15: Sayaw Tsubibo

1.5K 56 7
                                    

(a/n)

Sarreh for the late update. work mode lang ^______^

---------------------

Cris POV

'blag'

Napadilat ako bigla sa kalabog na narinig ko. Ano yun? Teka, asan pala ako. Nakahiga parin akong tinignan ang paligid ko. Nasa kwarto lang na pala ako.

Sinubukan ko bumangon pero sumakit bigla ulo ko. Eto nanaman ang hang over.

Ilang araw nako umiinom pero kagabi lang ako nalasing ng sobra. Hindi ko nga alam kung pano ako nakarating dito. Paano nga ba? Kinapa kapa ko ang buong katawan ko. Buti naman. Mukhang kumpleto pa naman ako. Huli ko na lang maalala eh yung kumakanta kami ng hot issue. Waaah! Sana hindi naman ako nagkalat dun.

In fairness nakapantulog nako ah. Hmmm. Malamang si Anna nagbihis sakin.

'tug'

May narinig naman uli akong kalabog. Ano ba yun? Teka baka si Mark nanaman tong nakapasok  sa kwarto ko ah. Kinuha ko naman ang plastic baseball bat sa gilid ng higaan ko. Niready ko na talaga to para sa kanya in case magkamali na naman sya ng pasok.

Dahan dahan akong umupo sa kama ko para malaman kung ano ba yun. Nilingon ko ang buong kwarto ko pero wala namang tao.

Napatingin uli ako sa harap ko at napansin ko naman ang parang isang anino sa likod ng maliit kong cabinet na nakapwesto sa paanan ng kama ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa baseball bat. Kinabahan tuloy akong bigla.

Napalunok na lang ako at unti unting dumungaw.

"NYAAAAAAH!" sigaw ko sabay hampas sa mukang monster na nilalang na nakita ko. Kung halimaw man to eh tama lang na hambalusin ko to. Hindi nako makapagisip ng matino. Kung sakaling si Mark nanaman to eh tama lang din mahampas sya.

"WAAAAAAH!" tuloy kong pagsigaw habang nakapikit at pinapalo parin sya.

"Aray naman!" napatigil naman ako ng magsalita ang halimaw. Nagsasalita so tao to? Si Mark nanaman ata to.

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko para tignan sya. Mukhang nasaktan talaga sya. Buti nga. Eh bakit ba kasi sya nakacostume eh hindi naman na kelangan pa.

Lumakad sya palayo sakin na mukhang asiwang asiwa.

"Ano bang klaseng babae ka?! Papatayin mo bako?" sabay tanggal nya ng costume nya. Ooops!

Sobrang talim ng tingin nya sakin ngayon na parang lalamunin na ako ng

buhay. Para tuloy akong naging maamong tupa bigla dahil sa sama ng tingin nya.

Teka..ako dapat ang magalit in the first place. Ano bang ginagawa ng Lucas nato kasi dito?!

"Shit." dagdag pa nya habang inaayos ang buhok nyang nagulo. Shit? Ako shit?

"Anong shit?! HINDI AKO TAE!" nabigla naman sya lakas ng bulyaw ko sa kanya kaya napaupo sya sa study table ko.

"Hay tanga talaga. Tss." at umiiling iling pa sya ngayon. Makatanga lang ah.

"Lam mo ba na pwede kitang kasuhan for physical injuries ha. Tignan mo nga." sabay turo pa nya sakin ng namumula nyang braso at noo na parang bata. Ang cuuute. Ay letse nu ba yan!

"Excuse me lang ha. Self defense po ang tawag sa ginawa ko. At kung kasuhan lang eh I can prove myself not guilty. And you?" sabay lapit at duro ko pa sa kanya. "Baka ikaw pa makulong for trespassing and attempted rape!"

Napatulala naman sya sa sinabi ko. Totoo naman eh. Ano bang pinunta nya dito kung hindi dahil dun. Unti unti namang nagform ang ngiti sa kanyang mga labi.

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon