CHAPTER 13 THE HANGOUT

359 18 0
                                    

"Yaya?" Nakita ko kasi syang nagluluto.

Tumingin lang sya sa'kin at ibinaling na ulit ang tingin sa niluluto
"Diba yaya sabi ni mom sa inyo day off ka muna dahil sa kamay mo?" I asked

"Naku hija kaya ko namang magluto" dispensa naman ni yaya.

Lumapit ako sa kan'ya at tiningnan ang niluluto nya.

"Wahh! Adobo" i said "para kanino yan yaya bakit ang dami?" Tanong ko

"Kay Engineer Leviste yung kalahati sa'yo 'yung matitira" Yaya Mely siad while still cooking

"Ay yaya ah? Favoritism na rin kayo?" Tanong ko sa nagtatampong boses

Tumawa si yaya.
"Hindi gusto ko lang magpasalamat kay Engineer Leviste" Dispensa n'ya

Sumimangot ako habang nagtitimpla ng kape.

"Ya?Bumili Po ba si yaya Betty ng Pandesal?" Tanong ko habang nagtitimpla

"Oo kakaalis lang ni Betty Bibili daw sya ng pandesal".

"Hindi ka nag jogging ngayon hija?" Tanong ni Yaya
"Wala ako sa mood ya" I said and pour a hot water on my coffee

Tumango lang si yaya sa'kin habang patuloy pa ring naghahalo ng adobo sa kawali.

Lumabas ako papunta sa garden ni Mommy sa likod ng bahay may upuan din do'n.

Tulala lang ako habang nagkakape i don't know kung gawa ba ito sa puyat.

"Ma'am ito na po ang pandesal" nagulat ako nang magsalita si Yaya Betty.

"Yaya nakaka gulat naman kayo" sabi ko at bahagyang tumawa tinanggap ko yung pandesal na nakalagay sa paper bag.
Ngumiti ako kay Yaya Betty at iniwan na n'ya ako ro'n.

Medyo madilim pa ang kalangitan pero sumisikat na ang araw.
Nakatingin lang ako sa mga halaman ni mommy habang nainom ng kape.

Lulu?
Lulu? Damn it? What kind of name is that?

Tumayo ako dala ang paper bag at mug.

"Dad!" Tawag ko balak kong hiramin ang kotse n'ya wala akong service.

"Bakit?" Tanong nito habang nababa ng hagdan
"Can I borrow your car?" I asked him

"Why?" Tumaas ang kilay nya sa'kin
"Nasira yung kotse ko dad wala akong sasakyan papunta sa office" inilapag ko ang tasa at paper bag sa lamesa ng dinning table.

Tumango s'ya sa'kin.

"Nahanap nyo na 'yong susi dad?" Tanong ko

"Ay!'yon nga pala ang nakalimutan ko!" Napahawak sya sa ulo nya " Hindi ko matandaan kung saan ko inilagay".

"Wala ba sa kwarto n'yo?" I asked

"Wala hinanap na ng mommy mo do'n pero wala" Sabi nya

"Try mo hanapin sa garage" he said

So i immediately went to our garage.

Hindi naman makalat sa garahe pero medyo madilim.

Hinanap ko sa mga sulok-sulok at Mga gilid gilid ng garahe pero wala hanggang sa may nakapa akong box kinuha ko iyon napaubo ako dahil sa gabok nito medyo mataas ang kinalalagyan ng kahon.

"What's this?" I asked to myself
Binukasan ko ang kahon at tumambad sa'kin ang isang pares ng tsinelas kulay black na may spider man na design.

I laugh.
"Kay kuya Gio siguro ito" Ibinalik ko yung box sa kinalalagyan nito at pumunta sa loob ng kotse kinapa ko sa baba ng kotse kung may nahuhulog

Just One Summer|COMPLETED|UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon