Chapter 2

420 23 4
                                    

** 2 **

Dariel's P.O.V

1st day of school ngayon kaya kinukulit ako netong dalawang abnoy na maaga kaming pumasok.

"Oy, Dariel dalian mo para maabutan pa natin sila Juliette sa canteen! Bumangon kana jan, pre" - Daryl.

"Mauna kana kaya? Amp! Kahit naman hindi natin sila maabutan kaklase parin naman natin sila eh!" - iritang sabi ko. Ba't hindi pa kasi niya ligawan si Juliette, halata naman na may gusto sila sa isa't-isa.

"Oo nga naman, Dariel. Bilisan mo para pati si Cams makasama ko din" - Isa pa 'tong si Marck. Ung totoo?

"Ah ganon? Pinagtulungan niyo pa ako? Ts! Bahala kayo!" - saka nagtakip ulit ako ng kumot.

Narinig ko silang huminga ng malalim. Nakarinig din ako ng mga yapak ng paa. Salamat naman at aalis na sila.

Maya-maya lang "*boogsh*" "ARAY!" - sigaw ko. Dinaganan ba naman ako? Ngumisi pa silang dalawa!

"Hindi kaba talaga tatayo jan? Hindi ka makakatulog ng maayos niyan" - natatawang sabi ni Daryl.

"Tragis kayo! Mga ogag! Panira kayo ng tulog!" - sinamaan ko sila ng tingin. "Lumayas kayo sa kwarto ko! Letche! Maliligo na ako! Mga busit!"

"Walang pusit dito" - sabay nilang sabi. Mga sira-ulo talaga ung dalawang yun! Minsan nagtataka ako ba't naging kaibigan ko ang dalawan yun! Mga loko-loko samantalang ako matino na, gwapo pa.

**

@ Manford University..

Naglalakad kami papunta kina Chandy, napansin kong nakatingin na sila sa'min pero inalis din nila yon.

"Hello, Chandria" - bati ni Daryl. "Hi, Juliette" - tiaka siya tumingin kay Juliette.

"Hello Daryl! Hi Marck! Hello Riel" - bati niya ng nakangiti. Ngumiti si Marck at Daryl. Tumango naman ako. Wala akong masabi. Basta makita ko lang siya umuurong kaagad ang dila ko.

"H-hi Daryl. Marck. Dariel" - bati ni Juls sa'min.

"Dyosang Chacha! Dyosang Juls! I'm here na" - hingal na sabi ni Cams. Napatigil siya ng mapansin niya kami. Napatingin ako kay Marck na halos mapanganga. Laughtrip lang ang itsura niya. Hahaha! "A-ah. S-sorry" - tiaka siya nag-peace sign.

Napansin kong natahimik bigla si Chandy kaya napatingin ako sa kanya. Para siyang nakakita ng multo. Tinignan ko ung tinitignan niya. Si Kris at si Joycee. Napansin din ata ng barkada. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Marck. "Tara na, guys! 5 minutes nalang baka malate pa tayo" - aya niya. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Chandy.

Habang naglalakad kami papunta sa room, may mga nagbulungan.

"Sila na naman ung kasama nila?"

"Ano na naman kayang gayuma ang ginamit nila?"

"Hindi sila bagay sa mga lalaking tulad nila."

"Wait, di ba ung isang girl na nasa gitna, ex ni Kris?"

"We know right"

"Baka nagsawa na sa kapangitan niya" - patay kang bata ka!

Napatigil sa paglalakad si Chandy pati kami napatigil na din. Lumapit siya dun sa babae na nagsabing pangit daw si Chands. Halatang nagulat pa siya sa presence nito. Tinignan niya sa mata ang ka-schoolmate namin. Halatang takot at parang gusto ng tumakbo at matae. Hindi ko alam kung saan naapektuhan si Chandria. Kung sa sinabi nilang ex nalang siya ni Kris o sa kung pangit siya. "Pangit man ako sa'yong paningin. Excuse me, hindi ako isang salamin!" - napayuko bigla ung babae. "Don't you dare try to play with me. Player ka palang, coach na ako" - iniwan silang nakanganga ni Chandria. Seniors na pala sila. Pula kasi ung patches nila. Green para sa Freshmen, Golden Yellow sa Sophomores, Blue sa Juniors at Pula naman sa'ming mga Seniors.

Just A Word (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon