"Hay! Napagod ako dun." Sabay upo ni Halmin pagkapasok sa kanilang kubol
"ina, gusto mo bang ikuha kita ng tubig?"
"hindi na anak, oh kumusta ang bago mong kaibigan?"
"heto ina, mukhang nasanay agad sa aking balikat, ha ha ha!" masiglang hinawakan ni Daffodil ang pakpak ng alaga
"oh sya, meron tayong sapin sa loob ng lalagyan ng ating damitan, isapin mo ito sa tabi ng iyong higaan at dun mo pagpahingahin ang iyong bagong kaibigan" utos ni Halmin
Sinunod ni Daffodil ang utos ng ina, habang si Halmin naman ay tumanaw sa bintana na para bang may malalim na iniisip.
Maya maya ay lumabas na si Daffodil sa kanyang silid. Nakita niya si Halmin na nakatanaw sa may bintana. Dahan dahan syang lumapit sa ina at pagkatapos ay niyakap niya ito mula sa likod. Nagulat ng bahagya si Halmin at napangiti ng makita ang anak na nakangiting nakatingin sa kanya.
"ina, ano po ang iniisip mo?"
"wala naman, masaya lang ako at andyan ka, napakaswerte ko na magkaroon ng isang makulit na anak!" sabay kiliti kay Daffodil
Nagkulitan at nagkilitian ang mag ina. Naglarong parang mga bata.
"oo nga pala, kumusta ang pagsasanay mo?"
"okey naman po ina, kaso totoo po bang aalis ako dito sa lugar natin at maninirahan sa mundo ng mga tao?"
"yun nga bumabagabag sa isip ko anak, ayaw ko sana mapalayo sa iyo ngunit yun ang nakatakda..... hayaan mo, pagdumating ang oras na iyon, dadalasan ko ang pagpasyal sa iyo" sabay yakap sa anak
"ina, may itatanong lang po sana ako sa iyo"
"ano yun?"
"yung tungkol po kay Prinsesa Miseya, bakit hindi ko po sya nakikita? Asan po sya?" umayos ng upo si Daffodil na para bang naghahanda sa pakikinig ng mahabang kwento
"ikaw talagang bata ka, lahat nalang gusto mong malaman, siguradong kapag hindi ko sagutin yang mga tanong mo ay mangungulit ka lang ng mangungulit." Nakangiting tugon ni Halmin kay Daffodil
"makinig kang mabuti para masagot lahat ng katanungan mo at hindi ko na uulitin sa iyo ang sasabihin ko...maliwanag ba?"
"opo ina!" nakangiting tugon ni Daffodil
"natatandaan ko, nung panahong andito pa si Prinsesa Miseya, pagbukas mo ng pinto o ng bintana ay halimuyak ng mababangong bulaklak ang sasalubong sa iyo, palatandaang nag-iikot na ang Prinsesa. Sya ang makapangyarihang diwata sa buong kaharian o sa lahat ng diwata sa buong mundo, mas makapangyarihan kesa kay Reyna Bethania. Isang araw, habang naglilibot ito sa kagubatan upang siguruhing ligtas ang lahat ng nilalang-hayop man o halaman, diwata o tao, ay may nakita syang isang lalaki na walang malay na sugatan sa pusod ng kagubatan. Nagpanggap si Prinsesa Miseya na tao at kinupkop ang lalaki. Inalagaan niya ito hanggang bumuti ang kalagayan. Ngunit sa paglipas ng mga araw na sila ay magkasama, sa hindi inaasahang pangyayari, si Prinsesa Miseya at ang lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay Anton ang pangalan nito, ay naging magkasintahan. Ang lahat ay nagulat lalo na si Reyna Bethania."
"Si Prinsesa Miseya ang nakatakdang maging reyna noon, ngunit mas pinili niya si Anton at tinalikuran ang pagiging reyna at isinuko sa kanyang kapatid ang kaharian ng mga diwata. Isinuko niya ang lahat ng kapangyarihan sa baton na hawak ni Reyna Bethania na syang ikinagalit nito. Dahil sa ginawa ni Prinsesa Miseya, pinaalis siya ni Reyna Bethania sa kaharian ng mga diwata. Bilang dagdag na kaparusahan ay tuluyan ng nawala ang kanyang kapangyarihan at kasabay na nawala ang lahat ng kanyang alaala bilang prinsesa at diwata. Mula noon, nagbago ang takbo sa buong kaharian, ang halimuyak ng mababangong bulaklak ay bibihirang maamoy sa kapaligiran. Kung noon ang lahat ay matiwasay na namumuhay, walang binibili-paglabas mo ng iyong kubol ay may makikita ka nang sumisibol sa usbong na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng diwata, ngayon ay hindi na, ang lahat ng diwata ay kailangang alagaan ang kanyang hawak na elemento upang maglabas ito ng kapangyarihang liwanag upang makabili ng makakain. Parang tao, kailangan mong magtrabaho para may kitain kang pera at may pambili ka ng pagkain at iba pang pangangailangan."
"ina, anong nangyari kay Prinsesa Miseya?"
"walang nakakaalam, mula ng nangyari iyon ay mahigpit na pinagbawal ng Reyna ang alamin ang kalagayan nito at kung sinuman ang lumabag sa utos na ito ay tatanggalan ng kapangyarihan at gagawing tao"
"may sumaway ba sa utos na iyon, ina?" tanong ni Daffodil
"oo, yung matalik na kaibigan ni Prinsesa Miseya, si Tremil ang diwata ng Bulkan na ina ni Pirnahe (ang diwata ng apoy)"
"Nahuli ni Reyna Bethania si Tremil na lihim na sumusubaybay sa kanyang matalik na kaibigan sa mundo ng mga tao at palihim na tinutulungan ang magkasintahan. Hanggang dumating ang panahon na si Prinsesa Miseya at Anton ay naging ganap na mag asawa sa mundo ng mga tao. Sa galit ni Reyna Bethania ay ginawang tao si Tremil at tinanggalan ng kapangyarihan bilang diwata maliban sa mga alaala nito. Nanatili sa isip nito kung sino siya at kung saan sya nagmula, ngunit ang kanyang alaala sa kanyang anak na si Pirnahe ay binura ng reyna, kaya hindi niya kilala si Pirnahe"
"alam po ba ito ni Pirnahe? Ang nangyari sa kanyang ina?"
"alam ni Pirnahe na pinarusahan at naging tao ang kanyang ina, ngunit sanggol pa ito noong pinaalis ng Reyna si Tremil kaya hindi nito alam ang hitsura ng kanyang ina. May mga pagkakataon din na madalas tumatakas si Pirnahe sa ating mundo at pumupunta sa mundo ng mga tao upang alamin kung nasaan ang kanyang ina. May mga pagkakataon na nagkakaharap na ang mag ina at nagkakausap ngunit hindi pa rin nila nakikilala ang bawat isa" Sandaling huminto si Halmin sa pagkwekwento at lumingon sa bintana.
"madalas nag aabang si Pirnahe sa dulo ng kagubatan, minsan pumupunta siya sa mundo ng mga tao. Alam ni Reyna Bethania ang ginagawa ni Pirnahe ngunit hindi na lamang niya ito pinapansin dahil kung si Pirnahe ay nangungulila sa kanyang ina, ang reyna naman ay nangungulila din sa kanyang kapatid."
"kawawa naman po pala si Pirnahe, ina. Bakit hindi po ninyo tulungan kung alam naman po pala ninyo ang nangyayari?" malungkot na tugon ni Daffodil
"Hindi maaari anak. Walang maitatago sa mahal na reyna. Kaparusahan ang kapalit ng pagsuway sa utos nito. Inuunawa na lamang ng Reyna si Pirnahe kaya hindi ito pinaparusahan. Nauunawaan ng reyna ang pakiramdam ni Pirnahe dahil ganun din siya."
Huminga ng malalim si Halmin at nagpatuloy sa pagkwekwento.
"si Tremil ay patuloy na naging matalik na kaibigan ni Prinsesa Miseya sa mundo ng mga tao. Maliban dun ay wala na kaming narinig pa tungkol sa kanya at kay Tremil, dahil bawal na sa mga diwata ang makisalamuha sa mga tao."
"bakit po ina?" tanong ni Daffodil na may pagtataka
"dahil umabuso ang mga tao, sinira nila ang kagubatan at nagtayo ng mga sementadong kabahayan at building. Pinatay ang mga puno, halaman at hayop. Nagulo maging ang ating kaharian, namatay din ang aking anak na noon ay sanggol pa. Hinding hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon. Nasa labas ako ng aking kubol at ang aking sanggol ay nasa duyan ng mga dahon. Biglang sumiklab ang apoy sa lugar ng mga diwata. Bilang diwata ng mga halaman ay kailangan kong pangalagaan ang kapaligiran, alam kong ligtas ang aking anak ng iniwan ko ito, ngunit ng humupa na ang kaguluhan at napatay na ang sunog ay nakita ko nalamang na sunog na ang duyan ng aking anak at wala na ito. Magmula noon ay naghintay ako at umasa na maibabalik ang aking anak, ngunit bigo ako. Marami ang nagsasabing patay na ang aking anak. Hanggang dumating ka sa buhay ko, ikaw ang binigay sa akin at tugon sa bulong ko sa langit." Naluha si Halmin sa sakit ng nararamdamang kalungkutan
Niyakap ni Daffodil ang kinikilalang ina. Hinaplos haplos ang buhok nito. At Hinalikan sa noo.
"ina, wag kang mag alala, nandito lang po ako. Ako na ang iyong anak at ikaw na ang aking ina, kahit mapunta pa ako sa mundo ng mga tao ay hindi hindi kita kalilimutan, mahal na mahal po kita" humigpit ang yakap nito sa ina.
Yakap yakap ni Daffodil si Halmin ng mapansin niya si Mayani na nakasilip sa gilid ng bintana.
BINABASA MO ANG
Diwatang de Kampanaryo
FantasyKaramihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa mga Diwata, ayon sa iba, ito ay kathang isip lamang, ngunit hindi natin kontrolado kung ano man ang meron sa ating paligid. Malay mo, sya pala ay nasa tabi mo lang .... pwedeng kaibigan, kaaway o tindera s...