** 18 **
Juliette's P.O.V
"Ba't 'di mo pa kasi sagutin?" - saad ni Chandria.
"Saka na kapag ako na ang priority niya at hindi ang katakawan niya" - tiaka ako umirap. Natawa siya ng mahina.
"Naku. Ikaw bahala best" - tiaka siya umiling-iling.
Naiinis kasi ako kay Daryl. Hindi na siya kagaya ng dati na babatiin ako kapag nakita ako. Ngayon, puro pagkain ang inatupag.
"Osya, una na ako. Gabi na best, baka may magtangka pa sa isang dyosa na tulad ko" - matawa-tawang sabi ko. Natawa din si Chandria.
"Ipapahatid na kita kay kuya Ben, best" - umiling ako.
"Naku, wag na. Baka maistorbo pa siya. Kawawa naman"
"Sigurado ka?" - tinanguan ko siya. Bumaba na kami, "Sige best. Ingat ka ha?"
"Oo naman, haha. Malapit lang naman kami dito best. No need to worry" - nagbeso-beso kami atiaka na ako nagbye.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko may sumusunod sa'kin. Nag-stop ako at tumingin sa paligid. "Lord, ayoko pang mamatay. Hindi pa po kami kasal ni Daryl babes ko. Tulungan mo po ako" - dasal ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kakasabi ko lang na baka may magtangka sa isang dyosang katulad ko eh. Narinig ata.
Pakiramdam ko talaga may sumusunod sa'kin kaya lumingon agad ako sa likod and boom, huli na ako. "Hi miss beautiful. Wag kang magtatangkang sumigaw, gumalaw, o gumawa ng kung ano mang ingay kung ayaw mong masaktan." - oh no! Talagang hindi ako gagalaw. Baka magkamali ako. Pero, gusto kong lumaban.
Lord, eto na ba ang katapusan ko? Lord, gusto ko naman ho kung mamamatay ako sa tabi ng taong mahal ko, hindi sa tabi ng abnormal na lalaking 'to.
Lord, hindi ko pa talaga kayang mamatay. Paano nalang ang mga kaibigan ko? Paano nalang ang pamilya ko? Paano nalang si... paano nalang si Daryl babes ko? Promise Lord, Hindi na po ako magiging moody. Iintindihin ko na po ang katakawan ni Daryl.
Lord, tulungan mo po ako. Hindi pa ako ready. Marami pa akong gustong gawin. Huhu. Bahala na po kayo sa'kin at sa pangit na abnormal na lalaking 'to.
Patuloy akong nagdarasal, "Asan na ang wallet mo? Cellphone? Akin na ang bag mo?" - pilit niya. "Ayaw mong ibigay?" - tanong niya. "Aba't hindi ka gagalaw? Pipi ka ba o bingi?!" - Ge lang. Galit na si kuyang abnormal.
"Bobo ka ba kuya o sadyang tanga ka lang talaga? Sabi mo wag akong gagalaw o magsasalita tapos ngayon tatawagin mo akong pipi at bingi. Ayba abnormal ka palang holdaper ka e-- A-aray naman. Aw. Aray---Ouch!" - sinabunutan daw ba ako? "Sa lahat ata ng holdaper, ikaw lang yung nakita kong nananabunot. Ung totoo? Bakla ka kuya?" - pinapakita kong matapang ako pero sa loob-loob ko nasasaktan na ako. Ang sakit ng ulo ko dahil sa sabunot ng abnormal na 'to. Daryl, nasa'n ka na ba? Kailangan kita dito.
BINABASA MO ANG
Just A Word (KathNiel)
Teen FictionKaya mo bang ipaglaban at panindigan ang pangakong iyong inumpisahan kung ang tadhana mismo ay pilit kayong pinaglalaruan o basta-basta mo nalang pagtataguan, iiwan, kakalimutan at susukuan ang iyong sinimulan sa isang bagay o isang taong iyong pina...