Kung alam mo lang gaano ko pinipigilan ang sarili ko  na idikit o itali ka sa kama at muling iparamdam sa'yo ang init ng pagmamahal ko. Ayaw na kitang pakawalan pa. And I can't imagine having wet dreams with you. Hay, tumatanda nga kami ng paurong."

"Hot moma," saad ni Smith.

"What? May sinasabi ka ba? Are you okay? Hindi ba masarap ang luto ko?"

"Okay naman. Aalis ako lock mo na lang ang pintuan," halos mamutla si Smith dahil buong akala niyang sinabi niya ito kay Efinia.

"Sama ako, saan ka ba pupunta?"

"Diyaan lang, baka lumangoy na rin. Wala na akong exercise."

"We could have an exercise here, Smith… I mean zumba or jogging," kumindat si Efinia.

"Okay."

Gigil na gigil at gusto na niyang sabunutan si Smith. Paiba iba ang takbo ng mood nito. 

It looks weird pero sakay sila ng tricycle papunta sa beach.  Tuwang-tuwa si Efinia dahil angkas siya ni Smith.

"Ang tibay pa rin pala ng buto mo sa pagmamaneho ng motor," aniya ni Efinia.

"Yeah, pwede pa nga akong magkaroon ng bunsong Arthur."

Nawala ang ngiti ni Efinia at padabog na sumandal.

"Palibhasa ang lalaki pwede pang makabuntis  kahit anong edad! Kaya kahit tumanda mahihilig pa rin!" Pagmamaktol niya habang nakatingin sa malayo.

"Eh anong magagawa ko? We are made for that."

Nang marating nila ang destinasyon, halos mahirapan bumaba si Smith sa motor. 

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now