Paglabas ni Ante sa opisina ng pari ay agad itong nagpunta sa puno malapit sa tore, doon nagpalit siya ng anyo at naging kwago. Naisip niyang manatili nalamang sa ganitong anyo upang mapigil ang kanyang damdamin kay Odin.
Sa kabilang dako, umiiyak si Odin sa kanyang silid. Ngayon niya napagtanto na mas mahal niya si Ante kesa kay Yael. Nagseselos siya kay Veritas. Sino ba si Veritas, bakit malungkot si Ante at binabangit pangalan nito. Yan ang paulit ulit na tanong ni Odin sa sarili.
"di bale, bukas kakausapin ko na si Ante, bahala na. Magtatapat na ako sa nararamdaman ko sa kanya, bahala na kung ano ang iisipin nya, ang importante masabi ko sa kanya na mahal ko siya.." napapikit ng mata ang dalaga, pilit na inalala nalamang ang masasayang araw na kasama niya ang binata.
Makakatulog na sana si Odin ng may kumatok sa kanyang pinto. Napatayo siya at humarap agad sa salamin at nagsuklay. Inakala niya na si Ante ang kumakatok sa kanyang pinto.
Nakangiting binuksan ni Odin ang pinto.
"wow! Ang ganda naman ng salubong mo sa akin?" masayang sabi ni Yael
"ah..ikaw lang pala. Bakit? Ano kailangan mo sa akin?" nakasimangot na sambit ni Odin
"naalala lang po kasi kita at gusto kong ibigay ito sa iyo" sabay abot kay Odin ang isang balot ng yema
"salamat!"
"ganon lang?" pabirong sabi ni Yael
"heto, wag nalang, nang iinis ka pa eh!" inis na sabi ni Odin at akmang ibibigay pabalik kay Yael ang yema
"oppss! Biro lang yun! ok, sige aalis na ako. Napadaan lang ako para ibigay sa iyo iyan" sabay turo sa hawak ni Odin
"Mukha kasing masarap kaya naisip kita. Ang sarap mo sigurong mahalin" pabirong sambit ni Yael sabay kamot ng ulo
"joke lang oh! (sabay dila).. Nakasimangot ka agad..sige aalis na nga ako!" patuloy na sambit ni Yael sabay talikod paalis ng kwarto ni Odin
"anong nakain nun? anong nangyari? Bakit ang saya saya nya?" tiningnan ang hawak
"Hhmmm..mukha ngang masarap..bakit kaya ako binilhan ng unggoy na yun ng pasalubong?" napailing si Odin sabay sara ng pinto
Habang naglalakad papuntang bintana ng kanyang kwarto, ipinatong niya ang yema sa lamesa at nanatiling nakatayo habang nakatanaw sa labas ng bintana. Napabuntong hininga, nakaramdam siya ng kalungkutan at pangungulila.
"kumusta na kaya si Ante? Di bale..bukas kakausapin ko siya" balot ng kalungkutan ang kanyang nararamdaman, naglakad pabalik sa kanyang kama, kinuha ang kanyang unan at nahiga
Habang nakahiga, iniisip ni Odin kung paano sisimulan ang pakikipag usap kay Ante. Ano ang kanyang sasabihin. Naalala pa niya yung tagpong hinalikan ni Ante ang kanyang noo ng siya ay nakahiga sa bisig at kanlungan nito. Napangiti siya at nananabik na magkita agad sila ni Ante.
Napakahaba ng gabi para kay Odin. Paikot ikot siya sa kanyang higaan. Naiinip na siya,panay ang tingin niya sa kanyang orasan, inip na inip na siya, gustong gusto na niyang mag umaga upang makausap na si Ante. Hindi niya namalayan kung anong oras siya nakatulog
"Ate Odin! Ate! Gising ka na po" tawag ni Nitoy
Napabalikwas si Odin sa kanyang kama. Tiningnan ang orasan sa tabi nitong lamesa. Gulat na gulat siya ng makitang pasado alas onse na.
"Naku! Hindi ko napatunog ang kampana kanina..patay ako kay father!" tumayo at tumakbo papunta sa loob ng comfort room.
"Ate Odin! Gising ka na po ba? Ang tagal naman, may kalyo na po kamay ko kakakatok. Ate! Ate! Hala tulog mantika ka na ate!" inip na inip na sa pagkatok si Nitoy
BINABASA MO ANG
Diwatang de Kampanaryo
FantasyKaramihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa mga Diwata, ayon sa iba, ito ay kathang isip lamang, ngunit hindi natin kontrolado kung ano man ang meron sa ating paligid. Malay mo, sya pala ay nasa tabi mo lang .... pwedeng kaibigan, kaaway o tindera s...