Chandria's P.O.V
Akala ko okay na ang lahat. Akala ko okay na kami ni Dj. Akala ko wala ng gulo. Akala ko wala ng hadlang. Akala ko wala ng panira. Akala ko wala ng epal. Akala ko lang pala.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ko nasasabi 'to. Kasi.....
"Dj, ang ganda talaga dito no?" - guess who? Kung siya ang iniisip niyo, tama kayo. Sino pa nga ba? Psh! Akala mo kung sinong higad na nakapalupot sa braso ng boyfriend ko. Hello! Girlfriend here! Wala man lang kahiya-hiya sa balat. Kanina pa niya sinasabing maganda dito. Oo, maganda ung place kamukha ko pero pumangit nung dumating siya. Tsk!
"Zharm!" - guess what? Kanina pa siya tinataboy ni Dj. Yes. No other than, Zharm. "Stop it!" - naiiritang sabi ni Dj.
"What?" - pacute na sabi niya habang nakatingin kay Dj tapos nang tumingin siya sa'kin nagsmirk siya. Eeew! She's not cute. Nakakatacute pwede pa.
"Umayos ka!" - hinawakan na ni Dj sa braso si Zharm. She was shocked. Nagulat siya pero bigla din siyang nakabawi. "Can't you see? I'm with my girlfriend. Kasama ko yung taong mahal ko. YUNG MAHAL KO kaya pwede ba, Zharm! Tigilan mo na kami." - ngumiti ako. Yung ngiting tagumpay? Why not? Inemphasize ni Dj ung MAHAL KO. That's me. Not her. Masyado niyang ipinagsisiksikan ung sarili niya sa taong 'di naman siya mahal.
Halatang nagulat si Zharm pero nakabawi pa rin siya. I don't know pero parang nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya sa mga ginagawa at sinasabi ni Dj sa kanya. Nagulat ako ng biglang, "Okay. Pagbibigyan kita ngayon, Dj. Sulitin mo na na kasama ang taong mahal mo. Well, dahil time will come. Sa'kin ka pa din mapupunta." - tumawa ng nakakaloko si Zharm. Then lumapit siya sa'kin, may binulong then she left.
**
Abala akong naghuhugas ng plato sa kusina ng biglang may yumakap mula sa likod ko. Bigla akong umalis sa kinalulugaran ko at nagkunwaring nag-aayos ng mesa.
"Baby" - sunod ni Dj. "Iloveyou" - saka na naman niya ako niyakap. Again, bumalik ako sa sink to continue what I am doing.
Magsasalita sana ako ng dumating si Mara. "Bhest!" - sigaw niya. "May nakita akong magandang view doon sa may bandang lake. Let's take a picture after mo jan, okay?" - she smile as if she knows that I have something to explain. I really love this girl. Wala pa akong sinasabi sa kanya yet she already know if something is bothering me.
"Okay bhest!" - I gave her an appreciative smile. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. Thank you for saving me, bhest!
**
DJ's POV
Hindi ako mapakali. Simula nang umalis si Zharm dito, naging mailap na din sa'kin si Chandria. Hindi ko alam kung may sinabi ba si Zharm sa kanya o ano. Basta ang alam ko lang, parang iniiwasan niya ako.
"Are you okay?" - lumingon ako sa nagsalita. I just shrugged. "What happened?" - she asked.
"Bigla nalang kasing naging mailap sa'kin si Chandy. Hindi ko alam kung anong nangyari. Okay naman kami noong mga nakaraang araw. Mula nung pumunta tayo dito. Kaya lang..." - napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay France ang mga nangyayari. Maging ako, hindi ko na maintindihan.
"Kaya lang ano?" - curious na tanong niya.
I sighed. "Kaya lang simula nang umalis si Zharm, doon na siya nanlamig sa'kin. Everytime na magkasama kami, lagi siyang naiinis. Lagi siyang nagagalit. Wala man akong ginagawa pero parang may mali akong nagawa. Hindi ko alam. Masyadong naging komplikado." - frustrated na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Just A Word (KathNiel)
Teen FictionKaya mo bang ipaglaban at panindigan ang pangakong iyong inumpisahan kung ang tadhana mismo ay pilit kayong pinaglalaruan o basta-basta mo nalang pagtataguan, iiwan, kakalimutan at susukuan ang iyong sinimulan sa isang bagay o isang taong iyong pina...