Sa labas ng bakuran ng simbahan naglakad lakad si Ante. Pilit inaalam kung sino ang nagmamasid sa kanila ni Kaslit kanina sa tore. Nag aalala siya na mabunyag ang kanyang lihim.
Habang naglalakad sa bandang likod ng simbahan, napansin ni Ante ang isang halaman. May kakaiba itong anyo. Ang dahon ay pinaghalong pula at dilaw, may mumunting bunga na parang perlas. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong halaman. Naakit siya at pumitas ng bunga nito. Pagkapitas niya ng bunga ay biglang nagliwanag ang kanyang paligid, nabitiwan niya ang bunga at nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa halaman.
"ano nangyayari? Bakit wala akong maaninag?" tanong niya sa sarili
"ako ang diyosa ng katotohanan, ako si Veritas, naramdaman ko ang iyong mga alinlangan at damdamin. Alam kong maraming katanungan ang bumabagabag sa iyong isipan. Nais mo bang magkaroon ng kalinawan ang mga ito?" tanong nga babae sa liwanag
"saan ka nagmula? Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit hindi ka magpakita sa akin ng iyong kaanyuhan" tugon ni Ante
"masyado kang maraming katanungan, kung saan ako nagmula hindi na mahalaga iyon. Nais mo bang malaman ang mga sagot sa iba mong katanungan? Ang damdaming bumabagabag sa iyong isipan?"
"ano ba ang dapat kong malaman?" pinipilit gamitin ni Ante ang kanyang kapangyarihan upang makita ang kaanyuhan ng kanyang kausap
"huwag mo nang subukin ang kapangyarihan mo sa akin Ante, tanging katotohanan lamang ang malalaman mo sa akin at hindi ang aking kaanyuhan, tulad ng sinabi ko sa iyo, kung saan ako nagmula ay hindi na mahalaga"
"paano mo nalaman ang pangalan ko?" pagtatakang tanong ni Ante
Imbes na sagutin ni Veritas ang katanungan ni Ante, lumapit ito at hinawakan ang mga kamay ng binata. Naramdaman ni Ante ang pagdaloy ng malamig na pakiramdam sa kanyang buong katawan at nakaramdam siya ng kaginhawaan ng pag iisip.
"dalisay ang pagmamahal mo kay Odin ngunit may malaking hadlang na pipigil sa pagmamahal mo sa kanya, kailangan mong alamin ang iyong pinagmulan upang makuha mo ang tamang kasagutan"
"buhay ang iyong ama, nababalot siya ng kapangyarihan ng dilim, darating ang oras na magkakaharap kayo ngunit hindi ka niya makikilala, kailangan mong maiparamdam sa kanya ang pagmamahal na nagpabago sa kanya noon upang mawala ang kapangyarihan ng kadiliman sa kanyang isipan, ang kanyang puso ay nananatiling nakatali sa nilalang na bumuhay nito." Dagdag ni Veritas
"tandaan mo Ante, kailangan mong alamin ang iyong pinagmulan upang magkaroon ka ng tamang tugon sa iyong damdamin kay Odin, huwag kang magpabulag sa nararamdaman mo ngayon, kailangan mong timbangin kung sino ka at sino si Odin o Daffodil, alamin mo rin ang kanyang pinagmulan. Ang dalawang lahi na pinag isa ay hindi pwedeng maging isa, mananatiling magkaibang lahi ngunit ang isa ay karugtong ng parehong lahi, ang inaakala mong pareho ay magkaiba, kapag pilit pinag isa ay pagmumulan ng bagong lahi" biglang naglaho ang liwanag maging ang halaman at si Veritas.
"mahal na diyosa, ano ang ibig mong sabihin?" pakiramdam ni Ante ay lalong gumulo ang kanyang isipan. Napaupo siya sa kanyang kinatayuan at pilit inaalam ang kahulugan nang winari ng diyosa.
"Ang dalawang lahi na pinag isa ay hindi pwedeng maging isa, mananatiling magkaibang lahi ngunit ang isa ay karugtong ng parehong lahi, ang inaakala mong pareho ay magkaiba, kapag pilit pinag isa ay pagmumulan ng bagong lahi" paulit ulit na iniisip ni Ante ang salitang ito.
"ang ibig bang sabihin ay hindi ko pwedeng ibigin si Odin dahil isa akong Hebra at siya ay diwata?" nanlulumong tumayo at naglakad si Ante pabalik ng simbahan.
Hindi nya napansin na pagpasok niya ng bakuran ng simbahan ay nakatingin si Odin sa kanya habang ito ay nasa gilid ng tore. Habang papalapit si Ante sa tore ay huminto ito at umupo sa upuang malapit dito. Hindi niya naramdamang may ibang nagmamatyag sa kanya sa di kalayuan. Takang taka si Odin sa kinikilos ni Ante, kaya nanatili siyang nagtatago sa gilid ng tore at pinagmamasdan si Ante.
"ano kaya ang ibig sabihin ng tinuring ni Veritas?" sambit ni Ante
"sino si Veritas? Girlfriend mo?" hindi napigil ni Odin ang sarili at lumabas ito sa kanyang pinagtataguan
Nagulat si Ante. Namula at hindi alam kung ano ang sasabihin
"sino nga si Veritas?" ulit na tanong ni Odin
Hindi alam ni Ante kung ano ang sasabihin, nanatili itong tahimik
Napansin ni Odin na parang walang balak sagutin ni Ante ang kanyang tanong. May kirot siyang naramdaman sa kanyang puso. Nasasaktan siya sa pag aakalang may kakaiba itong relasyon kay Veritas kaya hindi ito kumikibo. Tumalikod siya upang lumayo, ayaw niyang mapansin ni Ante na nasasaktan siya at nangingilid na ang kanyang luha. Hahakbang na sana si Odin palayo ng bigla siyang niyakap ni Ante mula sa kanyang likuran. Papalag sana si Odin ngunit mas tinalo siya ng kanyang damdamin. Hindi na siya nakagalaw at parang gusto niyang huminto ang oras sa ganong tagpo.
"Patawarin mo ako Odin, hayaan mo munang yakapin kita ng ganito. Patawarin mo ako." Mahigpit na niyakap ni Ante si Odin habang ito ay nakatalikod sa kanya, ayaw niyang humarap ito sa kanya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili sa sobrang pagmamahal nito sa dalaga. Humingi siya ng tawad sa dalaga dahil minahal niya ito ng labis at hindi na niya maipapakita ito dahil sa tinuran ng diyosa ng katotohanan. Natatakot siya sa sinabi nito na magkaibang lahi na di pwedeng maging isa.
Samantalang si Odin ay napaluha na at hindi na rin napigil ang sarili. Inisip niya na kaya humihingi ng tawad si Ante ay dahil kay Veritas, inisip nya na marahil ito ang kanyang mahal. Nasasaktan siya. Unti unti niyang inalis ang pagkakayakap ni Ante sa kanya at tumakbo itong papunta sa kanyang silid.
Nanatiling nakatayo si Ante, nakatingin kay Odin habang ito ay papalayo, nasasaktan siya sa nangyari. Nagdesisyon siyang iwasan si Daffodil bilang si Ante. Naglakad siya papunta sa opisina si Father Miguel. Bago siya kumatok sa opinina ng pari ay inayos muna niya ang kanyang sarili. Kumatok at pumasok siya sa loob. Nagbabasa ang pari ng pahayagan ng makita niya ito. Kinausap ang pari at nagpaalam. Nagulat si Father Miguel sa biglaang desisyon ng binata.
"ano ba ang dahilan at gusto mo nang umalis? May naging problema ba dito o may hindi ka ba nagustuhan?" mahinahong tanong ng pari
"wala naman father, may aasikasuhin lang po ako. Kayo na po muna bahala kay Odin. Babalik din po ako kapag natapos na po ang dapat ko pong asikasuhin." Malungkot na paalam ni Ante
"kelan ba ang plano mong umalis?"
"ngayon din po father, para maasikaso ko po agad ang mga dapat ko pong asikasuhin"
"biglaan naman yata yan Ante, nagpaalam ka na ba sa mga kasama mo dito? Lalo na kay Odin?" tanong ng pari na may pag aalala
"hindi na po, kayo na po bahala sa kanila. Hindi na po ako magtatagal, aalis na po ako, maraming maraming salamat father. Babalik din po ako kapag okey na po ang lahat" tumayo at lumapit sa pari, yumakap at nagmano.
Lumabas na sa opisina si Ante. Nakatingin lamang ang pari sa pintong pinaglabasan ni Ante. Marami siyang gustong itanong, gusto niyang pigilan ang binata kaso kailangan niyang irespeto ang desisyon nito.
BINABASA MO ANG
Diwatang de Kampanaryo
FantasyKaramihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa mga Diwata, ayon sa iba, ito ay kathang isip lamang, ngunit hindi natin kontrolado kung ano man ang meron sa ating paligid. Malay mo, sya pala ay nasa tabi mo lang .... pwedeng kaibigan, kaaway o tindera s...