20: My Story

59 7 2
                                    

Sean POV

Isang buwan na rin pala ang nakalipas ng mabigo ako sa pag-ibig. Ang bilis ng panahon. Ayun, hindi parin natigil si Jacob sa panliligaw kay Cris. Nakakatawa lang at ako pa talaga minsan ang hinihingan nya ng tulong para sa mga gimik nya kay Cris. Ang saket eh. Kulang na nga lang ipagtulakan ko etong babaitang ito kay Lucas. 


Haaay..napakaduwag naman kasi netong bespren ko. Hindi ko alam kung bakit ginagawa nyang kumplikado ang lahat. Sabagay, ganun din nga pala ako. Kumplikadong pag-ibig.

Napakabilis talaga ng panahon. Parang kelan lang ng nagluksa din ang puso ko para sa bespren ko.

Oo, ang bespren ko na si Lucas ang unang lalakeng minahal ko. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay hindi ko na tinuloy pa. Alam ko din namang may mahal syang iba at wala din naman akong balak sirain ang pagkakaibigan namin kaya pinilit ko na lang kalimutan. After a year kong maka move on eh bigla namang nahulog ang puso kong mamon kay Jacob. At parehas pa talaga sila ng babaeng gusto ha. Sasabunutan ko tong si Cris eh.

Pero kung may unang lalake akong minahal, meron ding una at nag-iisang babae na nagkagusto ako. Ang babaeng sumira ng pagkalalake ko...si Miss C.

Naalala ko pa noong 8years old lang ako...

flashback

Dear Crush,

Roses are red
Violets are blue
I feel happy... when I see you.

Matagal na kitang gusto. Sana magustuhan mo rin ako.

Lovingly yours,
Mr. S

"Ano yan anak ha?" napabalikwas ako sa pagkakayuko ko sa mesa at naibato at ballpen na hawak ko. Muntik ko na ngang malukot ang card na ginagawa ko sa gulat.

"Ma naman eh! Bigla ka na lang jan sumusulpot." sabi ko habang tinutupi ang card na ginawa ko.

"Ang baby ko manliligaw na ata ah. Yiheee!" kinikilig pa talaga ang mama ko sa sinabi nya. "Baby..hanggang crush lang muna ha. Bata ka pa."

"Assignment ko lang po to ma."

"Haha. Sa stationary paper na pala ngayon nilalagay ang assignment ha." sabay ngiting nakakaloko nya. Ang mama ko talaga.

"Hay nako ma, malate na po ako sa school. Alis na po ako." madali kong paalam sabay halik sa pisngi nya. Buti na lang at hindi nako inasar pa ni mama.

Isang taon ko ng gusto makausap yung batang babae na taga subdivision din namin. Ang cute cute nya.

Dun ko sya madalas makita sa playground. Hindi lqng ako makalapit kasi lage syang may kasamang mga bata din kaya nahihiya ako.

Feeling ko para talaga kami sa isat-isa. Dun na sya sa pinapasukan kong school ngayon nag-aaral din. Haaay. Sana malaman ko na name nya. Sa ngayon, sya si Ms. C....Miss Crush hehe.

....
Pagdating ko sa school ay agad ko syang hinanap. Gusto ko kasi ibigay tong card at malaman narin ang pangalan nya.

Agad ko naman syang nakita sa loob ng isang classroom. Buti na lang at sya lang ang tao sa loob. Nakaupo sya at inaayos ang mga gamit nya sa mesa. Cute nya talaga.

Pagkapasok ko ng pintuan ay nakita nya ako agad na ikinataranta ko naman. Nagkalaglagan tuloy ang mga dala ko.

"Tara laro tayo sa labas!" sabi ng isang batang babae na kakapasok lang din. Dali dali ko namang pinulot ang mga gamit ko habang dumadaan sa gilid ko ang iba ang mga batang babae na classmate nya siguro. Ang dami na tuloy nila. Mga anim na sila ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon