6: Haba ng Hair

2.3K 66 21
                                    

( a/n)

Salamat po sa paghihintay sa chapter nato. Thanks for supporting! :)

Lucas POV

Talagang may kakaibang nangyayari sakin tuwing nasa paligid ko tong si Mario eh. Para akong nasa accident prone area tuwing makikita ko sya.

Akala ko nung una coincidence lang na madalas ko sya makita kaso iba na to eh. Nadadamay pati ako sa kamalasan pa nya. Pano ba naman, madalas ko syang makita kung san andun ako.

Halos lahat ata ng clubs na salihan ko since 1st yr high andun sya eh.

Sa Top Club lang talaga sya hindi nakapasok. Bilib nako kung makita ko pa sya dun ah. Malamang eh mga matatalino lang kasi makakasali dun hehe.

Malabo namang may gusto sya sakin, hindi naman nya ako pinapansin o kinakausap. Madalas tulala lang sya. Wala sa sarili.

Basta kung ano anong kamalasan nakukuha ko pag nakikita ko sya.

Bigla na lang sumusulpot bigla. May sa kabute ata yon. Dagdag pa yung nangyari nung nakaraan ng bumili sya ng saging. Napadaan lang ako tapos nadamay pako. Ako pa nagbayad talaga.

Tapos kahapon, nagmamadali akong pumunta sa labas ng school para kunin yung pinadeliver ko na gadget kaso bigla ko namang nakita si Mario na matutumba na sa corridor kaya dinala ko pa sya sa clinic. Hindi ko tuloy naabutan yung walang pasensyang delivery boy!

Ngayon naman, ok na eh. Kala ko makakapagtago na ko sa car ni Sean kaso biglang may baliw na ginawang salamin yung bintana ng kotse. Kala ko saglit lang eh kaso nag acting acting pa sya. At nag ayos pa ng bra! Hindi ko na kinaya kaya napilitan na lang akong lumabas ng kotse.

Kung hindi ko lang sya naging kaibigan kinutusan ko na to eh. Kung ano ano pinagagawa. Kung kani- kanino din sumasama napaaway pa tuloy ako.

At dahil nga sa malas na babaeng yon eh andito pa tuloy ako sa stage at naka spotlight pa. Tss.

"He's my boyfriend, Lucas dela Torre."

Singing Wait for you by Elliot Yamin

Napasubo na ako. Makakanta na lang ng matapos na to.

As expected, puro tilian nanaman ang narinig ko. Halos hindi ko na marinig yung music dahil sa kanila.

Nanuod din pala si Mario ngayon. Ayun, tulala nanaman sya habang nakatingin dito sa stage. Problema neto.

Parang malungkot sya na ewan. Siguro may naalala sya sa kanta ko. O baka naman naalala na nya ako? Malabo pala yun, tanga to eh.

Sa kanya lang ako ngayon nakatingin. Na curious ako kasi muka syang tangang tulala. Sya lang hindi tumitile eh. Damang dama ata yung kanta ko. Hehe!

Maya maya eh bigla na lang may humila sa kanyang lalake palayo dun. Nagpadala naman sya. Siraulong babae talaga!

Eh ano bang pakialam ko di ba.

----------------------------

Cris POV

"Oh Trixie! She's my girlfriend, Cris."

Ano yon? Tama ba narinig ko, girlfriend daw nya ako?

Ano to parang noodles, instant?!

"What are you saying? She can never be your girlfriend! That's crazy."

We know right! Maka english naman tong babaeng to. Kasi naman, ano ba pumasok sa utak ng mokong na to para sabihing girlfriend nya ako. Nagkasyota ako ng hindi ko alam eh. Well ngayon alam ko na. At eto ako ngayon, shock pa.

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon