Tok! Tok! Tok!
"Yael gising na! tawag ka na ni madam President, sabayan mo na raw siyang kumain"
Walang sumagot.
Tok! Tok! Tok!
"Yael, tumayo ka na dyan, bibilang ako ng sampu, kapag hindi ka pa tumayo dyan ay bubuksan ko ang kwarto mo gamit ang master key! Isa....dalawa...tatlo...sampu! bubuksan ko na ang pinto..."
Binuksan ni Nindang ang pinto at laking gulat sa nakita.
"hay naku Yael! ang kalat naman ng kwarto mo.... Asan na ba ang batang to?" palingon lingon na naglakad lakad sa loob ng kwarto at isa isang dinampot ang mga damit at gamit na nakakalat.
Narinig nyang bukas ang gripo sa loob ng banyo. Kumatok.
"Yael! Yael! Andyan ka ba?" bubuksan na sana ni Nindang ang pinto ng banyo nang biglang may humawak sa kanyang balikat.
"Mukhang sisilipan mo si Yael yaya! Baka di ka makatulog nyan mamayang gabi, hala ka! Hahahhaha!!" pabirong sabi ni Asmad, kaibigang matalik ni Yael.
Nagulat si Nindang at sabay palo sa kamay ni Asmad.
"At bakit ko naman sisilipan ang alaga ko, kanina pa ako kumakatok dito, hindi sumasagot. Hala! Sige ikaw na ang pumasok dyan sa banyo at baka kung ano na ang nangyari dyan sa kaibigan mo.." iiling iling na lumayo si Nindang at inayos ang gamit sa loob ng kwarto.
Pumasok naman si Asmad sa loob ng banyo. Maya-maya ay....
"yaya Nindang, patulong naman dito.." tawag ni Asmad
Lumakad papuntang banyo si Nindang nang makitang basang basa si Yael na nakasuot pa ng pang alis. Kumuha sya ng twalya at pinunasan ang ulo nito.
"Ano ka bang bata ka! Ano bang ginagawa mo? Magkakasakit ka nyan..naku! naku!...hala Asmad, lalabas muna ako at bihisan mo yang kaibigan mo."
Makalipas ang 15 minutes.
Muling kumatok si Nindang sa kwarto ni Yael.
Tok! Tok! Tok!..
"pasok ka yaya" boses ni Yael
Pagbukas ni Nindang ng pinto ay nakita nyang nagsusuklay na ng buhok si Yael sa harap ng salamin at nakaupo naman sa gilid ng kama si Asmad.
"bumaba na kayong dalawa, andun si madam President naghihintay sa inyo, sabay sabay na raw kayong mag almusal."
Tumayo si Asmad at hinila si Yael palabas ng kwarto.
Habang naglalakad papuntang hagdan lumingon si Asmad sa kanyang likod, huminto at hinawakan sa balikat si Yael
"Kumusta pare, mukhang lasing ka kagabi, ni hindi ka nakapagpalit ng damit....kagabi ka pa ba sa loob ng banyo?" pagtatanong ni Asmad kay Yael
"Wag ka ngang maingay, marinig ka ni mommy....papagalitan nanaman ako nun at sasabihing.... 13 years old ka palang..Tinalo mo pa ang daddy mo...ang bata bata mo pa....umiinom ka na!" Sabay pisil sa ilong ni Asmad.
"Bakit pare, mali ba yun? Eh totoo naman di ba? Ako nga hindi umiinom ng alak kasi bata pa ako... heheheheh.."
"Ewan ko sayo... Nagkatuwaan lang naman ang barkada noh! Ikaw kasi hindi ka sumama kagabi" nakasimangot na sagot ni Yael.
Hindi kumibo si Asmad. Naglakad pababa sa hagdan habang si Yael naman ay nakasunod sa kanya.
Pagdating sa ibaba, sa bandang kaliwa, nakita nilang nakaupo ang Presidente, ang ina ni Yael, sa harap ng hapag kainan at naghihintay sa kanila.
"Bakit ang tagal nyo? Halina kayo rito at kumain na tayo." Utos ng ina ni Yael
Kumain ang tatlo, walang salitaan sa bawat isa. Pagkatapos kumain ay tumayo at umalis ang kanyang ina na walang kibo.
Nang malapit na sa pinto ang ina.
"Asmad, ikaw na munang bahala dyan sa kaibigan mo, samahan mo muna yan sa mga lakad nya...wag kayong pagagabi...huwag nyong sayangin ang oras nyo habang bakasyon, gumawa kayo ng bagay na pakipakinabang" bilin ng ina kay Asmad, pagkatapos ay nagtungo na ito sa kanyang opisina.
"ano naman gagawin natin dito Asmad?"
Hindi kumibo si Asmad, nag iisip...
"Ayan ka nanaman pare! Ano na! Ano gagawin natin, nakakainip na rito sa mansion, hindi naman ako makalabas ng walang body guard."
Biglang napangiti si Asmad.
"Halika, tapos ka na bang kumain? Tara, sumunod ka sa akin." Aya ni Asmad kay Yael.
Dumaan sila sa likod ng mansion, pumasok sa green house.
"Ano ba Asmad! Don't tell me magtatanim tayo dito?" painis na sambit ni Yael
"Basta sumunod ka nalang sa akin"
Pagpasok sa loob ng green house, pumunta si Asmad sa kwarto ng tambakan ng mga fertilizer at may kinuhang isang maleta. Inilabas ito at dinala sa lugar kung saan nakaupo si Yael.
"Ano naman yan pare? Naglayas ka?" tanong ni Yael
"Hindi noh! Ito ang kasagutan sa tanong mo kanina, kung ano ang gagawin natin, heto kunin mo!" iniabot ni Asmad ang isang lumang t-shirt at kupas na pantalon
"Aanhin ko to pare? Mukhang patapon na ito ha...mabaho pa yata?"
"Hindi noh! Akin lahat yan. Gamit ko yan, isuot mo kaya yan para makaalis na tayo" sabay tulak kay Yael para kumilos patayo.
Lumakad papunta sa isang sulok si Yael at nagbihis.
Paglabas ni Yael ay nakita na nyang nakabihis na si Asmad
"Ang bilis mo pareng magbihis ah! Ano ba gagawin natin? Magtatanim?"
"Sumunod ka nalang, wag ka puro tanong, at pwede ba wag kang maingay at baka mapansin tayo ng mga bantay...dun! dun tayo dadaan" sabay turo sa lalagyan ng malaking halaman sa tabi ng rebolto ng babaeng serena.
Dahan dahang pumunta ang magkaibigan sa nasabing rebolto at patagilid na lumakad para makalusot sa isang makitid na daan. Nakita ni Yael ang liwanag sa bandang unahan ng kanilang nilalakaran. Paglipas ng ilang minuto ay natanaw na nito ang kalsada.
Manghang mangha si Yael at lumingon sa kanilang pinanggalingan.
"Ano to pare! Madalas mo bang ginagawa to?" Masayang tanong ni Yael
"Oo, lalo na kapag naiinip na ako" sagot ni Asmad
Naglakad lakad ang magkaibigan.
"Imagine pare, ngayon lang ako nakalabas ng mansion na walang body guard. Gawin natin ito ng madalas ha!" masayang aya ni Yael kay Asmad
Muling naglakad ang magkaibigan at nagmasid sa paligid papalayo sa mansion---ang tahanan ng Presidente ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Diwatang de Kampanaryo
FantasyKaramihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa mga Diwata, ayon sa iba, ito ay kathang isip lamang, ngunit hindi natin kontrolado kung ano man ang meron sa ating paligid. Malay mo, sya pala ay nasa tabi mo lang .... pwedeng kaibigan, kaaway o tindera s...