Dedicated sa kanya kasi idol ko siya. Lalo na kapag KathNiel fanfic na ang usapan. Isa po siya sa mga naging inspirasyon ko para gumawa ng gan'to :) May KN story na siya na napublished as a book. Ung "Hundred Days With You". Basahin niyo po. Promise! Iiyak, Tatawa at Maiinlove kayo. <3 ^_^v Hindi kayo magsisisi ;)
** 11 **
Dariel's P.O.V
Ilang araw ko ng napapansin na parang nag-iba ang aura ni Chacha. Hindi na siya tulad ng dati na masiyahin at palangiti. Ang tahimik na niya ngayon. Ni hindi na siya lumalapit sa'kin. Kapag kinakausap ko siya tatango lang siya o kaya naman iiling. Mula ng malaman niya na may girlfriend na ako umiwas na siya sa'kin. Fake lang naman yun eh. Hindi naman talaga kami ng pinsan ko. Nagseselos na ba siya? Sabihin lang niya para aminin ko na.
"Class Dismissed" - hindi ko napansin na time na pala kakaisip kay Chandria.
"Guys, Library lang ako. Magreresearch muna ako sa mga assignments natin. Una na kayo." - paalam ni Chandria tiaka na siya umalis. Umiiwas na naman siya. Hindi na talaga siya sumasabay sa'min.
"May napapansin ba kayo kay Chands?" - tanong ni Juliette.
"Marami" - sabay-sabay naming sagot. Nagkatinginan kaming pito.
"May aaminin ako sa inyo" - singit ko.
Tinaas nila Juls at Cams ung kilay nila. Si France, parang alam na ung sasabihin ko. Si Quen, ganon din. Siguro alam na niya. Patago silang nagde-date ni France. Kahit 'di nila sabihin, alam ko. Kilalang-kilala ko na ang pinsan ko. Si Daryl at Marck naman, nagtataka.
"Ano?" - sabay tanong nila Daryl at Marck.
"Wala....." - hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol ni France ang sasabihin ko.
"Wala talaga kaming relasyon ni kuya Dee" - nanlaki ang mga mata nila.
"KUYA?" - gulat na sigaw nila.
"Anong ibig mong sabihin, France?" - nagtatakang tanong ni Juliette.
"Magpinsan si Dariel at Francesca" - sabat ni Quen. Lalo silang napanganga.
"Paanong?" - naguguluhang tanong pa rin ni Cams.
"Noong makita ko si Quen na nakaakbay kay Chandy, nagselos ako. Sakto dumating din si Francesca noon. Nang niyakap niya ako, niyakap ko din siya pabalik. Matagal kaming hindi nagkita kaya ganun ang naging reaction ko, syempre namiss ko ang pinsan ko" - tinignan ko sila. Nakikinig lang sila. "Wala ni isa sa inyo ang nakaka-alam na magpinsan kami. Kahit sina Daryl at Marck, hindi nila alam. Kaya pinilit ko si France na magpanggap bilang girlfriend ko para mapagselos si Chandy. Baka.... baka sakaling gumana ang plano ko, hindi ako mahihirapan sa kanya pag umamin ako." - huminga ako ng malalim. Tinignan ko sila isa-isa. Parang nakukuha na nila ang ibig kong sabihin. "Inaamin ko, naging duwag ako. Hindi ko siya naprotektahan nang masaktan siya. Gusto ko siyang saluhin noong mga panahong binitawan siya ni Kris pero natatakot ako.. natakot ako na baka hindi siya magpasalo. Baka siya pa ung lumayo. Baka hintayin niya pa din si Kristof na sumalo sa kanya"
"Pero hindi eh. Alam mo bang hindi pa man sila ni Kristof, may gusto na siya sayo?" - Juliette.
"Kahit ng maging sila, hindi pa rin nawala ang nararamdaman niya." - paliwanag ni Cams.
Nagulat ako sa sinabi nila. Hindi ko akalain na nagkagusto si Chandria sa'kin. Hanggang ngayon kaya, meron pang natitira?
"Ano pang ginagawa mo?" - Daryl.
"Puntahan mo na!" - Marck.
Tinignan ko sila Juliette, Cams, Quen at France. Nginitian nila ako.
Tumakbo ako papuntang Library, "UNA NA KAMI! MAG'TI'TRIPLE DATE MUNA KAMI" - rinig kong sigaw nila Quen, Daryl at Marck. Tumingin ako sa kanila. Nag-ok sign ako tiaka ako ngumiti.
Dapat masabi ko na kay Chandy na fake lang ang lahat. Ang pagpapanggap namin ni France. Dapat masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Dapat masabi ko sa kanya na gusto ko siya. Na mahal ko siya. Bago pa mahuli ang lahat.
BINABASA MO ANG
Just A Word (KathNiel)
Teen FictionKaya mo bang ipaglaban at panindigan ang pangakong iyong inumpisahan kung ang tadhana mismo ay pilit kayong pinaglalaruan o basta-basta mo nalang pagtataguan, iiwan, kakalimutan at susukuan ang iyong sinimulan sa isang bagay o isang taong iyong pina...