ANG PAGHIHIWALAY

226 13 4
                                    



Tok! Tok! Tok!   muling kumatok sa pintto ng bahay ni Halmin ang mga Sanilo na naghihintay sa labas nito

Pinagbuksan ito ni Angihan  at pinapasok.

"Maupo muna kayo at tatawagin ko si Halmin" anyaya ni Angihan. Imbes na maupo ay nakatayo lamang ang mga ito sa magkabilang gilid ng pinto. Papunta na sana si Angihan sa silid ni Halmin ng....

"Tok! Tok! Tok!"   may kumakatok sa pinto ng bahay. Muling lumapit sa pinto si Angihan upang alamin kung sino ang kumakatok.

Pagkabukas ng pinto ay nakita niyang humahangos si Hanahay at may hawak itong maliit na patpat at  pusa sa balikat nito.

"Anong nangyari? May nakapagsabi sa akin na papunta na ang mga Sanilo dito upang sunduin si Daffodil." Hindi kumibo si Angihan, pagpasok ni Hanahay sa loob ng bahay ay nagulat ito ng makitang nasa loob na  pala ang mga Sanilo.

"Nandito na pala sila, nahuli ako ng dating" pabulong na sabi ni Hanahay kay Angihan.

Napansin ni Hanahay si Daffodil sa tabi ng pinto ng silid ni Halmin. Nilapitan niya ito at inayang umupo malapit sa bintana.

Si Angihan naman ay kumatok sa silid ni Halmin. Maya-maya ay pinagbuksan siya nito. Kitang kita ang pagdadalamhati  ng kaibigan dahil sa mugtong mga mata nito. Awang awa sina Hanahay at Angihan sa  mag-ina, ngunit wala silang magawa.

Mga ilang minuto rin na walang kibuan, nabalot ng sobrang katahimikan at kalungkutan ang paligid, maging huni ng ibon sa labas at ihip ng hangin ay di mo maririnig. Parang ang lahat sa paligid ay nagdadalamhati sa pag-alis ni Daffodil.

Lumapit si Halmin sa anak. Hinawakan ang isang kamay at itinayo ito. Muli nyang niyakap si Daffodil. Walang imikan ang mag ina, yumakap din ng mahigpit ang anak. Tanging ang mga damdamin lang nina ang nangungusap sa bawat isa. Wala nang luhang lumalabas sa kanilang mga mata, tanging  yakap ng pananabik  ang makikita sa kanila. Sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan na sila.

"Tayo na! naghihintay na ang reyna sa lagusan" utos ng mga Sanilo sa mag-ina

"Tandaan mo anak, mahal na mahal kita. Lagi kitang susubaybayan" bulong ni Halmin kay Daffodil at sabay bitaw sa pagkakayakap nito.

Lumapit si Hanahay kay Daffodil at iniabot ang patpat.

"Heto Daffodil tanggapin mo ang patpat na ito, yan ang magsisilbi mong sandata" pagkahawak ni Daffodil sa patpat ay naging gintong espada ito.

"Salamat po! Pakiusap samahan nyong parati ang aking ina, huwag nyo po siyang pababayaan, mahal na mahal ko po sya" bilin ni Daffodil sa mga kaibigan ni Halmin.

"Ina, tulad ng bilin mo, pipilitin kong maging matatag. Inaamin kong may nararamdaman po akong galit sa reyna, ngunit isina-alang-alang ko rin ang mga sinabi mo sa akin, huwag kang  mag-aalala dahil gagampanan kong mabuti ang  responsibilidad ko bilang diwata. Kaya kahit masakit po sa akin ang mawalay sa inyo ay handa akong magtiis at maghintay" sambit ni Daffodil

Palabas na ang mag ina sa kanilang kubol ng naisipan ni Halmin na palitan ang kasuotan ng anak. Ikinumpas ang kanyang mga kamay at binalot ito ng naggagandahan gintong kulay ng dahon na nagsilbing kasuotan nito.

"Napakaganda ina!  salamat po" muling lumapit si Daffodil kay Halmin at yumakap.

Hinawakan ni Halmin ang kanang kamay ni Daffodil at ibinigay ang isang singsing na hugis mansanas.

"Sa pamamagitan nyan anak, kung kailangan mo ako, ang tanging gagawin mo lamang ay hahalikan ito at darating ako" pinilit ngumiti ni Halmin sa anak ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang sobrang kalungkutan.

Diwatang de KampanaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon