10: I'ts complicated

1.7K 56 15
                                    

(a/n)

Due to insistent public demand( actually isang tao lang ata hahaha), here's the new chapter...Salamat sa mga bumabasa at nagvovote kaya hindi sya nawawala sa top 50 ng what's hot!

10: I'ts complicated

Cris POV

Success! I'm so happy!

Dahil sa mga matatalino kong kagroupmates eh kami ang nabigyan ng perfect score ni sir sa project namin. Last day namin ginawa yun pero kinabog ng project namin ang sa iba naming classmates. Ang galing pa magpresent nila Lucas at Jacob. Buti na lang sinalo nila ang  kabobohan ko.

Pero may nacontribute din naman ako sa project namin eh. Bukod sa muntik ko ng pagsira sa ginawa nila eh may naging parte naman ako sa presentation kanina.

Ako lang naman ang in-charge sa introduction.

(flashback)

"Good Morning class. We are the group 3. We will be presenting our project. Thank you."

(end)

Oh diba may part ako. Winner! Wahahaha!

Dahil dyan ay hindi ko na poproblemahin pa ang grade ko sa subject ng adviser namin. Woohoo!

So far medyo nakakasunod naman kami nila Anna at Beki sa klase. Career kung career talaga pag rereview namin halos gabi gabi para hindi naman kami maging bottom sa klase. Malapit na samin mga inspirasyon namin kaya kelangan magpursige. Baka maturn off pa sila lalo pag shushunga shunga kami.

Kahit hindi ko magets kung aasa parin bako kay Baby Lucas o hindi eh paninindigan ko parin tong one sided chorna ko sa kanya. Umasa lang ng umasa. Libre pa naman tumingin sa kanya eh. Ginusto ko to saka hindi na one sided yung tawag dito kung mutual feelings diba. Two sided na, back to back. Charot! Ang importante ay nakakausap at nakakasama ko na sya ngayon unlike before na stalker mode talaga ako para lang makita siya. Mas naglevel up pa dahil nakafirst base nako. Wahaha!

Happy din ako dahil bukod kina Anna at Beki eh nadagdagan ang circle of friends ko. Si Sean na pinagtatanggol kami at parang tinuturing kami na tropa din nila. Si Mark din na kahit ayaw kong tanggapin eh wala na akong choice dahil boyfriend sya ni Anna. Dagdag nyo pa ang pakikipagbati ni Bart at syempre hindi mawawala si Jacob na ever nakilala ko ay napakabait sakin.

Mukhang magandang alaala ang ibibigay sakin ng huling taon ko sa highschool. Sana lang ay hindi nako guluhin pa nila Chelsea at Bea para mas happy ang ending ng year nato.  >___<

Nagsimula narin kami mag join mg clubs at as usual, hindi parin ako makapasok sa Top Club. Yan ang nag-iisang club na hindi ko ma achieve dahil sa grades ko. At least, sa ibang clubs na kasama si Lukie ay andun din ako, yun nga lang kasama na din ngayon dun si Bea. Lukie, as in Lucas. Parang name lang ng pet haha.

"Class malapit na ang foundation day. Each section has to present a performance either singing or dancing. Lahat ng magparticipate ay may plus 20 sa periodic exam then pag nanalo kayo ay lahat ipapasa ko." Sabi ni Ma'am Sardins na excited mag balita. Siya ang teacher namin sa P.E. Lydia talaga name nya. Muka lang kasi syang isdang naipit kaya Ma'am Sardins as in sardinas. LOL

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon