1: Turon

5.9K 87 23
                                    

“Gandang Morning! Woohooo!” sigaw ko mula sa bintana ng aking kwarto. Wala naman mga tao sa labas kaya malakas ang loob kong magsisigaw. Tanging ang aso na napadaan lang naman ang napalingon sakin ng sumigaw ako. Wala ng iba. Excited ba ako? Hindi. Pinipilit ko lang maging exciting ang araw ko dahil sa nasusuka narin ako sa araw-araw na parehas na routine ng buhay ko. Sa inaraw araw ba naman eh puro bahay- school lang ang lugar na nagagawian ko. Wala din naman kasi akong ganang maglakwatsa kaya ganun. Pano madalas kasi akong maligaw. Walang sense of direction kaya ganun.

Boring ang buhay ko. Kasing boring ng itsura ko. Hindi ako ganun pinalad sa talino at ganda. Ewan ko ba, maganda naman kapatid ko at gwapo’t maganda din parents ko. Actually, mukha naman akong tao nung bata pa ako eh. Ewan ko ba kung anong nangyari. Bigla akong nag evolve into something unusual. Charot!

At sa ipagpapatuloy nga sa introduksyon ko, ako  ay 17 years old na, isang ordinaryong mamamayan at estudyante. Seventeen boring years. Well, hindi naman buong buhay ko boring pero etong mga highschool days na dapat ay kinikilig ako sa mga nanliligaw sakin ay hindi ko parin na experience. Puro panghahabol lang ang nagaganap. Panghahabol sa lalaking gusto ko. Ang lalakeng apat na taon ko ng pinagpapantasyahan.

OO! Apat na taon at nakakapagod din. Ikaw ba namang sumulyapsulyàp sa loob ng apat na taon eh. Aba, konti na lang pwede ko ng paikutin ulo ko ng 180°!

Pero kahit boring man ang lovelife ko eh masaya parin ako. Hindi man kami ng taong gusto ko ay sya parin ang nagpapa-excite at nagbibigay buhay sa nahihimbing kong pagkababae eh.

Una ko syang nakilala nung 2nd year high...

(Flashback)

"Class, dahil sa ginagawa yung kabilang classroom ay dito muna magkaklase ung Section 1. Isang subject lang naman since ako din naman teacher nila sa math kaya sabay na lang ang klase nyo. They'll be here in 5 mins." Sabi ng teacher namin habang tulala ako. Wala naman akong pakialam sa mga pinagsasabi nya.

"Teh sana marami wafu dun noh.ahahaha! Sharap!" sabi ng bff kong isa na si Beki. O diba bagay sa kanya name nya haha. Bff kong parang gay. Parang lang ha kasi girl talaga sya.

"Sarap ka jan. Pagkain lang ganon?!” sabi ko naman sa kanya habang nakairap pa. “Sisikip lang tayo dito. Ay nako, kiber!"

"Hay nako Cris baka pag nakita mo sila mauna ka pang sumalubong sa kanila. Uh-uh wag ka. Tignan natin." Sabi pa nya habang bukang buka ang bibig sa galak. Kung andito lang siguro ngayon ang isang bestfriend pa namin na si Anna eh naglululundag na tong dalawang to.

"Class eto na sila bigyan nyo sila ng upuan ok?" At kami pa talaga magbibigay ng upuan ha. Hiyang hiya naman ako sa kanya.

"KIYAAAAH ANG GWAPO NILA!" sabi ng classmate kong girl na parang nangingisay na sa kinauupuan nya.

"Oo nga grabe sana dito na lang sila palage. Haaaay." dagdag naman ng isa pa na kulang na lang eh magkasya at kamao ko sa bibig nya sa pagkanganga. At musta naman si Beki.

"Hoy Beki, kung makatingin ka naman sa kanila parang ninanamnam mo na!" sabay tapik ko sa balikat nya.

"Sabi sayo Cris eh. Eeeeh graveh langit itey!" Susme. Para na syang sinasapian.

"Ok class tama na yan. Yesterday we discussed algebra. Sino gusto magvolunteer para sagutan tong nasa black board?" eto naman si mam wala magawa sa buhay. Wag mo ko tatawagin. Iniyuko ko na lang ang ulo ko para hindi na nya ako matawag pa.

"Since walang gusto sumagot, Cris come here and solve this." Anak ng pokemon naman oh. Hindi ba sya marunong makiramdam?

Pumunta na lang ako sa harapan na mabigat ang mga paa dahil nga sa hindi ko naman alam ang isasagot ko. Kinuha ko ang chalk at nakatingin lang sa problem na nakasulat sa blackboard. Nakakahiya. Mga 5 mins nakong nakatayo sa harap pero wala pakong nasisimulan.

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon