** 7 **
Juliette's P.O.V
"Hindi ka maaapektuhan kung wala kang nararamdaman" - nagulat kami and at the same time napatingin kaming tatlo sa kanya, sa nagsalita.
Napatayo si Chandria tiaka napayakap sa kanya. "Quen!"
"Kailan kapa umuwi?" - tanong ni Camille.
"Namiss ka namin" - sabi ko naman.
Siya si Henry Quen, kababata namin siya nila Chandria at Camille. Kaso nga lang, 2 years ago nag-migrate sila sa Canada ng family niya. "Doing good. Eto, namiss din kayo" - sagot niya. "Kayo? Kamusta na?" - nakangiting tanong niya sa'min habang naka-akbay kay Chandria.
"Eto, mga Dyosa pa din" - confident na sabi ni Chands na sinang-ayunan naman namin ni Camille.
"AHEM!" - Uh-Oh! Nandito ang tatlong mandirigma.
Napatingin ako kay Daryl na nakatingin din sa'kin at parang nagsasabi ng sino-siya-look.
Si Marck naman, parang chill na nagseselos na ewan. Hindi ko mabasa ung tumatakbo sa utak niya pero nakatingin siya kay Camille.
Si Dariel, halata sa mukha niya na inis na inis siya habang nakatingin sa kamay ni Quen na nakaakbay kay Chandria. Hala ka, Chandria, Lagot ka! Nangangamoy selos.
Nahalata ata ni Chandria ung tingin ni Dariel dahil nakatingin din ito sa kanya kaya, "A-ah. D-dariel, Daryl, Marck, s-si Quen nga pala. Ka-k-kababata namin. Quen, si D-dariel, Daryl at Marck" - pagpapakilala naman ni Chands sa kanila na nauutal.
Nagpalitan sila ng ngiti. Tinignan ko si Quen, iba kung makatingin kay Daniel. Ganun din si Daniel. Uhmm. I smell something...... JEALOUSY :D I mean kung magkatinginan sila, parang... parang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata nila.
"Guys, pa-charge" - sabat ni Camille. Napansin niya din pala yon.
Nagtaka naman ung lima sa sinabi ni Cams, "Dariel, Quen. May kuryente kasi sa mga mata niyo kanina. Pwede ng gawing outlet" - pagpapaliwanag ko.
"Una na ako" - pagpapaalam ni Dariel. Nawalan ata ng gana. Ngumisi naman si Quen. Si Daryl at Marck, parang hindi alam kung kanino sasama, kung kay Dariel ba o sa'min. Napansin ata ni Dariel yun, "Daryl Mac, jan nalang kayo. Baka makabawas pa ng pogi points ung pag-iwan sa mga liniligawan niyo" - napatawa kami ng mahina ni Camille.
"Ikaw talaga, Dariel." - natatawang sabi ni Cams
Umupo sa tabi ko si Daryl tiaka inakbayan ako. "Namiss kita, Julie babes" - namula ako sa sinabi niya. Napangiti naman siya.
"Psh! Kayo ng sweet!" - reklamo ni Dariel. If I know, bitter lang siya.
Paalis na sana si Dariel ng may biglang sumigaw, "Dee!" - dee? Sinong Dee? "Hey! Dee!" - sigaw ulit niya. Napatingin ako kay Dariel, napahinto siya tiaka humarap sa babaeng sumisigaw. "Dee! I missed you!" - tiaka niyakap ni Girl si Dariel. Napangiti si Dariel tiaka niya niyakap pabalik si Girl. Duh! Bagay pa din sila ni Chands no! Teka, Bakit dee? May something ba sa kanila?
Uh-Oh! #JealousDay ba ngayon? Amp!
**
Chandria's P.O.V
"Psh! Kayo ng sweet!" - reklamo ni Dj.
Maglalakad na sana paalis si Dariel ng biglang, "Dee!" - dee? Sinong Dee? "Hey! Dee!" - sigaw ulit niya. Napatingin kami kay Dariel, napahinto siya tiaka humarap sa babaeng sumisigaw. "Dee! I missed you!" - tiaka niyakap niya si Dariel. Napangiti bigla si Dariel at niyakap niya pabalik ung babae saka nagpaalam na silang umalis. Ganun na lang yun? Mang-iiwan? Di man lang ipapakilala sa'min? Amp! Napataas bigla ung kilay ko. Naiinis ako sa kanila. Naiinis ako kay Dariel! Argh!
Pero, Aray ha! Ba't parang sumakit ung puso ko? Ba't parang may kumirot sa dibdib ko? Ba't niyakap niya si Dariel? Di hamak na mas bagay kami no--- Ay! Ano ba yan! Kung ano-ano na mga pinagsasasabi ko. Pero, bakit dee ung tawag niya kay Dariel? May something ba sa kanila?
"Hindi ka maaapektuhan kung wala kang nararamdaman"
"Hindi ka maaapektuhan kung wala kang nararamdaman"
"Hindi ka maaapektuhan kung wala kang nararamdaman"
Biglang pumasok sa isip ko ung sinabi ni Quen. Bakit ganun? Mas naunang pumasok sa isip ko ung mga sinabi ni Quen ng makita ko si Dj na may kasamang babae samantalang ng pag-usapan namin si Kris kanina hindi ko naisip ung sinabi ni Quen. Ano ung naramdaman ko kay Kristof nung nag-usap kami? Tiaka ung kay Dj kanina?
Aaaaaaaaah! Ano ba yan! Sakit sa bangs! Kaloka! Di bagay sa tulad kong Dyosa. Masyado akong maganda para mamroblema.
BINABASA MO ANG
Just A Word (KathNiel)
Novela JuvenilKaya mo bang ipaglaban at panindigan ang pangakong iyong inumpisahan kung ang tadhana mismo ay pilit kayong pinaglalaruan o basta-basta mo nalang pagtataguan, iiwan, kakalimutan at susukuan ang iyong sinimulan sa isang bagay o isang taong iyong pina...