Nagising si Daffodil dahil sa huni ng mga ibon sa kanyang bintana at masigla itong tumayo at bumati sa mga ito.
"Magandang umaga sa inyo mga munting ibon" bati ni Daffodil
"Magandang umaga din sa iyo Daffodil" tugon ng ibon
Nagulat si Daffodil dahil nagsalita at binati sya ng isa sa mga ibon.
"Nakakapagsalita ka? pano mo nalaman ang aking pangalan?" tanong ni Daffodil sa ibon
"Oo naman, ako si Mayani, ang pinuno ng mga ibon balitang balita sa buong kagubatan ang nangyari sa iyo. Karangalan ko na makilala ka" masayang bati ng ibon
"Ganun din ako Mayani. Dalasan mo ang pagpunta dito sa aming kubol at maglaro tayo" paanyaya ni Daffodil.
"Oo naman! Malugod kong tinatanggap ang iyong paanyaya"
"Daffodil! Gising na anak!" tawag ni Halmin
Maya maya ay kumatok na sa pinto ng kuwarto ni Daffodil si Halmin.
"Daffodil! Daffodil! Gising ka na, samahan mo ako sa hardin ng diwata ng bulaklak" sabay bukas ng pinto
"Opo, saglit lang po...pano Mayani, aalis kami ni ina, maiwan ko na muna kayo" paalam ni Daffodil
Lumipad na ang mga ibon palayo at lumabas na si Daffodil sa kanyang kwarto upang maligo at magbihis.
Pagkatapos maligo at magbihis, nilapitan ni Daffodil si Halmin at nagtanong.
"Ina! Bakit po tayo pupunta sa hardin ng diwata ng bulaklak?"
"Kukuha tayo ng nektar o katas ng bulaklak, iyon ang pagkain natin mamayang gabi" sagot ni Halmin habang nagsusuklay ng kanyang buhok
"Masarap po ba iyon ina?"
"Oo naman, iyon ang niluto ko nung isang araw, ang dami mo pa ngang kinain" sabay tawa ni Halmin
"Tapos ka na bang mag ayos ng sarili mo?" pahabol na tanong ni Halmin
"Opo!"
"Halika na at lumakad na tayo" aya ni Halmin kay Daffodil
Lumabas na ang mag ina sa kanilang tahanan at naglakad patungong hardin ng diwata ng bulaklak.
Maya maya ay bumungad na sa mag ina ang iba't ibang uri ng bulaklak at halaman, ito ay matatagpuan sa gitna ng kagubatan. Karamihan ng mga bulaklak at halaman dito ay hindi karaniwang makikita sa paligid at lugar ng mga tao. Napansin din ni Daffodil ang naggagandahang mga ibon at mumunting pusa na may iba't ibang kulay na balahibo.
"Ina, napakaganda naman dito...ano yun?" sabay turo sa isang klase ng ibon na nakadapo at natutulog sa isang puno ng maliit na acacia.
"Ahh! Yan ay kwago, bakit gusto mo ba?"
"Pwede po ba?" masiglang tanong ni Daffodil.
"Oo naman! Halika at lapitan natin" aya ni Halmin
Hinawakan ni Halmin ang kanang kamay ni Daffodil. Ibinuka ang kanyang palad at lumabas ang kanyang baton.
"Bakit ina? Kailangan po ba ang baton ko? May paggagamitan po ba ako nito?" sunod sunod na tanong ni Daffodil
"Heto, hawakan mo ang iyong baton (iniayos ni Halmin ang baton), ituro mo sa paanan ng kwago ang kabilang dulo at humingi ka ng permiso kung pwede mo syang maging kaibigan at bantay. Kapag dumilat sya at dumapo sa iyong balikat, sya na ang magiging alaga at gabay mo kahit san ka man naroroon" paliwanag ni Halmin kay Daffodil.
"Tandaan mo anak, bihira ang diwatang nakakapagpaamo ng kwago dahil kapag napaamo mo ito, mapapalakas pa nito ang iyong kapangyarihan at tuwing malalagay ka sa panganib, sya ang magiging tagapagligtas mo."
Sinunod ni Daffodil ang bilin ng ina. Pagkatapos nyang banggitin ang tinuran nito ay tahimik nyang tinitigan ang kwago, hinintay na magmulat ito ng mga mata ngunit lumipas na ang ilang minuto ay di natitinag ang kwago sa kanyang kinalalagyan. Mangiyak ngiyak na si Daffodil dahil sa kabiguan.
"Pakiusap mahiwagang ibon, tanggapin mo ang aking pakikipagkaibigan, nais kitang maging gabay at asahan mong taos puso kitang aalagaan at mamahalin" bulong nya sa sarili habang nilagay nya ang kanyang kaliwang palad sa kanyang dibdib.
Muling tinitigan ni Daffodil ang kwago, maya maya ay nilapitan na siya Halmin.
"Huwag kang malungkot anak, marami na ang sumubok nyan at nabigo, isa na ako doon. Marahil ay hindi pa panahon na maging kaibigan mo ang kwago na iyan. Dalawang diwata palang naman ang matagumpay na nagkaroon ng alagang kwago dito - ang mahal na Reyna Bethania at ang kanyang kapatid na si Prinsesa Miseya."
"Sino si Prisesa Miseya? Bakit hindi ko po sya nakita noon sa pagtitipon?"
"Hindi makabubuting pag usapan natin yan dito anak, mahabang kwento at mahigpit na ipinagbabawal ang pag usapan sila sa lugar na ito, mas makabubuting umalis na tayo at bilhin na natin ang ating pakay." Sabay akay sa anak palayo sa kwago.
Palakad nang palayo ang mag ina ng biglang nagmulat ng mata ang kwago at lumipad patungo sa mag ina. Dumapo ito sa balikat si Daffodil. Nagulat sina Daffodil, Halmin at maging ang ibang diwatang nakakita sa pangyayari.
"Salamat kaibigan at hindi mo ako binigo" masayang hinipo ni Daffodil ang paanan ng kwago upang iparamdam dito ang kanyang pasasalamat.
Habang naglalakad ang mag ina, lahat ng bulaklak na nadadaanan nila ay unti unting mamukadkad at naglabas ng kakaibang humalimuyak.
Ang lahat ng mga diwatang naroon ay namangha sa nasaksihan.
Sa kabilang dako, hindi pansin ng mag ina na may isang anino ang sumusunod sa kanila, nagsusubaybay sa kanilang mga kilos.
"Tunay na kakaiba ang alaga ni Halmin, nung una syang dinala sa ating kaharian, ay umulan ng talutot ng bulaklak at humalimuyak din ng kakaibang bango ang mga ito, ngayon naman ay namukadkad ang usbong ng mga bulaklak na kanilang nadadaanan at naglabas ang mga ito ng kakaibang halimuyak, wala pang diwata ang nakagawa ng ganyang pangyayari" pabulong na komento ng isang diwata sa isa pang diwata
"Hindi lang yan, marami na ang sumubok sa atin ng paulit ulit na paamuhin at gisingin ang kwago dyan sa acacia ngunit yung bata lang ang nakagawa nito, talagang kakaiba sya" tugon ng isa pang diwata.
Napansin ni Halmin ang bulung-bulungan kaya sinabihan nya si Daffodil "tara na anak, bukas nalang tayo bumili ng makakain kasi may naalala pala akong dapat kong gawin kaagad, tutal meron pa naman tayo sa bahay na konting pagkain, mukha namang kasya pa sa atin yon hanggang bukas ng umaga."
Naglakad pabalik ng kanilang kubol ang mag ina kasama ang kwago. Di alintana ni Daffodil ang pag aalala ni Halmin sa bulong bulungan ng mga diwata. Abalang abala at aliw na aliw si Daffodil sa paghipo ng paa ng kwago at tuwang tuwa itong kinakausap ito kahit alam nyang hindi ito sasagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Diwatang de Kampanaryo
FantasíaKaramihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa mga Diwata, ayon sa iba, ito ay kathang isip lamang, ngunit hindi natin kontrolado kung ano man ang meron sa ating paligid. Malay mo, sya pala ay nasa tabi mo lang .... pwedeng kaibigan, kaaway o tindera s...