3: Leche Flan naman!

2.4K 67 15
                                    

Cris POV

Ang daming kakaibang ngyayari sa mundo ngayon. Sa isang iglap lang eh sunod sunod na ang mga pagbabagong nagaganap sa paligid ko. Parang bigla nalang naging makulay ang buhay.

Una, sa wakas eh nagkaroon din kami ng moment ni Lucas (di nga lang maganda naging setup).

Second, napunta ako sa SECTION 1!. Isipin mo yun? Kung kelan last year ko na eh saka lang naisip ng school na to ireshuffle kame.

Tapos, may transferee na may gusto sakin na humaplos pa sa muka kong virgin!..(assuming??) At take note....classmate ko pa pala ang mokong...

Pero hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko yung lalakeng tumulong sakin kanina. Feeling ba? Eh kung hindi sya yung tumulong, sino naman?

Wish ko lang eh wala ng mga panget na bagay na mangyari sakin. Pwede bang yung masaya?! At utang na loob sana wala ng tumawag sakin ng MARIO!!!

=================================

Kasama ko ngayon ang dalawa kong bff sa canteen. Halos mapuno kasi naman ginawang tambayan ng iba.

Pumila muna kami para bumili ng pagkain.

"Ano po to?" sabay turo ko dun sa chicken na may sauce.

"Ah chicken yan."

Haller!!! Talino mo ate ha. Malamang chicken yan diba!

"Chicken yan na may sarsa" at talagang ayaw ni ate paawat ha. May additional info pa. ASTIIIIIG! Muntik nakong mapaface palm dun eh.

"Ahhh. Etong fried chicken na lang

saka extra rice." yun na lang binili ko baka kasi hindi nako makapagpigil sa kanya eh.

"Te sakin naman isang chicken na may sarsa nga. Saka etong pork na may sabaw :)". Isa pa tong si Beki. Tataba ng utak.

(-_-')

Pagkatapos namin bumili eh naghanap na kami ng mauupuan.

"Girls dun tayo oh! May cute na kasama sila Sean at Lucas! Sino kaya yun? Tara dali!" laki ng ngiti ni Anna ng sinabi na nyan.

Tinignan naman kagad namin ni Beki kung sino yun. Napanganga na lang kami. Hindi pala yun sino kundi ano! Hindi mukang tao eh. Hahahah! Grabe mamintas dibah kala mo naman kagandahan.. ehehe!

Nakita naming pwesto dun sa tabi ng paboritong spot nila Lucas.

Actually, yung mga fans nila Lucas and Sean ang nagdeclare na spot nila yun kasi dun una nilang nakita na umupo dati sila Lucas kaya simula nun, no one can seat there ever kung hindi e gegyerahin ka nila!

Papunta na kami dun sa eh kaso bigla nalang umentra ang Chelsea and friends. Mga echusera!

"Ooops..bawal dito panget." pagsaway samin ng kasama ni Chelsea. Kala mo naman kung sinong maganda. Kung hindi lang sya maputi kamukha na nya si Kiray eh.

Buti nalang may umalis na dun sa likod nila Lucas kaya nakaupo na rin kami after long wait.

"Dito nalang tayo mga sisters, amoy parin naman natin sila Papa Sean dito sa likod. Dagdag ulam din yan..heheheh!" kras na kras kasi din ni Beki yang si Sean. Nga pala, hindi po bakla si Beki..parang bading lang.

As usual magkasama si Lucas at Sean at isang unknown guy. Hindi kasi pogi kaya WAPAKELS! Makalait talaga..hehe. Sya lang naman yung type ni Anna. Iba din taste ng babaeng to.

Ganito bale ang pwesto...

panget Lucas

table

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon