Chapter 23

135 12 21
                                    

** 23 **

Chandria's P.O.V

Ngayon daw ang laban namin sa Volleyball. Meron na kaming uniform para doon. Nasa locker kami nila Juliette, Cams at iba pang mga kasama namin. "Matagal-tagal din tayong hindi nakakapaglaro" - saad ni Juliette.

"Oo nga eh. Hindi na ata ako marunong" - sabi naman si Cams.

"Basta, enjoy nalang natin 'to kasi last na 'to. Graduating na tayo remember?" - sabi ko ng nakangiti. Tumango naman sila.

Nilagay ko ang kamay ko sa gitna. Tinignan nila yun at ngumiti ako. "Together we stand, divided we fall. Together we climb to the top of the world. We can be what we want, for the world to see. Because we are the children of yesterday's dream." - sinabayan nila ako habang kumakanta. "Fight, Fight, Fight, Girls?" - nilagay nila sa itaas ng kamay ko ang palad nila.

"FIGHT!" - tiaka namin inihagis sa taas ang mga kamay namin.

Narinig namin ang whistle ni coach kaya lumabas na kami. Nasa may covered court na kami. Pagkalabas namin sa locker, ang daming pumalakpak at nagsigawan. Tumingin ako sa pwesto ni Dj na naniningkit ang mga mata at nakatingin sa suot ko. Parang mahuhubad ung suot ko sa tingin niya. Naalala ko ayaw nga pala niyang nakashorts ako lalo na sa harapan ng maraming tao. Eh? Anong gusto niya? Magjogging pants ako? Haaay! Minsan lang naman 'to.

Nagstart na ang laro.. And to my surprised, sina Zharmaine ang kalaban. Lumalamang sila. Nawalan kasi ako ng gana sa mga bulungan na narinig ko. Gaya ng,

"Siya ba ung girlfriend ni Dj?"

"Yuck. Walang taste"

"Mas bagay naman sila ni Zharm"

"I know, ex yan ni Kristof"

"Ew, mas maganda ako sa kanya"

"Epal siya. Dapat Zharm at Dariel nalang"

"I prepare Zharm than her"

Nawalan ako ng focus. Tumingin ako sa kanila, sa pwesto ni Zharm, nakangisi siya. Tumingin ako sa pwesto ulit ni Dj. Wala siya? Nagwhistle ung coach namin, time-out muna daw.

"Cha, okay ka lang ba? Wala ka ata sa mood ngayon? Ikaw ang isa sa mga magagaling na volleyball player dito.. Galingan mo or do you want to take a rest?" - umiling ako.

"Ok na ho ako sir. Game na" - dapat hindi ako magpaapekto.

Tumingin ako ulit sa pwesto ni Dj. Andun na siya. Saan siya pumunta?

Huminga ako ng malalim at diko muna siya pinansin. Tumingin ako sa scoreboard. Ang laki ng lamang nila.

Nagwhistle ulit. Ang daming sumisigaw. May mga narinig ako na siyang nakapagpagana sa'kin.

"Is she ate Chandria? OMG, she's gorgeous"

"Yea. Nasa kanya na ang lahat."

"Bagay sila ni kuya Dariel."

"I know right, ang lakas ng chemistry nilang dalawa di gaya ng IBA jan" - tiaka tumingin siya kay Zharm. Halatang wala na ang focus niya sa laro.

"Ang cute ng couple nila right?"

"They are really Meant to be"

"GO ATE CHANDRIA!" - sigaw nila. May mga nag-chicheer din kina Juliette at Cams. Kasama na dun si Daryl at Marck.

Nagulat ako sa huling sumigaw, "GO BABE! GALINGAN MO PAG NANALO KAYO MAY KISS KA SA'KIN!" - sino pa ba? Pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya. May nag-Ayiee pa. Tapos siniko ako ni Juls sabay sabing, "Uyyy". Inirapan ko lang siya. Kahit papano, bumalik ang gana ko sa paglalaro. To see, mas lamang na kami ngayon sa kanila. Si Zharm? Ayon, inis na inis. Mukhang naiirita sa mga naririnig.

Just A Word (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon