17: Rampa na!

1.4K 48 9
                                    

(A/N)

Pasensya na po kung matagal akong hindi nag-update.  Patawad. Sisipagan ko na mag-update. Happy New Year guys!!!

Cris POV

"Asan na ba yung mga babaitang iyon?" para na akong baliw na sinasabi yan habang naglalakad sa pasilyo. Langya naman kasi. Pagkatapos ko silang paunahin magbihis eh iiwan na lang ako nung ako naman. Lechugas talaga! Mukha akong ewan na sisilip silip sa mga classroom, napagkakamalan pa tuloy akong espiya. Eh kasi naman, wala ng dalawang oras at mag-uumpisa na ang pageant. Halos lahat ng mga estudyante nga eh nasa mga kanya-kanyang classroom para maghanda na. Kamusta naman kami diba eh magpapaparlor pa kami sa labas ng school. Teka, hindi kaya andun na sila?!

Speaking of the alien, tama ba tong nakikita ko sa kalayuan na nagtatawanan. Nasight ko lang naman sa dulo ng corridor sila Anna at Beki na may kakwentuhan. Silang na ang hindi busy.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kanila. “Hoy mga bruha!” hingal ko pang sabi pagdating ko sa kinatatayuan nila. Napatingin naman sila sakin na nakangiti parin.

“Anjan ka na pala bakla. Hahaha! Kanina ka pa naming hinihintay?” sabay hampas pa sakin ni Beki. Napatingin na lang ako ng may pagtataka sa kanila. Hinihintay talaga?

“Mga gaga! Parang wala naman tayong usapan na iiwanan NYO ako sa CR at magkikita tayo  dito!” nakapamewang ko pang sabi habang habol parin ng hininga. Napatingin naman ako sa kasama nila. At sino naman itong baklang kasama nila?

“Ay wala ba? Hahaha!” tawa ng malakas ni Anna. Siraulo talaga. “Wag ka na magdrama teh. Solve na problema natin oh. May mag-aayos na satin.” Sabay nguso naman nya sa katabi nyang bading.

“Hi dear. I’m Sandy. Ako at ang mga kasama ko ang bahala sa inyo. I’ll make sure na mapapaganda namin kayo ng bongga.” sabay beso pa nya sakin.

“Sikat na make-up artist yan teh. Sweet talaga ni Papa Jacob. Sya nagdala sa kanya dito eh para tulungan tayo.” Dagdag pa ni Beki. “Tara na at matagal na ayusan pato.”

Kakatuwa talaga tong si Jacob. Naisip pa nya talaga kami at nag-effort na magdala ng make-up artist dito. Pumasok kami sa isang room na kami lang talaga ang nasa loob. Naghihintay na dun sa loo bang iba pang mag-aayos samin na kasamahan ni Sandy. Talagang pinaghandaan din ni Jacob pati ang lugar na pag-aayusan namin.

Bigla ko naman nakapa ang bracelet sa braso ko. Napangiti na lang ako. Simula ng makita ko uli tong bracelet ko puro magaganda na ang nangyayari. Sana nga puro magaganda mangyari hanggang matapos ang araw na ito.

Sabay-sabay na kaming inaayusan ngayon. Mga expert nga talaga sila. Alam nila ang style ng buhok at make-up na babagay samin. Ang make-up na matagal k ng gusting iachieve eh maning mani lang sa kanila.

“Hi girls!” napatingin naman kami kay Jacob na syang nagbukas ng pinto. Kasama si Mark. Asan kaya si Lucas?

“Hi Jacob! Thank you ha!” sabi ni Beki habang nakatingin kay Jacob mula sa salamin. Inaayusan parin kasi kami hangang ngayon.

“Oo nga Jacob. Salamat talaga.” Sabi ko naman ng nakangiti.

“Anything for you Cris.” Sabay kindat pa. Aw naman. Ang kyot ng kindat nya. Haha!

“Babe napakaganda mo talaga.” Pambobola naman ni Mark kay Anna.

“Panget ka lang.”mahinang sabi ko.

“Anong sabi mo?” tanong naman bigla ni Mark. Lakas pandinig sa salitang panget ah.

“Sabi ko Pacute ka masyado kay Anna. Baka langgamin pati kame.” Bahagya naman nya akong inirapan. Umiirap ang loka?!

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon