14: In Denial King

1.9K 54 15
                                    

Cris POV

'Mianhae...mianhae.. Kajima....'

(sorry, dont go)

Napabalikwas ako sa pagkakatulog kanina habang sinasabi yan. Yan lang ata ang naaalala ko sa panaginip ko kanina. Yan lang pero tumatak sa isip ko. Hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako  paggising ko. Nakita ko kasi ang bespren ko na si Lucas sa panaginip ko. Hindi nya ako pinapansin sa panaginip ko at nakatalikod lang. Galit siguro sya sakin kasi nasira ko yung bracelet. Dapat kay Chelsea sya magalit eh tutal sya naman nakasira nun.

Isa pa tong si Lucas na kinahihibangan ko. Napapadalas na pambubwisit nya sakin. Naiinis na talaga ako sa kanya. Ni konting simpatya kasi wala ako makuha sa kanya. Mas malamig pa sya sa yelo. Kung lage nya lang ako lalaitin eh di fine. Magsisisi din sya sa huli.

Maaga kami ni Anna gumising ngayon kahit sabado para pumunta sa school. Hindi kasi ako mapakali hanggat hindi ko nahahanap yun. Hindi na nga kami nagbreakfast sa bahay eh. Hahanapin ko pa kasi yung pendant. Sana hindi pa tinapon ng janitor yung pendant ko kundi si Chelsea ang itatapon ko sa dagat!

Dahil sa inistorbo ko ang pagtulog ni Anna kanina para magpasama sa school ay kelangan ko pa sya ngayong ilibre. Dahil sa nakakahalina ang itsura ng poster ng hotcake nila eh dito na naisipang magpalibre ni Anna. Dapat pala nagbreakfast na lang kami sa bahay. Ganun din eh. Napagastos pako.

"Mario gusto ko yung happy meal ah. Maghanap nako upuan ikaw na mag-order." ayus diba. Ako na nga manlibre ako parin ang nautusan. May nalalaman pa kasing happy meal tong si Anna eh. Hilig mag ipon ng mga laruan ng mcdo.

Hindi na lang ako umimik at pumila na sa counter. Aga aga haba ng pila. Buti na lang at mabilis yung crew na napilahan ko kaya mabilis andar ng pila. Ilang saglit lang eh pangalawa nako sa pila. Kung kelan ang lapit ko na eh saka naman ako lalong natagalan. Ang tagal naman ng order netong lalaki sa harap ko. Rinig kong limang happy meal binili at kung anu ano pa. Anong meron sa happy meal ngayon at bentang benta.

Napadikit ako ng bahagya sa likod ni kuyang nag-oorder at na mesmerize naman ako sa amoy nya. Ang bango ng likod ni kuya. Yung tipong kahit pawisan mabango parin. Parang tinatawag ako para sandalan sya. Mmmm.

.

.

"Good morning ma'am. Order po." napadilat ako bigla sa boses ng service crew. Ako na pala. Masyado kong ninamnam ang bango ni kuya. Hehe.

"I-isang hotcake, hot choco and happy meal yung burger and harshbrown. I mean hashbrown." harsh talaga?

"Anong toy ng happy meal mam?" sino nga ba mga member ng starwars? ang layo ng poster hindi ko makita.

Ah yung maliit kilala ko yun. Nagclear muna ako ng lalamunan saka nagsalita.

"Yung si ano...si Yoga."

Tinignan lang ako ng service crew for few seconds at halatang nagpipigil ng ngiti.

"Ah si YODA mam? Okay po." Yoda nga.

Yoda? .....Hindi Yoga? T_____T

Parang gusto kong isiksik sarili ko sa lagayan ng straw sa pagkapahiya ko. Ehhh ano bang bago. Lage naman akong ganito.

"Psh..ungas." narinig ko namang reak ni kuya na nasa gilid ko pa pala at hinihintay ang order nya. Lakas makareak eh. Tinignan ko naman sya and guess what...who pala.

Sa dinami daming mcdo outlet sa mundo talagang dito din sya bibili. Lakas nya makasabi pa ng ungas. Inirapan ko lang sya at nagpatay malisya na lang. Kaimbyerna, aga aga.

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon