Ang Kampana

168 13 5
                                    

Tok! Tok! Tok!

"Ate Odin, ate! si Nitoy po ito, Pinapatawag ka po ni Father Miguel sa may kusina...Ate!" 

Napadilat si Odin, tumingin sa pinto..panandaliang nag isip, tiningnan ang paligid, muling ipinikit ang mga mata, kinuskos ito gamit ang kanyang dalawang daliri sa kanang kamay. Muling idinilat ang mga mata, tumingin muli sa paligid..maya-maya ay naupo habang yakap ang isang unan na kinuha niya sa kanyang tabi.

"Hindi nga ako nananaginip, talaga palang nasa mundo na ako ng mga tao, anong gagawin ko kaya dito, pano ako magsisimula?" tanong ni Odin sa sarili

Tok! tok! tok!

"Ate! gising ka na po! ate!"

Naputol sa pag iisip si Odin at bumaba na sa kama. Iniayos ang kanyang pinaghigaan

"ate! ate!" nasa kabilang pinto parin si Nitoy

"Sige! susunod nalang ako, mag aayos lang muna ako dito" tugon ni Odin

"ate, nasa kusina po si Father Miguel, hinihintay ka po nya duon. Sige po, baba na ako!" 

Naririnig ni Odin ang mga yabag ni Nitoy papalayo sa kanyang silid

Pagkatapos mag ayos ng pinaghigaan. Pumasok siya sa loob ng palikuran. Tiningnan ng matagal ang sarili sa salamin, naghilamos, pinunasan ng twalya ang kanyang mukha na parang gustong burahin ang mga pagbabago dito. Tiningnan muli ang sarili sa salamin. Nag isip. Nagtataka dahil mukha siyang tumanda, mula sa edad na dose ay mukha siyang kinse (15) ngayon.

"Ano bang pagbabago ito" napabuntong hininga, isinampay muli ang twalya at lumabas na ng palikuran

Lumingon panandalian sa may kama, tiningnan kung maayos na ang kanyang pinaghigaan, lumakad papuntang  pinto ng silid at lumabas patungo sa kusina ng simbahan

Mula sa di kalayuan, nakita ni Odin si Nitoy na masayang kausap si Ante at Father Miguel. Nang mapansin siya ni Ante ay inaya siya nito na humarap na sa hapag kainan at sumabay sa kanilang almusal. Umupo siya sa tabi ni Ante, sumandok ng kanin habang nakatingin kay Father Miguel.

"Iha! huwag ako ang tingnan mo..natatapon na ang kanin na sinasandok mo" nakangiting puna ni Father Miguel kay Odin

Namula si Odin at nahihiyang itinabi ang mga natapong kanin

"Kumusta naman ang tulog mo, Iha?"

"Okey naman po father!" tugon ni Odin

"Nais sana kitang kausapin kahapon kaso mukhang pagod ka,  kaya hindi na muna kita ginambala sa iyong pagpapahinga." huminto panandalian si Father Miguel sa kanyang gustong sabihin kay Odin, humigop ng sabaw at muling tumingin ito sa kanya

"Iha, huwag mo sanang mamasamain, nais lamang kitang makilala ng lubos, okey lang ba na magtanong ako sa iyo ng mga bagay bagay patungkol sayo?" 

"Pasensya na po father, wala po akong maalala..ang tanging alam ko lang po ay ang ngalan ko at si Ante na kaibigan ko, maliban po dun, wala na po akong maalala" paiwas na tugon ni Odin at kapansin pansin sa mukha nito ang bumabalot na kalungkutan. Napansin ito ni Ante. Hinawakan nito ang kamay ni Odin. Napatingin si Odin sa kanya sabay bawi sa kanyang kamay

"Ganun ba iha, sige, huwag mo nang alalahanin iyon....  ipagpatuloy mo muna ang iyong pagkain. ..Mamaya nga pala, magtungo ka sa aking opisina, mag usap muli tayo tungkol sa kung anong gawain dito sa simbahan ang gusto mong gawin." Nagpahid ng  bibig si father at tumayo. 

"Mauna na muna ako sa inyo, maya-maya ay may darating tayong mga bisita" lumakad palayo si father

"May nararamdaman ka bang hindi maganda?" Nakatinging tanong ni Ante kay Odin

Diwatang de KampanaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon