CHAPTER 17 BAKIT BAWAL BA?

332 17 0
                                    

"Anianette hija ito na yung ipinapa balot mo" sabi ni yaya pagkatapos ay ipinatong ang ireregalo kong bag kay Engineer Acosta nakabalot na ito ngayon sa isang gift wrapper.

"Sige po ya Mels salamat po" tumingin ako sa salamin habang patuloy na inaayusan Ang sarili.

Lumabas na si yaya sa kwarto habang ako naman ay nag lalagay ng pulbos sa muka at lip gloss sa labi.

Hindi naman sinabi kung anong susuotin so i'm just wearing a gray polo shirt  and a ripped jeans nag suot na lang din ako ng puting sapatos.

Inayos ko ang buhok ko at kaagad akong napatingin sa aking wrist watch
6:40pm na pala

Kaagad kong inabot ang itim kong shoulder bag para lagyan ng wallet at cellphone habang nasa kaliwa ko namang kamay ang regalo.

"Mom! Dad! aalis na po ako" pagpapaalam ko sa kanila nanonood sila sa sala habang naka upo sa couch.

"Sige anak ingat, kaya mo na ang sarili mo siguro naman ay alam mo na ang mga Ginagawa mo kung tama bao mali" Sabi ni dad

"Opo dad" tumawa ako.
"Sige anak ingat" si mom habang nakatingin sa tv

"Hindi po ako dito uuwi mamaya sa condo ko po ako matutulog" pagpapaalam ko.

"Sige ingat ka Ania" si mom

Lumabas ako papunta sa gate para duon mag abang sa sasakyan ni Jeremy.

Maya-maya pa ay may itim na van na akong natanaw.
"Hop in miss" si Jeremy habang naka ngisi
Tumawa ako " gwapo natin ah"

"palagi naman" pagmamayabang n'ya

Binuksan ko ang pintuan ng van at kaagad na pumasok.
"Susunduin pa natin sina Lucas, Allen, James at si Yen sa bahay nila" Jeremy said while holding the steering wheel.

"Sige" nag swipe ako sa cellphone ko at isinandal ang ulo sa bintana.

"Bakit hindi ka dito sa shotgun seat umupo?" He asked

"Wala feel ko lang ma dito umupo" Sabi ko
Tumawa sya.

"Kayo ba ni Boss?" Tanong nya
"Ha? Hindi ah..." Isinandal ko ang ulo ko sa bintana habang nakatingin sa daan "mukang di pa nga nakaka move on sa ex eh" Sabi ko

Napa "tsk"sya

"Ang tagal na din, Mahal na mahal n'ya kasi si Megan e" he said in s serious tone halatang concern na concern sya sa kaibigan n'ya.

"Ilang taon sila?" Tanong ko

"6 years mag se-seven na sana" bumuntong hininga sya. "at sana ay mag pro-proposed na sya kay Megan."

Tumango ako at ngumiti ng mapait.
"Ang akala ko nga ay sila na ang forever para sa isa't isa eh kaso nung nag hiwalay sila napatunayan na Wala talagang forever" ngumisi sya at tatawa-tawa

"Ikaw ba? Nagka girlfriend ka na?" Seryoso kong tanong
"O...oo" ipinilig nya ang kaniyang ulo " nag break din kami after 2 years"

I pursed my lips and smile sadly.
"Nung time na nag break kami maraming nawala, siya... nawala sya sa'kin including my YouTube subscribers my followers nawala lahat pero may mga kaunting fans pa rin naman...pero hindi na same as before"

"Kaya mo yan, dami mo pa nga rin na reactors e tapos engineer ka na ayos na din naman Ang buhay mo kaso ume-edad ka na e wala ka pa ring love life" tumawa ako at tumingin sa cellphone ko.

Sakto namang tumigil kami sa isang kanto nakita kong papalapit si Allen at Yen sa sasakyan.
"Yo pre! Gandang gabi naman sa'yo" bungad kaagad ni Allen pagka pasok sa loob.

Just One Summer|COMPLETED|UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon