Ang Unang Pagtatagpo

175 11 4
                                    

Pagkatapos makipagkwentuhan ni Odin kay Kaslit ay nagpaalam na ito

"Paano munting kaibigan, magtutungo muna ako kay Father Miguel. Alam ko na kung anong gawain ang gagampanan ko dito sa simbahan"

"Maghihintay ako Odin sa iyong pagbabalik!"

Habang naglalakad si Odin papunta sa opisina ni Father Miguel ay napansin niya ang dalawang itim na magagara at naglalakihang sasakyan na nakaparada sa gilid ng simbahan. May ilang lalaki na nakapolo barong na nakatayo lamang  malapit sa mga sasakyan. Ang isa ay gumagamit ng isang aparato na nakadikit sa kanyang tenga. Di mawari ni Odin kung ano iyon at para saan ang gamit na iyon.

Ibinuka ni Odin ang kanyang kanang palad at lumabas ang kanyang baton. Uutusan na sana niya ito nang biglang may nagsalita sa kanyang likod

"Kung ako sa iyo ay hindi ko gagawin yan. Mas makakabuting itago mo na yan at baka may makakita pa sa iyo" tinig ng isang lalaki

Napalingon si Odin sa kanyang likod at nakita niya si Ante

"IKaw pala Ante, ah! eto? napulot ko lang ang kahoy na ito. Ano naman sa iyong palagay ang aking gagawin?" pilit na nakangiting sambit ni Odin

"Tama na Odin, tama na Daffodil ang pagkukunwari mo, kilalang kilala kita"

Hinawakan ni Ante ang kaliwang palad ni Odin

"Pano mo nalaman na Daffodil ang tunay kong ngalan? sino ka bang talaga? ang sabi mo kaibigan kita at tagarito ka" pagtatakang tanong ni Odin

"Kasama mo akong pinadala dito sa mundo ng mga tao. Huwag ka nang magtanong ng iba pa. Ano ba ang balak mong gawin at inilabas mo ang iyong baton?"

"Pwede mo bang bitiwan na ang aking kamay?" utos ni Odin

iniwagaspas ni Odin ang kanyang baton at nag-utos

"Kapangyarihan ng lahat ng elemento, turuan ninyo ako sa mga gawi ng mga tao at mga uri ng kagamitan nila, maging ang tamang paggamit nito" 

Biglang may lumabas na liwanag at binalot si Odin

Habang nababalot ng liwanag si Odin, inutusan niya ang baton na sabihin sa kanya ang tunay na pagkakilanlan ni Ante. Ngunit imbis na may malaman siya sa pagkatao ng binata ay nawalan siya ng malay.

Lumipas ang ilang minuto

Isang malamig na dampi sa kanyang noo ang naramdaman ni Odin. Pagkadilat ng kanyang mga mata ay nakita niya na nakahiga siya sa mga bisig at kanlungan ni Ante. Pakiramdam niya ay namula siya dahil sa di inaasahang pangyayari. May kakaibang naramdaman si Odin habang nasa bisig siya ng binata, ayaw na niyang matapos ang tagpong iyon, para siyang bata na ayaw mawalay sa nangangalaga sa kanya. Kay bilis ng tibok ng kanyang puso, hinahabol niya ang kanyang hininga, nanlalamig ang mga dulo ng kanyang daliri ngunit may kakaibang init na gumagapang sa kanyang buong katawan. Gustong gusto niya ang tagpong ito, napapikit siya at ayaw na sana niyang dumilat.

"Kumusta na ang iyong pakiramdam?" tanong ni Ante kay Odin

Napakislot si Odin at ito ay tumayo. Nahiya siya sa kanyang sarili dahil sa kanyang naramdaman habang nasa bisig siya ni Ante. Nagmamadali itong tumakbo upang makaiwas sa mga tingin ng binata.

Sa di kalayuan, hindi napansin ni Odin ang isang binata. Nabangga niya ito at pareho silang napaupo sa semento.

"Ano ba! di ka nag-iingat gusgusin!" painis na sambit ng isang binata na naka t-shirt at nakapantalon ng maong.

"Grabe ka naman makapagsalita at makapintas!" sagot ni Odin habang pinapagpag ang kanyang palda

Sa di kalayuan, may isang magandang binibini ang tumawag sa binata

Diwatang de KampanaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon