8: I'm so Confucius

1.9K 63 20
                                    

Cris POV

Tingin sa oras.

Walastek! Alas dose na at hindi parin ako makatulog! Walang akong ginawa kundi magpagulong gulong sa kama ko. Tatawa, tatahimik, ngingiti bigla tapos iiyak. Daig ko pa baliw eh. Gustong gusto ko ng suntukin sarili ko para makatulog nako.

Nakakabaliw naman talaga mga event sa buhay ko ngayong araw. Nahihirapan na ngang magprocess ang mga nalalabi kong braincells eh.

Una, Out of nowhere bigla na lang may hahalik sakin. Tapos ang hahalik pa eh yung lalaking pantasya ko. Ang tagal kong inasam yun ah. Parang nasa langit lang ang feel nung moment namin kanina.

Sa totoo lang hindi pa ako nagtoothbrush eh. Ninanamnam ko pa yung halik nya eh hihihihi. Sa tuwing pipikit ako naaalala ko yung part na magkalapit mga labi namin. Hanggang ngayon naaamoy ko parin ang napakabango nyang hininga. Pati yung hininga nya sa ilong mabango. First kiss ko yun eh....at sana masundan! Landi!

Hindi nga ako tinantanan ni Anna nung makauwi ako ng bahay. Inusisa nilang itanong sakin kanina yung kissing scene daw namin ni Lucas. Phone patch pa talaga si Beki. Mga tsismosa lang.

Eto pang si Jacob. May pa I like you I like you pa sya dyang nalalaman. Muntik nakong maniwala sa sinabi nya eh kaso biglang tumawa at ginulo lang ang buhok ko. Pag tripan daw ba ako??

Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat nga ba talaga akong matuwa sa pinapakita ni Lucas o mabubwisit. Ang hirap nyang basahin eh. Minsan pinapansin ako, minsan napakasnob naman. Idagdag pa yung pang bubully sakin nila Bea dahil sa kanya. Kasalanan ko ba na halikan ako ng fiancé nya kuno? Excuse me pero ang boyfriend nya ang lumapit sakin noh! Hahaha! Nagmamaganda lang.

Ang sakit kaya ng sampal nila kanina. Warfreak din pala tong Bea na to at nakipag join forces pa kina Chelsea. Oo maganda sya at idol ko pa nga sya dati kaso panget pala ng ugali nya. Hindi man lang kinuha yung side ko muna. Hindi ko na nga lang din sinabi kina Anna kasi baka lumala pa sitwasyon.

Buti nalang at dumating ang aking knight in shining armor na si Jacob. Sa tuwing nasa panget na sitwasyon ako dumarating sya para tulungan ako. Ang sexy nga nya tignan kanina nung sinabi pinagsabihan nya si Bea na tigilan nako. Lalaking lalake lang di gaya ni Lucas na hindi man lang ako pinagtanggol kanina. >__<

Waaaah! Ang gulo diba! Ang dami kong tanong na hindi masasagot. Pano pag nagkasalubong kami nila Bea? Pano ako makikipag usap kay Lucas after ng kiss moment namin kanina. Humaygudnes...Mukhang hanggang madaling araw ako magpapagulong gulong dito sa higaan ko. T__________T

Kinaumagahan...

"Babe gising na. Yoohoo..." sabay poke nya sa ulo ko.

"Hmmmm...ano ba yanb kakatulog ko lang eh." Bahala ka dyan matutulog pako.

Teka sino ba tong kumag na to? Nakadapa kasi ako matulog at nakabaon ang mukha ko sa unan kaya hindi ko makita tong siraulong sumusundot sa ulo ko.

"Come on baby, malate pa tayo sa school." Sabi pa nya sabay haplos sa buhok ko. Sino ba tong hayup na to?!

Hinarap ko na lang sya at.....

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

Nagulantang at napabalikwas ako sa pagkakahiga ko. Ikaw ba naman ang makakita ng halimaw sa kwarto mo!

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!' Sigaw din nya na parang nandiri din sakin. Kapal ha.

Kinusot kusot ko mata ko para maaninag sya. Langya! Si Mark aka Boy Chaka lang pala to.

"Hoy ikaw, anong ginagawa mo dito sa kwarto ha??" sabay bato ko sa kanya ng charger ng cellphone ko. Yun! Sapul sa mukha.

"Aray ko naman. Pag nasugatan ang gwapo kong mukha malalagot ka sakin." Gwapo? San banda teh? "Si Anna naman ang pinunta ko dito. Malay ko bang ikaw yan. Yuck!" at talagang nag alcohol pa sya at ang tingin sakin ay nandidiri talaga.

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon