SMITH LAVIGNE 17

669 48 6
                                    

Chapter 17

Nanatiling tahimik at natigil sa pakikipagbasag ulo ni Smith magmula magkaroon siya ng interes na kaibiganin si Efinia. Hindi niya mapigilan ang sarili at hindi na niya pinagtitripan ang dalaga magmula nasugatan niya ang mga kamay nito. Mailap si Efinia at hindi niya basta-basta malapitan dahil lumiligid si Liandro sa dalaga.

“Efinia, mukhang madalas nang nakatambay si Smith ha? Tingnan mo oh, napansin ko na palaging sumusulyap sa’yo. Pansinin mo na kasi.”

“Ayoko sa lalaking iyan. Mayabang at hindi ko rin maintindihan ang ugali niyan. Minsan panay ang irap, minsan naman nakangiti! May sakit ba sa utak 'yan?"

Hanggang ngayon na ilang araw na ang nakalipas mula noong pumunta si Smith sa loob ng kwarto niya ay hindi na siya inaasar ng binata. “Feeling ko gusto ka niyan, torpe lang.”

“Pwes hindi rin naman ako interesado,” ngumuso ang dalaga at muling kinain ang tsokolate na kanyang tinatago sa bulsa.

Napag-alaman ni Efinia na si Liandro ang parating naglalagay ng pagkain sa kanyang locker. Madalas din siyang sunduin ng binata at padalhan ng mga bulaklak. 

Kalaunan, pumasok si Efinia sa pinakadulo ng library upang ibalik ang mga libro na hiniram ng mga estudyante.

“Hay ano ba!” bulalas niya dahil biglang sumulpot si Smith.

Walang imik ang binata at inirapan lamang si Efinia. “Smith, Smith. Teka lang,” tawag niya.

“What?”

“W-wala nevermind.”

“Ah before I forgot, may ball next saturday,” hinugot ni Smith ang isang envelope at inabot kay Efinia bilang imbitasyon na siya ang makasayaw nito.

“Ah, oo alam ko ito. Binigyan na rin ako ni Liandro, salamat na lang,” tugon ng dalaga.

“Ah gano’n ba? Sige,” nagmadali na umalis si Smith at dinampot ang dalang kapirasong papel. “Naunahan na naman ako? Letse bakit ko ba siya inaaya na pumunta do’n? Hindi ko naman kailangan ipagpilitan ang sarili ko. Bakit ko ba kasi sinabi na mahuhulog siya ng fourteen days. Para akong tanga,” kinurot ni Smith ang binti at diniretso ang paglalakad.

Sa patuloy na pagmamasid ni Smith kay Efinia, hindi niya alam kung bakit parang siya ang unang tinamaan sa pinagmamayabang niyang fourteen days kay Efinia. Hindi makakaila na first timer pa lamang sa panliligaw ang binata at walang alam na pwedeng gawin kung hindi tumitig.

Habang naglalakad si Smith, na pa daan siya sa girls locker area. Natagpuan niya ang pangalan ni Efinia at mabilis na hinulugan ng sulat habang walang tao. Kumaripas ng takbo si Smith habang nakangiti. “Sana mabasa niya,” bulong nito.

Sa pagkatapos ng oras ni Efinia sa college library, dumiretso siya sa kanyang locker upang kunin ang ilang libro bago umuwi. Gumulat sa kanya ang isang kapirasong sulat. Gusot at pawang mukha na itong mapupunit.

Will you call me crazy because my heart suddenly fell on you? 

Kunot noo na pinagmasdan ni Efinia ang papel hanggang sa makita niya ang nakasulat sa likuran. “Lover boy? Sino ‘to?” biglang tumawa si Efinia dahil hindi niya alam kung seseryosohin niya ba ang sulat na ito.

Sa patuloy na paglalakad ni Efinia, nakasalubong niya si Smith. Seryoso lamang ang tingin nito sa kanya habang kumakain ng chicharon. Tila nakaramdam ng pagkagutom ang dalaga habang nakatingin sa labi ng binata at nilalasap ang bawat kagat. “Nakakagutom, paborito ko ito,” bulong niya sa sarili.

“Are you hungry? Do you want some?”

“H-ha hindi na,” masungit na sinagot ni Efinia.

“You like it, come on wala naman lason.”

“Pagdating sa’yo mahirap magtiwala!” muling nag sungit si Efinia at inirapan ang binata pagkatapos ay tinalikuran.

“Ang hirap mo naman hulihin.”

“What?  Anong binubulong-bulong mo r’yan? Gusto mo bang bungalin kita?!”

“Ikaw ang mabubungal kakakain mo ng tsokolate! Bago matapos ang taon na ito mukha ka nang cabinet sa sobrang taba! Puro ka tsokolate, mas masarap ang chicharon!"  asik ni Smith at umusok ang ilong dahil hindi tinanggap ni Efinia ang chicharon na inaabot niya. 

“Ang sama ng ugali mo kaya wala kang kaibigan!” sigaw ni Efinia.

Natigil sa pagnguya si Smith at muling tumingin kay Efinia. Iba ang itsura nito at halatang galit dahil namumula ang kanyang tenga.

“You don’t fucking know who I am. You don’t have the right to judge me.”

“Butt hurt cause it’s true. Kung gusto mo na magustohan ka ng mga tao rito, ayusin mo ang ugali mo. Hindi lahat nadadaan sa yabang. Bakit may napala ka ba? Masaya ka ba na may na-bully kang mga kapwa kong estudyante na pinag diskitahan mo?”

Akmang lalapit si Smith upang hablutin ang braso ni Efinia ngunit humarang si Liandro. “Back off, stay away with my woman, Smith Lavigne.”

Natulala si Efinia habang nakatingin kay Smith. Namumula ang mukha nito at galit na galit ang mga mata. Para bang sasabog ang mukha nito sa sobrang pula. Walang nagawa si Smith at tinalikuran ang dalawa. Humarap naman si Liandro at hinawakan ang magkabilang braso ni Efinia.

“Effective ba? Sabihin mo lang sa akin kung ginugulo ka pa ng lalaking iyon.”

“S-salamat,” pigil ang kilig sa mga labi ni Efinia habang nakatingin kay Liandro.

    “Ah, here. I have something for you,” inabot ni Liandro ang isang pack of food para kay Efinia at kitang-kita ni Smith kung gaano kasaya na tinanggap ng dalaga ang bigay ni Liandro.

    Kinabukasan, maagang pumasok si Efinia para sa unang klase. Nanatiling tahimik ang mga estudyante dahil sa kanilang written examination. Binabagabag pa rin ang dalaga sa  kanyang Ama dahil wala pa rin siyang nakukuhang impormasyon.

    “Ma’am, excuse me po.”

    Pumukaw sa atensyon ng mga estudyante ang dalawang gwardya na pumasok. Nanatiling tututok si Efinia sa kanyang papel habang sinasagutan ang mga katanungan.

    “Ma’am, ito po ang excuse letter ni Sir Smith Lavigne. Hindi raw po siya makakapasok dahil nagkaroon ng problema,” wika ng gwardya ni Smith.

    “Sige at walang problema, naiintindihan ko,” tugon ng Propesor.

    Napatingin lang si Efinia sa dalawang gwardya na lumabas at hindi siya nagkakamali sa kanyang narinig.

    “Naku, may problema na naman yata si Smith,” bulong ng isang babaeng estudyante habang na sa labas ang guro kasama ng dalawang gwardya.

    “Siguro nagkakagulo na naman sa negosyo nila. Nakakaawa naman siya, sobrang apektado ng pag-aaral niya.”

    “Kaya naman niya iyon, napaka talino naman niya, bukod pa ro’n at napaka gwapo niya!”

    “Girls! Tumigil kayo sa kakadaldal!” suway ng guro.

    Naunang natapos si Efinia sa kanilang written examination at tumuloy sa labas. Diniretso niya ang college library at naabutan si Kara na may ka tsismisan.

    “Friend! Naku, si Papa Smith!”

    “Pwede ba? Kailangan ba lagi siya ang pinaguusapan? Mula sa loob ng classroom siya ang bi-no-brought up!” 

    “Ano ka ba naman! Kawawa kasi siya.”

    “Iyon kawawa? Sa sobrang sama ng ugali no’n hindi magiging kawawa ‘yon!”

    “Grabe ka naman, naawa lang kasi kami dahil mukhang titigil siya sa pag-aaral.”

    “Oh? Bakit naman?”

    “Dahil bubot pa siya sa negosyo, nagkaroon ng problema sa kanilang business. Kawawa kasi siya dahil mukhang hindi na naman siya makakadalo sa college ball. Palagi na lang siyang dukdok sa trabaho.”

    Napaisip si Efinia mula sa mga mabibigat na salitang kanyang binitiwan kay Smith. Tila nakonsensya ang dalaga. “Kaya siguro napaka loner niya at ginawang libangan ang pambubulabog sa akin  o iba pang mga estudyante,” bulong ni Efinia.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now