CHAPTER 22 MEMORIES

315 14 0
                                    

["Hello Anianette gusto kang kunin ni Ma'am Alcantara sa pagdidisenyo ng bago n'yang coffee shop"]

"Sino yun Jeremy?" Tanong ko

[" Ini-recommend kita sa kan'ya e sabi ko magaling ka"]

"Gagi? sabagay na settle ko na naman ang schedules ko maayos na rin naman,summer next month!"

["Vacation is waving! .... so i gave her your contact number is that okay with you?"]

"Ofcourse Pakisabi na libre ako,every time"

[" Sige baka mamaya i message ka nya"]
"Thanks!" Sabi ko sa kan'ya

["Don't thank me, sige bye take care"] he said
"Sige take care" sabi ko at pinatay ang linya

Sumandal ako sa swivel chair habang hawak ang ballpen.

It's been 2 months since last kaming mag kita ni Lucas balita ko ibinenta nya ang condominium nya,we're workmates but hindi namin nakikita ang isa't isa nagkakasalisihan kami kumbaga.

Hindi ko pinalampas ang pang ha-harras na nangyari sa'kin, nagsampa ako ng kaso sa demonyong matandang lalaki na iyon, sobrang galit na galit ako pinagsama ko na ata ang galit ko kay Lucas at galit sa matandang tigang na 'yon.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko.

Unknown Number:
It's Lucretia Alcantara, Architect Anianette Caniego 9am at Kapelcantara coffee shop, sharp thanks.

Me:
Sure ma'am thank you

Kinabukasan, maaga akong naligo at kumain sa condominium ko na ako kadalasang nag s-stay dahil sa hectic na schedule at trabaho nitong mga nakaraang buwan.

Pagkarating ko sa Kapelcantara isa pala ito sa mga branches ng coffee shop nila dito sa Manila.
Umupo ako at inintay si Ma'am Alcantara hindi muna ako nag order ng kape dahil may iniintay ako.

"Good morning, ikaw ba si Anianette Caniego?" Tanong ng isang babae at hinila nag upuan sa harapan ko

"Yes ma'am im anianette Caniego" I said and smiled at her
"Oh well, what a small world Architect Caniego by the way i'm Lucretia Alcantara just call me Ate LC for short" she gave me a genuinely smile and stretched her arm for a shake hands kaagad kong tinanggap iyon at ngumiti ng malapad.

"Kayo po pala ma'am"
"Sige order ka muna before we discuss the plan about my new coffee shop gusto ko kasing maging sobrang ganda no'n gusto ko iyon yung pinaka magandang coffee shop sa lahat ng branches ko" she chuckled

"Ofcourse ma'am we will going to do that" ngumiti ako at umorder na lang ng kape na sa tingin ko ay masarap naman.

"Just call me ate LC" Sabi nito at umorder din ng kape.

"How old are you?" She asked me

"I'm 25 ate" Sabi ko
"You're....young" she said

"Ang tanda ko na nga po e" tumawa ako

"Kayo ate LC how old are you?" Tanong ko

"I'm 36 years old right now happily married i have 2children"

Tumango ako "You're happy and contented na po ate as i see" I said

"Yes, i tell to my younger brother to manage my coffee shop but he doesn't want to" she chuckled while explaining "Hindi nya daw kasi alam i manage ang coffee shop ko baka daw pag ipinaubaya ko sa kan'ya ay malugi at malubog sa utang, stupid" paliwanag nito na tila aliw na aliw sa nakababatang kapatid.

Tumawa ako.
Nakipag chikahan pa muna s'ya bago namin i discuss ang plano gusto nya daw yung nature yung theme medyo vintage na parang sinauna Ang dating.

Just One Summer|COMPLETED|UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon