Muling nagbalik sa Odin sa hardin ng simbahan. Nakita niyang nakahiga si Kaslit sa damuhan na walang malay. Agad niya itong nilapitan at binuhat.
"Kaslit! kaslit...anong nangyari sa iyo?" tanong ni Odin
"kaibigang kwago.." nilingon ni Odin ang kwago ngunit wala ito sa lugar na nakitaan niya kanina. Nais sana niya itong utusan upang bigyang malay si Kaslit.
"Odin!" banggit ni Odin at bumalik siya sa kanyang hitsurang tao.
"Kaslit! gumising ka!" sabay dahan dahang pinipisa ni Odin ang maliliit na daliri ni Kaslit
"Aray! aray naman..masakit na yan ha!" sambit at nagmulat ng mata si Kaslit
"Ano ba kasi ang nangyari sa iyo at dyan ka sa damuhan natulog!" sabay bitaw sa kamay ni Kaslit
"Anong natulog! nawalan ako ng malay dahil ngayon ko lang napagtanto na malakas pala ang iyong kapangyarihan...grabe! napakaganda mo Odin, bakit ganyan ang hitsura mo ngayon? asan na yung maganda mong mukha?"
"Huwag kang maingay kaibigan...iyan ang misyon ko dito. Gaya mo, ang misyon mo di ba ay ang pangalagaan ang kampana ng simbahang ito? ako ang misyon ko ay pangalagaan ang mga tao..kaya huwag kang maingay..sige ka, gagawin kitang kahoy!" pabirong sambit ni Odin
"Naku! grabe ka! pano ang ganda kong ito kung gagawin mo akong kahoy..hala ka, wala ka nang kaibigang kasing ganda mo...hahahahah!!" sabay tawa ni Kaslit
"O sige kaibigan, babalik na ako sa loob ng simbahan at baka hinahanap na ako ni Father Miguel" tumayo at lumakad ng palayo si Odin
Naiwang nag iisip si Kaslit. Lumakad itong dahan dahan patungo sa punong itinanim ni Odin malapit sa tore ng kampana. Naaalala niyang dito niya nakita ang kwago na nagpakita kanina kay Odin.
Napansin ni Kaslit ang kwago na bumaba sa puno. Nagtago siya sa halamang malapit duon. Nakaamoy siya ng napakabangong halimuyak ng bulaklak. Sinisilip ni Kaslit ang lugar kung nasaan ang kwago, maya maya ay nagbago ito ng anyo, nakita niya ang isang pamilyar na anyo. Dahan dahan siyang lumapit sa lugar nito upang masiguro kung tama ang kanyang nakita.
"Ante! ikaw ng kwago?" gulat na gulat si Kaslit
"Huwag kang maingay kaibigan" sabay takip sa bibig ni Kaslit gamit ang palad ni Ante
Sumenyas si Kaslit na umaayon ito sa sinabi ni Ante kaya tinanggal na ni Ante ang kanyang palad sa bibig nito
"Pero pano? alam ba ito ni Odin?" pabulong na tanong ni Kaslit kay Ante
"Hindi, walang nakakaalam kaya huwag kang maingay!" seryosong nakatingin si Ante kay Kaslit
"Bakit ka nagpapalit ng anyo? ano ang totoong hitsura mo? mabuti ka ba o masama? saan ka nanggaling?" sunod sunod na tanong ni Kaslit
"Halika mag usap tayo sa itaas ng tore" aya ni Ante
Umakyat ang dalawa. Panandaliang katahimikan. Si Kaslit ang bumasag ng katahimikan
"Anong nilalang ka ba Ante? Kaya pala hindi tumatalab ang kapangyarihan ko sa iyo, kaya pala isang titig mo lang ay nagiging sunod sunuran ako sa bawat sinasabi mo, kaya pala nagagawa mong akong kausapin gamit ang iyong isip" patuloy na mga salita ni Kaslit
Nakatingin lang sa kawalan si Ante
"Di ko akalain makikita mo akong nagpapalit ng anyo, masyado akong naging kampante.."
"ano na Ante? ang dami ko nang naitanong, maski isa wala kang tugon?" pangungulit na tanong ni Kaslit
"Isa ako Hebra" panimula ni Ante
"Hebra! di ba masasamang nilalang iyon na isinumpa ng mga bathala?" gulat at takot ang naramdaman ni Kaslit
"Oo, pero iba ako, pito nalang kaming natitirang Hebra na mabubuti na nasa pangangalaga ng mga diwata. Ginamot kami ni Reyna Miseya at ginawang dalisay ang aming mga puso. Kaya mula noon ay kaya na naming palakasin ang kapangyarihan ng bawat diwatang maibigan namin... maibigang tulungan" seryosong kwento ni Ante
Huminga ng malalim at nagpatuloy si Ante sa pagkwento ng nakaraan
"Sa pamumuno ni Reyna Miseya, nagpalit kami ng anyo bilang tao, naghasik kami ng kaguluhan sa mundo ng mga diwata na ikinasawi ng maraming diwata. Nais naming maubos ang lahi ng mga diwata upang kami ang maging makapangyarihan sa lahat ng nilalang at maghari sa buong kalawakan. Kaso masyadong malakas ang kapangyarihan ni Reyna Miseya. Napaibig din nito ang aking ama na siyang hari ng mga Hebra. Walang kaalam alam noon ang Reyna na ang ama ko ay isang Hebra. Nagkatawang tao ito, nagpanggap na sugatan upang mapalapit sa reyna. Nagmahalan ang dalawa at inaya ng aking ama ang reyna na tumira nalamang sa mundo ng mga tao. Nagkaanak sila ng napakagandang sanggol na babae, pinagsanib ang kapangyarihan ng Diwata at Hebra sa sanggol na iyon. Nalaman ng aming mga kalahi at natakot sila sa magiging kapangyarihan ng sanggol kaya hangga't sanggol pa ay kinailangan na nilang mapatay ito. Ninakaw nila ang sanggol. Nang malaman ko ito ay palihim akong nagmanman sa lugar ng mga masasamang Hebra, nang makakita ako ng pakakataon ay itinakas at iniligtas ko ang sanggol. Wala akong kaalam alam na sinusubaybayan na pala ako ng aking ama noon. Sinundan niya ako sa aking pagpunta sa lugar ng mga Hebra, mapapatay na sana ako kasama ang sanggol ng iniligtas niya kami. Pinatakas kami at siya nalamang ang nakipaglaban sa aming mga kalahi. Mula noon ay wala na akong narinig sa aking ama, kaya pinaanod ko sa ilog ang sanggol na iyon dahil siya ang dahilan kung bakit nawala ang aking ama."
"Asan na ang sanggol? ano ba talaga ang tunay na anyo ng mga Hebra" tanong ni Kaslit
"Ang mga Hebra ay may pinakamagandang kaanyuhan sa buong kalawakan, ito ang nagsisilbing pang akit namin. Mas maganda pa sa mga diwata. Ang nakikita mo ngayon ay anyo ko lamang bilang tao, ang kaanyuhan kong kwago o ibon ay ang sumpa at parusa sa amin ni Reyna Miseya nang hindi na namin maibalik ang kanyang anak"
"Asan na si Reyna Miseya? asan na ang sanggol? bakit ang kwento sa akin ni Odin ay Reyna Bethania ang namumuno sa kanilang mundo?" tanong ni Kaslit
"Nasa mundo ng mga tao ang dating reyna. Wala akong alam kung nasaan na ang sanggol na iyon o kung ano na ang nangyari dito. si Reyna Bethania ang kapatid ni Miseya na humalili sa kanya bilang reyna. Hindi na namin batid kung nasaan ang dating reyna sa mundo ng mga tao dahil hinaharang ng kapangyarihan ni Reyna Bethania ang aming isip." napatingin si Ante sa may hagdan ng tore. May napansin siyang nilalang na nagmamasid sa kanila. Nang maramdaman ng nilalang na ito na napansin siya ni Ante ay dali dali itong umalis palayo sa tore.
"May tao ba diyan?" tanong ni Ante at sumenyas siya kay Kaslit na huwag maingay
Nagpalit anyo si Ante. Naging kwago muli ito. Pumikit ang mga mata nito at naglabas ng kakaibang enerhiya. Unti unting nakaramdam ng pagkahilo si Kaslit at nawalan ito ng malay. Dali dali lumipad si Ante palabas ng tore. Hinanap ang nilalang na nagmamasid sa kanila. Nagtataka siya bakit wala siyang nakita sa paligid, maliban sa mga insekto at ibong nawalan ng malay. Sigurado siya na may nakikinig sa kanilang pag uusap kanina. Hindi pwedeng magkamali si Ante dahil malakas ang kanyang pakiramdam.
"Paano nangyari iyon, dapat nawalan ng malay ang nilalang na iyon dahil aabutan siya ng aking enerhiya...pero asan na siya? impossibleng hindi siya tablan ng enerhiyang iyon, maliban nalang kung siya ay isang Hebra...sino kaya iyon?" naging palaisipan kay Ante ang pangyayari
Bumalik si Ante sa tore, nagpalit anyo bilang si Ante at iniayos ng higa si Kaslit. Hinipo nito ang noo ng dwende. Bumulong.
"Ang lahat ng nalalaman mo ay mananatiling lihim ngunit mananatili sa iyong isipan, tuwing tatangkain mo itong ikwento sa salita o sa pagsusulat ay mawawalan ka ng malay at panandalian mo itong makakalimutan. Walang kapangyarihan ang makakapagbasa ng iyong isipan upang isiwalat ng katotohanan ng aking pinagmulan maging ang pinagmulan ni Odin. Mananatili kang gabay ng kampanang ito at maging ni Odin. Paggising mo ay pansamantalang makakalimutan mo ang tagpong ito at ang tungkol sa napag usapan natin" pagkatapos nito ay biglang naglaho si Ante.
BINABASA MO ANG
Diwatang de Kampanaryo
FantasyKaramihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa mga Diwata, ayon sa iba, ito ay kathang isip lamang, ngunit hindi natin kontrolado kung ano man ang meron sa ating paligid. Malay mo, sya pala ay nasa tabi mo lang .... pwedeng kaibigan, kaaway o tindera s...