Chandria's POV
Naglalakad kaming dalawa ni Dj malapit sa dagat habang magkahawak ang kamay namin. "Hindi ko akalaing mamahalin ako ng taong matagal ko ng pinapangarap. Ang taong mahal ko" - nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin.
Napayuko ako kasi naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi naman sa ayokong nakatitig sa'kin si Dj pero kasi nahihiya ako na ewan.
Huminga ako ng malalim bago ulit tumingin sa kanya, "Hindi ko rin akalain na mamahalin kita ng higit pa sa sobra." - tiaka ko pinisil ang pisngi niya.
He kissed my forehead tyaka ako inakbayan.
Pagkadating namin kanina dito, kumain lang kami sandali saka na niya ako hinila palabas ng private room namin.
Each couple has a room. Tiwala naman ang mga magulang namin sa'min kasi alam nila na wala naman kaming gagawing milagro. That's what I like with our parents, may mga tiwala sila sa mga anak nila unlike other parents na pinapakita at pinaparamdam pa sa mga anak nila na wala silang tiwala sa mga 'to. Hayst.
Umupo kami ni Dj sa may tabing dagat.
This is what I want. Ang makatabi ang taong mahal ko sa tabing-dagat habang nakaakbay sa'kin, tinitignan ang papalubog na araw. It feels like I'm in heaven. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo ang taong mahal na mahal mo.
Kapag nag-asawa ako, ganito ang lugar na pipiliin ko para makapagpatayo ng bahay. I swear. Ang peaceful sa pakiramdam. Yung hangin, fresh. Malayo sa siyudad na maingay, magulo at marumi. Parang nakakalimutan mo na may mga problema ka pala kapag nandito ka. "Pag tayo nagpakasal, dito tayo magpapatayo ng mansion natin" - nagulat ako ng ibackhug ako ni Dj pero honestly? Mas nagulat ako sa sinabi niya na kapag nagpakasal kami, dito daw kami magpapatayo ng mansion. That's exactly what I'm thinking right now. Siya kaya talaga ang destiny ko? I was once read a book about soulmates and destiny. Isa sa mga nakasulat dun, sign kung paano mo malalaman na nahanap mo na ito is ung iniisip mo palang ung isang bagay, bigla naman niyang sasabihin o ikukwento sa'yo. Wow! Sign #1, Checked. Para bang magkadikit o magkatugma yung naiisip niyo pareho?
"Really?" - manghang sabi ko. Sabagay, dama ko naman kasi talaga na si Dj na yung taong gusto kong maging forever ko. Yung makasama ko sa hirap at ginhawa. Mapa-lungkot man o saya. Siya yung nakikita ko sa future ko. Siya lang talaga, wala ng iba.
Tumango siya sa'kin. "I love you, Chandria Lane Bernardo Padilla" - nag-init na naman bigla ang pisngi ko sa sinabi niya. Lokong 'to. Ang hilig magpakilig.
Kung nakakamatay lang ang kilig, malamang matagal na akong patay. Haaaaaay!
Like, OMG! Isang sign din 'to para malaman mong seryoso talaga sa'yo ang isang tao. Una, yung kanina, iniisip na niya yung kasal thingy. Tapos ngayon naman. Sheyt na malagkit! Kinumpleto na niya yung pangalan ko kasama ang apilido niya.
"Kyaaaaaaaaa" - tiaka ako napatalon. Okay, OA na kung OA pero di ko talaga mapigilan. I just can't....
KINIKILIG AKO. KILIG NA KILIG! SUPER DUPER ULTRA MEGA KILIG TO THE HIGHEST POWER.
BINABASA MO ANG
Just A Word (KathNiel)
Teen FictionKaya mo bang ipaglaban at panindigan ang pangakong iyong inumpisahan kung ang tadhana mismo ay pilit kayong pinaglalaruan o basta-basta mo nalang pagtataguan, iiwan, kakalimutan at susukuan ang iyong sinimulan sa isang bagay o isang taong iyong pina...