FINALE

1.4K 99 42
                                    

Finale

   Kabado at hindi mapakali si Smith habang kung ano-ano ang tumatakbo sa kanyang isipan, magdamag na hindi natulogg kahihintay kay Efinia. Para bang pinapatay sa selos ang lalaki habang ang kanyang mahal na sa dating kalaguyo 

Mula sa labas ng sasakyan, bitbit ni Efinia ang isang bag dahil tinulungan niya si Liandro. She felt sad while looking to his eyes.

"Mag-iingat ka, hindi pa naman huli ang lahat para umibig muli, Liandro."

Tumango lang ang lalaki at kinuha ang hawak ni Efinia. "Go home, hinihintay ka na si Smith. I'm glad that I helped you to find your heart again for Smith. Nagising instrumento ako para manumbalik muli ang relasyon niyo pagkatapos ng ilang taon. Please take care of yourself, mahal pa rin kita kahit alam kong tapos na," giit ni Liandro at mahigpit na hinawakan si Efinia. Mas lalong lumuha si Efinia habang nakatitig sa kanya.

"Ssh, don't cry. This is real love, I set you free because I want you to be happy with him. Sige na at baka mahuli pa ako sa flight."

"Salamat Liandro. Please take care of yourself. Nandito pa rin ako bilang kaibigan mo."

Hanggang sa muli, hindi pa rin sila para sa isa't isa. Ang huling yakap ang siyang nagsilbing paalam at tanggapin na hanggang dito na lang talaga.

Sa pagpasok ni Efinia sa kanyang sasakyan, ngumiti siya at tiningnan ang engagement ring na binigay ni Smith. Nagmadali siyang magmaneho hanggang sa marating ang bahay. 

Sa kanyang pagbaba, naabutan na lang siya si Smith na nagluluto.

"Hubby!" Tili niya at tumakbo para yakapin si Smith.

Gulat na gulat si Smith dahil bumalik nga talaga si Efinia. "Kumain ka muna bago umalis," pagmamaktol ni Smith.

"Ikaw bipolar ka talaga! Nandito na nga ako para sa'yo, palalayasin mo pa ako!"

Nangamot ng ulo si Smith at biglang pinalo ang puwitan ni Efinia.

"Tingnan mo! Manyakis! Kailan mo pala ako pakakasalan?"

"Wala akong pera, doon na lang tayo sa libreng kasal kay Mayor."

"Halika na!"

"Inaantok ako, bukas na lang."

"Magpakasal na tayo! Ang tanda na natin pa-girl ka pa masyado! Ang arte mo!"

"Efinia."

"What?"

"I love you, thank you for coming back. Buong akala kong patay na rin ang puso ko mula nang mawala ka.  Ang laki ng kasalanan ko sa'yo pero nagawa mo akong patawarin. Salamat sa maraming pag-asa na binigay mo sa akin. From scratch hanggang sa naging tuluyan akong successful, you never left me."

Isang mainit na halik ang tugon ni Efinia sa kanya. She totally missed her husband. From the sweet kisses that could make her reach the climax, the carelessly whisper of saying I love you, until the lust dance turns into love that leaves a bite deep down in their hearts.

Ilang taon man pinaghiwalay ngunit  ang tadhana mismo ang nagturo sa kanilang puso kung saan sila nararapat. Walang edad ang pagmamahal at muli nila itong itinuloy

******

"Teka baka masubsob ka!" Asik ni Smith.

"Dali na! I want to sign our marriage contract for the second time.

She's wearing a white mini dress habang si Smith na sobrang pormal sa damit. Diretso sa simbahan ang dalawa dahil walang Mayor. Dahil sa mga kakilala ni Smith, the resident Priest in the church bind their everlasting love.

"Father, pwedeng you may kiss the bride na ba?" Aniya ni Efiniya.

Natawa ang pari at  binitiwan ang bibliya.

"Smith Lavigne, you may ki—"

Hindi natuloy ng Padre ang sasabihin nang humalik na si Efinia kay Smith. 

"Ika-lawang kasal niyo na ito, sana'y hindi kayo maghiwalay."

Sa paglabas ng simbahan, buong lakas na binuhat ni Smith si Efinia. Wala siyang pakialam kung sumakit man ang likuran.

"Ang tikas talaga ng lover boy ko!"

"Kung hindi ka menopause gusto ko pa ng bunso, hindi ko na mabuhat si Arthur dahil ang bigat na."

"Come on, pwede pa naman test tube baby! Isa pa minsan sa isang buwan dinudugo pa ako, hindi ko alam kung pwede pa akong manganak o baka mahirapan na ako."

"Talaga? Pwede natin pag-usapan 'yan."

Sa pagsakay nila ng sasakyan, parehong maingay at kung ano-ano ang pinagkukwentuhan nilang dalawa. Ngayon lang nalaman ni Smith na nag caregiver si Efinia sa ibang bansa. He felt proud dahil wala talagang titinag sa fighting spirit ng asawa. Tinago pa rin ni Smith kay Efinia ang sikreto nila ni Marlon tungkol sa sampung milyon na pagbili niya sa kalayaan ni Efinia. 

"The best decision I made, I will risk everything for you, my Queen."

Pagdating sa bahay, hindi nila halos akalain na bumalik ang apat na anak kasama ang buong pamilya.

"Where have you been, Papa and Mama?" Tanong ni Archer.

"We got married!" Bulalas ng dalawa at tinaas ang kanilang kamay.

The four boys felt happy and emotional, lalong lalo na si Akio.  Hindi siya nabigo sa misyon niyang paglapitin o buuin ang pamilyang nasira. Pumatak ang luha ni Akio at hinagkan si Efinia instead of his Dad.

"Tita Mama, congratulations. Nabuo kayo."

"Dahil ito sa'yo. You never gave up on us malaki ang utang na loob ko sa'yo, anak."

"Salamat po."

"Can we celebrate it now?!" Bulalas ni Aiden pati ng mga kapatid at halos buhatin na ang kanilang Ama.

"Naku, nagsama-sama ang matutulis," giit ni Honey habang kasama ang mga kinakapatid niya.

"I do believe in second chances, kami nga ni Austine hanggang third eh?" Malokong sinabi ni Precious at nagtawanan ang mga kababaihan.

Ang madilim sa bahay ay muling nagkakulay dahil sa pamilyang pilit nilang binuo.  Umakbay si Smith kay Efinia habang tinititigan ang mga apo at anak.

"Lahat sila ay na sa mabuting buhay na. Bilib ako sa'yo dahil hindi mo sila sinukuan kahit  lahat sila'y nagrebelde," wika ni Efinia.

"Of course. Anak ko sila at hindi ko kailanman pababayaan," wika ni Smith at hinalikan ang pisngi ng asawa. "Efinia," tawag niya.

"What?"

"I love you since 1978 up to present."

If God will give you a second chance, don't waste it. Instead, have  courage and never lose hope.

The story of second chance, forgiveness and acceptance.

Proverbs 24:16 “For though a righteous man falls seven times, he will rise again, but the wicked stumble into calamity.”

GLIMPSE of the Third Generation…

"I witnessed how my parents suffered before they  finally found forever. From Lola and Lolo and my uncles. But because of this, I believe that true love will find a way. Kaya hindi ko susukuan na hanapin ka, hindi ako susuko na muli kang bumalik sa piling ko. Mahal kita, Jessica Lavigne."

THE END!

HEAVENKNOWSFLO| 2021

SEPT 9, 2021- October 23 2021

SEE YOU NEXT YEAR

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now