SMITH LAVIGNE 21

728 57 10
                                    

Chapter 21

Umaga bago maganap ang ball, walang pasok ang mga estudyante upang maghanda. Ngunit si Efinia na kailangan tapusin ang oras sa kanyang pagtatrabaho sa silid aklatan.

“Dad! Na miss kita, bakit ang tagal mo naman hindi tumawag? Kumusta po ba ang negosyo? Ginugulo ka pa rin po ba ni De Jesus?”

“Maganda ang takbo ng negosyo, huwag kang mag-alala. Nagustohan mo ba ang regalo ko sa’yo?”

“Sa iyo po galing ang gown pati na ang iba’t ibang klase na damit?”

Napalunok si Marlon dahil nakabantay si Mayor De Jesus sa linya ng telepono. “Oo naman! Gusto ko at makuha mong sulitin ang pag-aaral bago ka tuluyang matapos. Kinausap ko na rin ang Dean mo. Hindi mo na kailangan magtrabaho sa silid aklatan dahil mapapadalhan na kita ng pera palagi.”

“Totoo ba ito Dad?! Naku salamat naman sa Diyos! Pero pwede pa rin naman po siguro akong tumulong sa library?”

“Oo naman, basta huwag matigas ang ulo at para na rin hindi ka ma-delay sa graduation okay?”

“Sige po Dad! Mahal ko po kayo!”

Biglang nawala ang linya ni Marlon kaya binaba na rin ni Efinia ang telepono. Masayang naglalakad si Efinia hanggang sa mapuntahan niya ang locker.

 Sa kanyang pagbukas, bumulaga sa kanya ang walong sulat.

“Kanino naman ito galing? Hindi lang ba si Liandro ang may gusto sa akin? Kasi kung si Smith, maliwanag na magkaibigan lang kami. Besides, pinagtitripan lang niya ako sa truth or dare namin!"

Tinungo ng dalaga ang kanyang kwarto at binuksan isa-isa ang mga liham.

One; You have a nice smile, but I hope I'm the reason why you're smiling.

Two; I hate it but no matter what I refuse, I love staring at your face. I do love it when you get mad.

Three; Your lips? I hope I am the first man to kiss you.

Four; Efinia, I want you to be my partner at the  college ball, but I'm afraid you won't hold my hands back.

Five; You are close , but I have a hard time reaching someone like you.

Six; I’m scared, I want to trust people. I want to give my heart to you. I will take the risk again.

Seven; My mind is confused, I don't know if I will continue how I feel about you or just let you be happy with another man.

Eight; Will you be mine?  If you already read these eight letters for you, please meet me backstage near the fountain at nine in the evening. If you're interested to know who I am.

~Lover Boy.

    Napahawak si Efinia sa kanyang dibdib habang binabasa ang maikling mga salita ngunit napakaraming ibig sabihin nito para sa kanya.

    “Who are you? Gusto kitang makilala. Hindi matutumbasan ng materyal na bagay ang mga sulat mo.”

    Kinagabihan, nakatapat si Efinia sa salamin habang inaayusan siya ng kabigan na si Kara.

    “You know what, napaka talented mo!” giit ni Efinia

    “Pangarap ko  talagang maging make-up artist!  How about you?”

    “I want to have a big mall at ipapangalan ko sa mga anak ko!” maligayang sinabi ni Efinia.

    Kalaunan, hindi makapaniwala si Efinia sa napakagandang ayos na ginawa ni Kara. Naiwan na lamang siya sa kanyang kwarto at panay ang tingin sa salamin. Biglang napalingon si Efinia sa kalampag ng bell mula sa simbahan. Ito ang hudyat na magsisimula na ang college ball. 

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now